Sa Pag-asa tayo ay Naliligtas :Spe Salvi
Salin ng malaking bahagi ng Encyclical ni Papa Benito XVI
Spe Salvi
Nasabi ni San Pablo na naililigtas tayo ng pag-asa Rom 8:24. Ayon sa ating pananampalataya, ang pagliligtas ay hindi lang ibinibigay. Ito din ay may paanyaya , sa paraan na tayo ay nabibigyan ng pag-asa para maharap natin ang pangkasalukuyan kahit may kahirapan na kasama. Maisasabuhay ito kung ang pananampalataya may patutunguhan at kung ang patutunguhan na ito ay mas matimbang kaysa sa mga dadaanan sa ating paglalakbay. Ano kaya ang pag-asa na tinutukoy na mismong nakakapagbigay ng pagkaligtas
Ang Pananampalataya ay Pag-asa
Sa Bibliya, halos pinagsasalit ang salitang pag-asa at pananampalataya. Ang mga salitang ito ay talagang magka-ungay sa pag-uugnay sa sulat sa mga Hebreo “kaganapan ng pananampalataya” (10:22) sa “pagpapatotoo ng pag-asa ng hindi tumitigil”(10:23). Ganon din ang sinabi ni San Pedro sa kanyang sulat na laging maging handa sa tanong tungkol sa logos, ang kahulugan at dahilan ng ating pag-asa (Pet 3:15) ang “pag-asa” ay katumbas ng pananampalataya
Nasabi ni San Pablo sa mga may diyus-diyosan na bago nila makilala ang tungkol kay Kristo at magkaroon ng pananampalataya, sila ay walang pag-asa at wala silang Diyos sa mundo (eph 2;12). Mayroon silang mga diyus-diyosan at relihiyon, pero di ito nagbigay ng pag-asa sa kanila. Nasabi ni San Pablo sa mga taga-Tesalonica na “huwag kayong magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa” (1Th :13). Sa nasabing ito ni San Pablo, makikita natin na ang marka ng Kristiano ay may kinabukasan, alam nila na may katuturan ang kanilang mga buhay. Ang Ebanghelyo ay hindi lang pagbigigay ng impormasyon pero ito ay gumagawa din, ito ay nakakapagtupad ng mga bagay at nakakapagbago ng buhay
3. Ano ang bumubuo sa pag-asa bilang pagliligtas? Makikita ang sagot sa sinabi ni San Pablo sa mga taga-efeso na sila ay wala pang pag-asa bago nila makilala si Kristo dahil wala silang Diyos sa mundo. Ang makilala ang tunay na Diyos ay ang pagtanggap sa pag-asa
Matututo tayo sa halimbawa ng Africanang Santo na si Josephine Bakhita, na isinilang noong 1869 sa Darfur, Sudan. Noong siya ay 9 na taon, siya ay nakidnap, binubugbog hanggang sa maging duguan at naibenta ng 5 beses sa Sudan. Siya ay nagtrabaho bilang alipin para sa ina at asawa ng heneral at araw-araw ay nalatigo siya hanggang siya ay magdugo na nag resulta ng 144 na marka sa katawan. Noong 1882, siya ay nabili ng Italiano mangangalakal para sa Italianong consul na si Callisto Legnani, na nagbalik sa Italya. Duon,matapos makilala ang mga malulupit na amo, nakilala ni St. Bakhita nakilala niya ang talagang kakaibang amo. Ginamit niya ang pangalang “paron” na galing sa salitang Venitia na kanyang natutunan sa lugar na iyon. Ang paron ay itinawag niya para sa buhay na Diyos, ang Diyos ni Hesus. Bago ang puntong iyon, ang mga nakilala niya lang na mga amo ay ang mga amo na namuhi at nagmaltrato sa kanya at tumuring lang sa kanya bilang magaling na alipin. Ngayon, nalaman niya ang tungkol sa paron na higit pa sa lahat ng mga amo, ang Panginoon ng mga panginoon, ang panginoon na iyon ay ang mabuti, ang kabutihan mismo, na lumikha sa kanya at nagmamahal sa kanya at siya ay minamahal din. Ang Panginoon na ito ay tumanggap din ng kapalaran na malatigo at nag-hihintay sa kanya sa kanang kamay ng Ama. Nagkaroon siya ng pag-asa at di lang nag-aantay ng amo na mas magiging mabait. “Tunay na ako ay minamahal at kung ano man ang mangyari, ako ay iniintay ng pagmamahal. Kaya mabuti ang buhay ko.” Sa pamamagitan ng pag-asa na ito, siya ay naligtas at di na isang alipin pero sa isa ng anak ng Diyos at naintindihan niya ang sinabi ni San Pablo.
Kaya nang dadalin na dapat siya sa Sudan, umayaw si Bakhita dahil ayaw niyang mapahiwalay sa “Paron”. Noong 9 January 1890, siya ay nabautismuhan, nangamunyon at nakumpilan ng Patriarko ng Venice. Noong 8 December 1896, sa Verona, siya ay pumasok sa Kongregasyon ng Canossian Sisters, at mula duon, bukod pa sa kanyang gawain na magtrabaho sa sacristy at sa kumbento, siya ay naglakbay sa Italya para sa kanyang misyon: ang pagpapalaya na kanyang nakamtam sa pagkilala niya sa Diyos ni Hesu-Kristo at ninais niyang maipaalam sa mga maraming tao
Ang konsepto ng pag-asa ng pananampalataya sa Bagong Tipan sa batang Iglesiya
4. Ang ating pagkilala kay Kristo ba ay hindi lang sa ating para sa ating kaalaman kung hindi ay nakakapagbago din ng ating buhay?
Iba ang mensahe ni Hesus kina Spartacus, Barrabas o Bar-Kochba. Si Hesus mismo ay namatay sa krus, ay nagdala ng ating pakikipasalamuha sa buhay na Diyos at pagkakatagpo ng pag-asang mas malakas sa pagdurusa ng pagkaalipin. Ito ay makikita din sa sulat ni San Pablo kay Philemon na isang personal na sulat na isinulat ni Pablo mula sa kulungan at pinagkatiwala sa nakatakas na aliping si Onesimus para sa kanyang amo na si Philemon. Pinabalik ang alipin sa kanyang among kanyang tinakasan. Sinabi ni Pablo kay Philemon “nakikiusap ako sa iyo anak.. na naging anak ko sa kulungan...pinababalik ko siya sa iyo, kasama ng aking puso”(Philem 10-16
Ang mga tao, na ang katayuan sa sosiyadad ay tumatayong amo at alipin, dahil sa miyembro ng simbaham ay nagiging magkakapatid tulad ng pagtawag ng mga Kristiano sa isa't-isa. Sa kapangyarihan ng pagbababautismo tayo ay isinilang muli, umiinon sa iisang Espiritu at tumatanggap ng Katawan ng Panginoon. Kahit ang labas na istraktura ay hindi nagbago, nagkaroon ng pagbabago sa panloob. Nang sabihin sa Sulat sa mga Hebreo na wala sa mundong ito ang ating permanenteng tirahan, na tayo ay naghahanap ng ating titirahan sa hinaharap (cf. Heb 11:13-16; Phil 3:20), di ibig sabihin na tayo ay nabubuhay lang para sa hinaharap o kinabukasan. Tayo ay napapabilang sa mga bagong sosiyadad na layunin ng iisang paglalakbay at ang inaasahan sa paglalakbay
5. Makikita natin sa Unang Sulat sa mga taga-Corinto (1:18-31) na karamihan ng mga Kristiano nuon ay kabilang sa mga mahihirap, dahilan ng pagiging bukas sa bagong pag-asa tulad ng nangyari kay Bakhita. Kahit noong una pa ay may mga pagbabago na din sa mga mayayaman at mga may mayamang kultura dahil sila din ay nabubuhay “ng walang pag-asa at walang Diyos sa mundo” Nawalan ng kredibilidad ang mga alamat. Ikinumpara ni Pablo ang mga relihiyon noon at sa buhay Kristiano na iba sa buhay na nasa ilalim ng mga iba't ibang espirititu ng buong mundo(Col 2:8). Maliliwanagan tayo sa nasulat ni San Gregory Nazianzen na nagsabi na sa pag-gabay sa mga mago ng mga bituin, ang atronomiya o pag-aaral ng mga bituin ay nahinto dahil ang mga bituin ay gumagalaw na sa ayon sa kagustuhan ni Hesus. Ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Ang pagpapasya ay dahil sa pag-iisip, kagustuhan at pag-ibig na iisang Persona. Tayo ay malaya na. Mayroon tayong personal na kalooban at Espiritu na sa pamamagitan ni Kristo ay nagpakilala bilang Pagmamahal
6. Nakikita ng mga unang kristiano ang imahen ng pagiging Pilosopo at Pastol. Ang Pilosopo ay nagtuturo ng daan sa pagiging tunay na tao, ang daan ng pamumuhay at kamatayan. Dala ng Ebanghleyo ang katotohanan na di mahanap ng ibang mga Pilosopo. Si Kristo ang tunay na Pilosopo na dala ang Ebanghelyo at ang tungkod ng manglalakbay. Sa kanyang tungkod, tinalo niya ang kamatayan; ang Ebanghelyo ay nagbibigay ng katotohanan na hindi mahanap ng ibang mga pilosopo. Sinasabi ni Hesus kung paano ang totoong pagpapakatao. Siya ang daan at ang katotohanan at kung gayon, siya din ang buhay. Ganoon din ang nakikita sa kanya bilang pastol na simbulo ng mapayapa at simpleng buhay na hinahanap ng mga nakatira sa mga siyudad “Ang Panginoon ang aking Pastol: di ako kukulangin sa anuman... lumakad man ako sa lambak ng karimlan wala akong katatakutang masama pagkat kasama kita...” (Ps 23 [22]:1, 4). Ang totoong pastol ay ang nakakaalam kahit ang daan na tatahak sa lambak ng kamatayan; ang siyang lalakad kasama ko sa daan ng pag-iisa na walang makakasama sa akin. Siya mismo ay dumaan dito at natalo niya ang kamatayan at siya ay nagbalik para samahan tayo at magbigay ng kasiguraduhan na kasama niya, malalagpasan natin ang lahat. “Di ko kinakatakutan ang kasamaan” (cf. Ps 23 [22]:4)—Ito ang bagong pag-asa ng mga nananampalataya.
7. Sa Sulat sa mga Hebreo, binibigyang kahulugan ang pananampalataya na talagang nag-uugnay sa pag-asa. “Ang pananampalataya ay ang hypostasis ng mga bagay na ating inaasahan; ang katotohanan ng mga bagay na di nakikita”. Para sa mga Ama at mga teologo ng Middle Ages, malinaw na ang salin sa Griegong salitang hypostasis ay isinasalin sa Latin bilang “substantia” at mababasa sa Latin bilang”Est autem fides sperandarum substantia rerum, argumentum non apparentium”—ang pananampalataya ay ang pinakanilalaman ng mga bagay na ating inaasahan; ang katibayan ng mga bagay na di natin nakikita . Sinabi ni Santo Thomas Aquinas,:Ang pananampalataya ay isang habitus, ang tuluy tuluy na kalagayan ng espiritu kung saan nagsisimula ang buhay Diyos sa atin at ang paggamit ng isip ay sumasang-ayon sa mga bagay na di nakikita. Samakatuwid,ang konsepto ng substansya o “substance” ay iniba sa kahulugang sa pananampalataya, nasa atin na ang mga bagay na inaasahan natin: ang kabuuan, tunay na buhay. At dahil mismo sa pagkakaroon ng bagay na iyon, ang presensiya ng bagay na iyon ay nagbibigay ng kasiguraduhan pero ito ay di pa nakikita pero ang bagay na ito ay dala natin, at may pagkakaintindi din tayo tungkol dito. Para kay Luther ang konsepto ng “substance” ay walang halaga. At dahil dito, ang pagkaka intindi niya sa salitang hypostasis/substance ay hindi isang realidad na nasa atin pero isang pagpapahayag ng saloobin kaya nga sa 20th na siglo, maraming mga interpretasyon ang kumalat, pati na din sa mga Katolikong pag-aaral ang ganitong pagsasalin: Ang pananampalataya ay ang pagiging matapat sa inaasahan at ang pagiging kumbinsido sa mga bagay na hindi nakikita. Bagama't ito ay hindi naman mali, hindi ito ang kahulugan ng talata. Ang pananampalataya ay di lang ang personal na pag-abot natin sa mga bagay na wala pa sa atin: ang panamampalataya mismo ay may naibibigay sa atin. Bigay nito ang realidad na hinihintay natin, ang katibayan ng mga mga hindi pa nakikita. Ang kasalukuyan ay nahawakan ng realidad ng hinaharap kaya ang mga bagay sa hinaharap ay bubuhos din sa kasalukuyan at sa kasalukuyan ng hinaharap
8. Ang paliwanag na ito ay pinalakas pa sa mababasa Hebreo 10:34, na sinabi ng sumulat sa mga nakaranas ng pag-uusig “Nagdusa kayong kaisa ng mga nakabilanggo; buong galak din ninyong ipinaagaw ang inyong mga ari-arian (hyparchonton—Vg. bonorum) dahil alam ninyo na kayo'y may mas magangda at mas maasahang kayamanan(hyparxin—Vg. Substantiam). Ang Hyparchonta ay tumutukoy sa ari-arian, na sa ating pamumuhay sa mundo ay nangangahulugang pangtustos. Ito nga ang basis, ang substansya para sa ating buhay. Kinuha sa kanila ang substansiya na ito sa panahon ng pag-uusig. Ang pangyayari na ito ay kanilang tinanggap dahil natagpuan nila ang mas mahalagang “basis” para sa kanilang buhay, ang “basis” na nananatili at walang makaka-agaw
Isang malaking pag-iwan sa makamundong bagay ang mula pa noong una hanggang kay San Francisco ng Assisi at sa panahon ngayon na pumapasok sa mga modernong Relihiyosong Institusyon, ang iwan ang lahat para sa pag-ibig kay Kristo para mailapit at para madala sa iba ang pananampalataya at pag-ibig ni Kristo para matulungan ang mga nagdurusa sa katawan at espiritu. Para sa kanila ang bagong “substansya” ay napatunayang ang totoong “substansya”. Mula sa pag-asa ng mga taong ito na nahipo ni Kristo, pag-asa din ang nakuha ng ibang mga tao na dating nasa kadiliman at walang pag-asa. Ang pangako ni Kristo ay di lang paghihintay sa isang realidad, ito ay ang totoong presensya. Siya nga ay tunay na pilosopo at pastol na nagpakita sa atin ng buhay at kung saan ito makikita.
9. Para lalong maunawaan ang dalawang uri ng substansya—hypostasis at hyparchonta— at ang dalawang pananaw sa buhay na pinapahayag ng mga salitang ito, kailangan nating mapag-aralan ang dalawang salita na kaugnay nito na makikita sa Heb 10, ang hypomone (10:36) at hypostole (10:39). Ang Hypo- mone ay kadalasang isinasalin bilang “pasensya”—pagpupursigi. Ang matutunan ang pagpapasensya sa gitna ng pagdaan sa mga pagsubok ay kailangan ng mga mananampalataya para “matanggap ang pinangako”(10:36). Sa Judaismo, ang salita na ito ay ang pag-asa sa Diyos at patuloy na pananamapalataya sa Diyos dahil sa kasiguraduhan ng Tipan sa mundo na salungat sa Diyos. Ang salita na ito ay ang pagsasabuhay ng pag-asa sa kasiguraduham ng pag-asa. Sa Bagong Tipan, ito ay nagkakaroon ng bagong kahulugan: kay Kristo, pinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili. Ibinahagi Niya na sa atin ang “substansya” ng mga bagay na dadating, kaya ang pag-asa sa Diyos ay nagkaroon ng bagong kasiguraduhan
Ito ay ang pag-asa ng mga bagay na dadating mula sa pagtingin sa pangkasalukuyan kung saan ito ay naibigay na. Ito ay ang pag-abang sa presensya ni Kristo, kasama ni Kristo na kapiling natin, sa kaganapan ng kanyang Katawan at ang kanyang siguradong pagdating. Ang salitang ”hypostole” sa isang banda ay ang kawalang ng tapang na tuwirang magsalita ng katotohanan kahit ang paggawa nito ay may kasamang peligro. Ang pagtatago sa espiritu ng takot ay nagdadala sa “pagkasira” (Heb 10:39). “Hindi tayo binigyan ng Diyos ng Espiritu ng pagkahiya pero ng espiritu ng kapangyarihan at pagmamahal at pagtitimpi” 2 Timothy (1:7)
Buhay Diyos o Walang hanggang buhay– Ano ito?
10. Ang Kristianong pananampalataya ba ay nagpapabago ng buhay at pag-asang nagbibigay buhay?
Ito ba ay may paggawa o “performative” para sa atin—ito ba ay mensaheng nagbabago sa ating buhay sa bagong paraan o ito ba ay impormasyon lang na pwedeng maisangtabi na natatabunan ng mga mas bagong impormasyon? Sa Bautismo tinatanong ang “Ano ang hinihingi niyo sa Simbahan?” Sagot: “Pananampalataya”. “Ano ang binibigay nito sa inyo?” “Buhay-Diyos”. Inaasahan nila ang Pananampalataya na kasama ang kalikasan ng pinaka katawan ng Simbahan at ng kanyang mga sakramento na magbibigay sa bata ng Buhay-Diyos. Ang pananamapalataya ang laman ng pag-asa. Gusto ba natin ang mabuhay ng walang hanggan o Buhay-Diyos? Sinabi ni San Ambrosio, isa sa Ama ng simbahan, sa libing ng kanyang kapatid na si Satyrus: “Ang kamatayan ay hindi bahagi ng kalikasan, ito ay naging bahagi ng kalikasan. Hindi niloob ng Diyos ang kamatayan sa una; ito ay inireseta niya bilang lunas. Ang buhay ng tao, dahil sa kasalanan ay nakaranas ng bigat ng pagkasumpa ng walang kaligtasang paggawa at di-makayanang pagdadalamhati. Kailangang magkaroon ng hangganan ang kasamaan nito; ang kamatayan ay kailangang magbalik ng nawalang buhay. Kapag wala ang tulong ng grasya, ang walang-hanggang buhay ay magiging isang pabigat sa halip na isang biyaya... ang kamatayan ngayon ay di na sanhi ng pagdadalamhati, dahil ito ay naging dahilan ng pagkaligtas ng tao”
11. Mayroong kontradiskyon sa ating saloobin na tumuturo sa panloob na kontradiksyon kung bakit tayo nasa mundo: ayaw nating mamatay, ayaw ng mahal natin sa buhay na mamatay. Sa isang banda ayaw nating mabuhay ng walang katiyakan. Ang magkasulangat nating saloobin ay lumilikha ng tanong: Ano ba ang “buhay”? Ano ba ang kahulugan ng walang-hanggan? Sumulat si San Augustine tungkol sa pagdadasal para kay Proba, isang mayamang biyudang Romana: “ito ang totoong gusto natin-'ang pinagpalang buhay', ang buhay na ang simpleng buhay, simpleng kaligayahan”. Pero sinabi ni San Agustin: kung titignan nating mabuti, di natin talaga alam ang ating hinahanap, kung ano ang ating talagang gusto. Hindi natin alam ang realidad na ito, kahit na umabot sa puntong mahahawakan na natin ito pero ito ay lalayo pa din. “Di natin alam kung ano ang dapat nating ipagdasal(Rom 8:26). Ang nalalaman lang natin ay kung ano ang hindi. Pero sa kawalan ng kaalaman, alam natin na mayroon ang realidad na ito. “Meron tayong natutuhang ignoransya(docta ignorantia)”,sabi niya. Di natin alam kung ano talaga ang gusto natin; hindi natin alam ang “tunay na buhay” pero alam natin na mayroong tayong bagay na hindi alam na gusto natin.
12.Mahal natin ang buhay, ang tunay na buhay na di nagagalaw kahit ng kamatayan, at kasabay nito ay di natin alam ang bagay na gusto nating makamit. Ang bagay na hindi natin alam ay ang tunay na “pag-asa”. Dahil ang bagay na ito na “hindi alam” ang sanhi ng kawalan ng pag-asa at dahilan ng lahat ng uri ng pagsisikap.
Ang walang-hanggang buhay ay ang tawag sa bagay na ito. Ang salita na ito ay may kakulangan at nakakapagbigay ng kalituhan sa iba. Ang “Eternal” ay madalas na nagpapaalala sa atin ng walang-hanggan, bagay na di natatapos at ito ay tumatakot sa atin. Ang maisip natin na tayo ay nasa labas ng oras na kumukulong sa atin ay hindi ang sunod-sunod na araw sa kalendaryo pero isang natatanging oras ng pagkakuntento. Ito ay parang lulusong sa karagatan ng walang hanggang pag-ibig kung saan ang oras, ang nakaraan o hinaharap, ay wala na. Naiisip lang natin ang punto na iyon na tayo ay malublob sa nag-uumapaw na kaligayahan. Ganito ito ipinahayag ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan: “Makikita ninyo ako muli at ang inyong mga puso ay magdidiwang, at walang aagaw ng kaligayahan na ito sa inyoI” (16:22). Kailangan pag-isipan natin ang mga salita na ito para maintindihan ang pinaka pag-asa ng mga Krisiyano, para maintindihan ang kung ano ang pinapahantay sa atin ng ating pananamalataya.
Ang Kristianong pag-asa ba ay makasarili?
13. Sa pagdaan ng kasaysayan, ang mga Kristiano ay nagsubok na magpahayag nitong “pag-alam ng di nalalaman” sa mga bagay na maisasalarawan at gumawa ng mga imahen ng “langit” na malayo pa din sa bagay na matutunan lang sa di-pag-alam. Ang lahat ng pagsubok ng pagsasalarawan ng pag-asa ay nagbigay ng daan para sa mga tao para mabuhay ng pananampalataya at para iwan din ang kanilang hyparchonta, ang materyal na substansya ng kanilang buhay. Sa sulat sa mga Hebreo 11, ibinigay ang kasaysayan ng mga tao na nabuhay ng may pag-asa mula kay Abel hanggang sa panahon ng may akda. Ang mga uri ng pag-asa na ito ay napailalim sa mga kritisismo sa ating modernong panahon: Ito ay itinuring na makasarili lamang, isang paraan ng pag-iwan sa mundo sa paghihirap at pagtago sa pribadong uri ng pagliligtas. Sabi ni Henri de Lubac, :“ Natagpuan ko ba ang kaligayahan? Hindi...ito ay kaligayahan ko lamang at ito ay talagang iba sa tunay na kaligayahan .
Ang kaligayan ni Hesus ay maaring maging personal. Ito ay maaring maangkin ng isang tao at siya maliligtas. Siya ay may kapayapaan...ngayon at magpakailanman, pero siya ay nag-iisa. Ang pagkahiwalay ng kaligayahan na ito ay hindi nakakabahala sa kanya. Siya pa nga ay ang napili. Sa kanyang pagkabiyaya, dumadaan siya sa gitna ng digmaan ng may rosas sa kanyang kamay”
14. Sa kabilang banda, hango naman sa malawak na pananaw sa Teologo ng mga Patriarko, naipakita ni de Lubac na ang pagliligtas ay isang sosyal na katotohanan. Nasabi sa sulat sa mga Hebreo ang tungkol sa “lungsod”(cf. 11:10, 16; 12:22; 13:14) . At dahil dito, nakikita ng mga Ama ng Simbahan na ang kasalanan ay ang kasiraan ng pagkaka-isa ng sankatauhan. Sa Babel, kung saan ang mga wika ay nagulo, ang lugar ng pagkakahiwalay ay ang pagpapahayag ng kung ano talaga ang kasalanan. . Kaya ang pagkaligtas ay lumilitaw bilang panunumbalik ng pagkaka-isa, kung saan tayo ay nagkakaisa muli na nahuhubog sa mga kumunidad ng mananapalataya sa mundo. Sa sulat kay Proba ni San Augustin sa kanyang pagtalakay sa “mabiyayang buhay”, nakapagbigya siya ng talata:144 [143]:15: “Mapalad ang mga tao na ang Diyos ang Panginoon. Para mabilang sa kanyang bayan at makamtan ang ...walang hanggang buhay kasama ng Diyos 'ang pinaka layunin ng mga kautusan ay ang pagmamahal na galing sa busilak na puso at mabuting konsiyensya at sinserong pananampalataya'(1 Tim 1:5).” 11 Ito ang buhay na ating kinukuha, at nakaugnay sa buhay na pagkakaisa ng mga “tao”, at para sa bawat isa, ito ay makakamit lang sa loob ng salitang “tayo”. Ito ay ang pagkalaya sa ating “Ako”, dahil tanging sa pagkabukas natin sa pananaw na ito nabubukas ang ating mata sa pinakabukal ng ating kaligayahan, ang pag-ibig mismo, ang Diyos.
15. Noon naturingan ang mga monastaryo bilang taguan mula sa mundo (contemptus mundi) at pinagtatakasan ng responsibilidad sa mundo para mahanap ang personal na rebelasyon. Sinabi ni San Bernardo of Clairvaux, na naging inspirasyon ng marami para pumasok sa mga kanyang monasteryo, may ibang pananaw tungkol dito. Sa kanyang pananaw, ang mga mongha ay gumagawa para sa simbahan. Ginamit niya ang sinabi ni pseudo-Rufinus sa kanila: "Nabubuhay ang sangkatauhan, salamat sa mga iilang mga tao; kung hindi sa kanila, nagunaw na ang mundo...". Ang mga Contemplatives— o contemplantes— ay kinailangang maging agrikultural na mangagawa —laborantes—sabi niya. Ang karangalan ng trabaho, na namana nating mga Kristiano sa mga Hudio, ay naipahayag na sa mga alituntunin sa mga monasteryoha ni San Augustin and Benito. Ganon din ang paniniwala ni Bernardo. Ang mga mayayaman na nagpunta sa kanyang monasteryo ay kinailangang magtrabaho din. Nasabi ni Bernard na kahit ang mga monasteryo ay hindi makakapagpabalik sa Paraiso, pero ito ay ang lugar ng "pangangalaga ng lupa", ito ay naghahanda para sa bagong paraiso. Ang mga lupain sa kagubatan ay pinapataba, ang mga malalaking puno ay naalis, ang masamang damo sa kaluluwa ay inaalis, at sa ganon, ang lupa ay naihahanda para sa magbunga ang tinapay para sa katawan at kaluluwa.
Ang pagbabago ng pananampalataya at pag-asang Kristiano sa ating modernong panahon.
16. Paanong lumitaw ang maling kaisipan na ang mensahe ni Hesus ay para sa mga bawat tao lamang? Paano nakarating ang iba sa interpretasyon na ang "pagkaligtas ng kaluluwa" ay pagtakas sa tungkulin para sa lahat ng tao, at paano naisip ng iba na ang imahen ng mga kristianismo ay makasariling paghahanap ng ating pagliligtas na tumatanggi sa kaisipan ng paglilingkod sa iba? Ito ay nabibigyang linaw ng kaispan ni Francis Bacon. Ang bagong panahon ay dumating—sa pagkakatuklas sa America at ang mga teknikal na nagawa na nagbigay daan sa kaunlaran —ay di maitatanggi . Ang ginagawang basehan ng bagong panahon na ito ay ang kaugnayan ng eksperimento at mga paraan na nagbibigay kakayahan sa mga tao na maintindihan ang kalikasan alinsulod sa mga batas nito. Tinuturing nila na dito nakakamit ang "pagkapanalo ng sining sa kalikasan" (victoria cursus artis super naturam). Ang pagbabago. ayon kay Bacon ay ang relayson ng agham at ng praxis. Ito ay totoo: ang kaugnayan ng agham at praxis ay ang paghahari sa sanlikha —na naibigay ng Diyos sa tao at nawala dahil sa orihinal na kasalanan —at to ay maibabalik.
17. May nakakabahalang hakbang sa mga nasabi : hanggang sa panahon na iyon, ang pag asa ng pagbabalik ng nawala dahil sa pagkakapalayas sa Paraiso ay mula sa pananampalataya kay Kristo : nakapaloob duon ang "pagkaligtas" . Ngayon , ang sinasabi nilang pagkaligtas, ang panunumbalik ng nawalang "Paraiso" ay di na nila inaasahan mula sa pananampalataya kung hindi sa bagong nadiskubreng relasyon ng agham at ang paggamit nito o praxis. Ito ay di nagtatanggi sa pananampalataya, naglalagay lang ito sa pananampalataya sa ibang antas—ang pagiging pribado at —kasabay nito ang pagwawakas ng kaugnayan nito sa mundo. Ito ang humubog sa krisis sa pananampalataya na totoong krisis sa pag-asa. Kaya ang tinuturing nilang pag-asa, ayon kay Bacon, ay nag-iiba. Ngayon ito ang tawag nila: “lumalagong pananampalataya”. Para kay Bacon, ang mga pagtuklas at imbensyon ay simula pa lang . Sa pamamagitan nito, nasabi niya ang mga posibleng makabagong imbensyon, tulad ng eroplano at sabmarino. Sa pag-usad ng idolohiya, ang ligaya sa pag-unlad ng makakaya ng tao ay nagpatibay sa sinasabi nilang “lumalagong pananampalataya” sa kaunlaran.
18. Dalawang grupo ang naging sentro ng ideya ng kaunlaran. Ang kalayaan at rason. Ang kaunlaran ay sinasabing kasama ng pagtaglay ng rason at ito ay mabuti at para sa kabutihan...ang kaunlaran tungo sa sinasabi nilang ganap na kalayaan. At tulad nito, nakikita lamang nila ang kalayaan bilang purong pangako, kung saan matatagpuan ang kaganapan ng tao. Ang mga konsepto na ito ay may politikal na aspeto. Ang sinasabing kaharian ng rason ay inaasahan na bagong kondisyon ng sankatauhan sa oras na makamit ang inaakala nilang totoong kalayaan. Parang ang rason at kalayaan ay nagpapatibay ng bago at ganap na lipunan. Ang konsepto ng "rason at kalayaan" ay nabigyan ng kahulugan na laban sa pananampalataya pati na sa politikal na sistema ng panahon na iyon
19. Dapat tignan ang dalawang mahahalagang hakbang ng politikal na kaganapan ng sinasabi nilang pag-asang ito dahil sa gagampanan nito tungkol sa tunay na pag-asa. Una ay ang Rebolusyon sa Pransya, ang pagtataguyod ng paghahari ng “rason at kalaayan” na nagsasabi na ang rason ay ang realidad sa politika. Ang ideya na ito ay sumulong. Nagsulat din si Immanel Kant tungkol dito at nagsabi na ang pagbabago ng pananampalataya ng simbahan patungong tanging paghahari ng pananampalatayang panrelihiyon ay ang pagturing nila bilang pagdating ng Kaharian ng Diyos na sinasabing mapapabilis ng rebolusyon mula sa pananampalataya ng simbahan patungong "rasyonal na pananampalataya". Nagkaroon ng bagong kahulugan ang “kaharian ng Diyos” na pinroklama ni Hesus at may bagong silang pananaw ng uri ng presensya; ang tinuturing nilang bagong hinintay, sabi nga. Ang tinuturing nila na "Kaharian ng Diyos" ay darating sa pagtatapos ng "pananampalataya ng simbahan" at pagpalit noon ng sinasabing "relihiyosong pananampalataya" na sa ibang salita ay rasyonal na pananampalataya. Nakita ni Kant ang posibilidad, na gaya ng natural na katapusan ng lahat ng bagay, mayroon ding hindi natural. Kaugnay nito, sinabi niya na : “kapag huminto ang pagmamahal sa Kristianismo, ang mangingibabaw na kaisipan ay ang 'di pagtanggap at paglaban dito ; at magsisimula ang maikling paghahari ng Anticristo (marahil ay base sa takot at sariling interes); ngunit dahil ang Kristianismo, kahit nakadestinong maging relihiyon ng mundo, ay ‘di papayagan ng tadhana upang makamit ito , at dahil dito, sa moral na aspeto, ito ay magdadala sa masamang katapusan ng lahat ng bagay.
20. Ang 19 na siglo ay humawak sa pananampalataya ng kaunlaran bilang bagong uri ng pag-asa ng tao, at nagpatuloy na ituring ang rason at kalayaan bilang gabay na bituin, bilang daan sa pag-asa.Ganon pa man, ang mabilis na pagsulong ng teknolohikal na pag unlad at ng industruyalisasyon na kaugnay nito ay nagbigay daan sa bagong sitwasyon ng lipunan:nagkaroon ng bagong uri ng mga manggagawa ng industriya at ng “industrial proletariat”, na inilarawan ni Friedrich Engels noong 1845. Para sa kanyang mambabasa , nakita nila ang kasagutan: ang resulta ng pagnyayari ay 'di dapat magpatuloy; kailangan ng pagbabago. Pero ang pagbabago na iyon ay yayanig sa istraktura ng lipunan ng bourgeois. Matapos ang rebolusyon ng bourgeois noong 1789, dumating naman ang panahon para sa bagong rebolosyong proletarian: ang pag-unlad ay di na maaring magpatuloy sa maililiit na hakbang. Kailangan ng malaking hakbang. Si Karl Marx ay nagsulong ng kanyang ideya gamit ang pananalita at kaisipan para maipahayag ang makabago at , ayon sa kanya, tuwirang hakbang sa kasaysayan patungong pagliligtas —patungo sa sinasabi ni Kant na “Kaharian ng Diyos”. Ang pag-unlad para sa mas ikabubuti, patungo sa mabuting mundo, ay 'di na nanggagaling sa agham kung hindi sa politika—mula sa siyentipikong politika na kumikilala sa istraktura ng kasaysayan at ng lipunan at nagtuturo sa daan ng rebolusyon, patungo sa pangkalahatang pagbabago. Inilarawan ni Marx ang kanyang panahon at nagsabi ng daan sa rebolusyon 'di lang sa purong ideya: sa pamamagitan ng partidong komunista na nabuo dahil sa Communist Manifesto noong 1848, ito ay kanyang pinairal. Ang kanyang pangako, mula sa kanyang pag-iisip at malinaw na indikasyon ng pamamaraan ng malawakang pagbabago, ay nanatiling walang maliw na hinahangaan. Sumunod ang totoong rebolusyon sa Ruso.
21. Kasabay ng pagtatagumpay ng rebolusyon, lumitaw ang kamaliaan ni Marx. Pinakita niya kung paano wawakasan ang kasalukuyang sistema, pero ‘di niya sinabi kung ano dapat ang susunod na mangyari. Inakala lang niya na sa pagbasak ng mga namumunong tao , sa pagbagsak ng politikal na kapangyarihan at ang sistema ng produksyon, lilitaw ang bagong Herusalem. At duon nga, inakala na ang lahat ng kabalintunaan ay matatapos, magkakaayos ang tao at ang mundo. At lahat ng bagay raw ay lalakad sa kanilang sarili, dahil ang lahat ng bagay ay mapupunta sa lahat ng tao at ang lahat ay magmimithi ng kabutihan para sa lahat ng kapwa. Kaya lang nga, matapos ang rebolusyon, nalaman ni Lenin na ang naisulat ni Marx ay di nagturo kung paano ito ipagpapatuloy. Ang punto ng proseso na ito,at alam natin ang naging takbo nito, ay di nagbigay daan sa perpektong mundo, ito ay nag-iwan ng daan sa kasiraan. ‘Di iniwan ni Marx kung paano papatakbuhin ang mundo na ito. Ang kanyang katahimikan ay nanggaling sa kanyang piniling paraan. Ang kanyang pagkakamali ay mas malalim pa. Nalimutan niya na ang tao ay nanatiling tao. Nalimutan niya ang tao at ang kalayaan ng tao. Nalimutan niya na ang kalayaan ay kalaayan din para sa kasamaan. Inakala niya na matapos mailagay sa tama ang ekonomiya, ang lahat ay kusa nang malalagay sa tama. Ang kanyang tunay na pagkakamali ay ang materyalismo: ang tao ay ‘di lang resulta ng kondisyon ng ekonomiya at ‘di maililigtas ang tao sa pamamagitan lang ng magandang ekonomiya.
22. Tanungin natin ulit ang ating mga sarili: Ano ang ating aasahan? Ang pagtalakay sa modernidad ay nangangailangan ng pag-uusap ng Kristiyanismo at ang konsepto nito ng pag-asa. At kailangan din na malaman ng mga kristiano kung ano talaga ang pag-asa at kung ano ang maibibigay nito. Mula sa pagtingin ulit, kailangan din ang pagtingin sa Kristiyanismo, at palagiang panibaguhin ang pagka-unawa sa sarili mula sa mga ugat nito. Ano ba talaga ang kaunlaran; ano ang pangako nito at ano ang di pinapangako nito? Sa ika-19 na siglo, ang pananampalataya ay sumasailalim sa mga usapin. Sa ika-20 na siglo, nagpahayag si Theodor W. Adorno ng problema ng pananampalataya sa kaunlaran: na ang kaunlaran ay pag-unlad mula sa tirador papuntang bombang atomika. Ito ang aspeto ng pag-unlad na di dapat itago. Nakikita ang dalawang bunga ng kaunlaran. Dala nito ang posibilidad sa kabutihan at nagbubukas din sa bagong mga posibilidad ng kasamaan. Nakita na sa maling kamay ito ay nagiging kaunlaran sa kasamaan. Kung ang teknikal na kaunlaran ay di mapapantayan ng kaunalaran sa etiko, sa panloob na paglago ng tao (cf. Eph 3:16; 2 Cor 4:16), ito ngayon ay ‘di kaunlaran , ngunit isang peligro sa tao at sa mundo.
23. Ang rason ay handog ng Diyos sa tao, at ang pagkawagi ng rason sa pagiging irisonable ay mithiin ng Kristiyanismo. Nagtatagumpay ba ang rason kung ito ay hiwalay sa Diyos at bulag sa Diyos? Ang rason ba sa bawat galaw at ang kakayahan sa paggalaw ang kabuuan ng rason? Kung ang tunay na kaunlaran ay nangangailangan ng moral na paglago ng tao, ang rason sa likod ng paggalaw at ang kakayahan sa paggalaw ay nangangailangan din naman ng pagkabukas ng rason sa napakapangliligtas na puwersa ng pananampalataya.
Duon lang nagiging makatao ang rason, sa pagdala ng ating kalooban sa tamang daan. Kung wala ang ito, ang rason ay magiging peligro sa kanya at sa sanlikha. Ang kalayaan ay nangangailangan ng pagtatagpo ng iba't ibang kalayaan na dapat sukatin ng basehan at mithiin ng ating kalayaan. Sa madaling salita, kailangan natin ang Diyos, kung hindi ay wala tayong pag-asa. Napapatotohanan ang nasusulat sa (Eph 2:12). Walang duda na ang "Kaharian ng Diyos" na natatamo ng walang Diyos —kaharian ng tao lang—ay nauuwi sa "masamang katapusan" ng lahat ng bagay tulad ng inilarawan ni Kant: nakita natin ito ng paulit ulit. Pumapasok ang Diyos sa ating buhay, di lang sa ating mga isipan, siya mismo ang lumalapit sa atin at nakikipag-usap sa atin. Kailangan ng rason ang pananamplataya upang ito ay maging ganap: kinakailangan ng pananampalataya at rason ang isa't-isa para sa makumpleto at magkaroon ng katuparan ang kanilang misyon
Ang tunay na Kristiyanong Pananampalataya
24. Itanong natin ulit : saan tayo dapat umasa? At ano ang ‘di natin dapat asahan? Una, dapat nating aminin na ang unti-unting pag-unlad ay posible lamang sa mga bagay na materyal. Umuusad tayo sa lalong mas mabuting paghawak sa kalikasan. Ngunit ‘di ito masasabi sa larangan ng etiko at moral dahil ang kalayaan ng tao ay laging bago at lagi siyang dapat na gumagawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon na ito, dahil sa malaya nga tayo, ay ‘di maaring gawin sa atin ng ibang tao para sa hinaharap. Sa kalayaan, ang mga malalaking desisyon ng bawat tao at salinlahi ay laging bago. Natural na ang mga bagong salinlahi ay gumagamit sa kaalaman at karanasan ng mga nauna, at sa kayamanang moral ng sankatauhan. At maaari din na tanggihan nila ito. Ang moral na kayamanan ng sankatauhan ay hindi kaagad na magagamit na parang gamit; ang mga ito ay nagsisilbing paanyaya sa kalayaan at sa posibilidad para dito.
a) ang tamang estado ng sankatauhan at ang moral na kalagayan ay di maipapangako ng mga istraktura lamang. Ang istraktura ay mabuti ngunit di dapat lumimot sa kalayaan ng tao.
b) dahil malaya ang tao, ang kaharian ng kabutihan ay di kailanmam magiging ganap dito sa mundo. Kailangan ang palagian na paggamit sa kalayaan.
25. Ang ibig sabihin nito, ang bawat salinlahi ay may katungkulan sa paghahanap ng tamang pamamalakad ng mga tao.
Ngunit ang bawat salinlahi ay dapat makiisa sa pagtataguyod ng istraktura ng kalayaan at kabutihan bilang gabay sa tamang paggamit ng kalayaan ng tao; ang mga istraktura ay nakakatulong pero hindi sapat. Nagkamali sina Francis Bacon at ang kanyang mga tagasunod sa kasalukuyang takbo ng pag-iisip na ang tao ay maililigtas ng agham. Ang paniniwala na ito ay mali pero alam natin na ang agham o siyensa ay nakakatulong sa pagpapabuti ng mundo at sankatauhan. Ang agham din ay maaring makasira maliban sa kung ito ay gagabayan ng pwersa na labas dito. Sa kabilang banda, dahil nahaharap sa tagumpay ng agham sa pagbabago ng mundo,dapat nating aminin na ang malaking bahagi ng modernong Kristianismo, ay nagtuon pansin sa indibidwal at sa kanyang pagkaligtas.
26. Di agham, ngunit pagmamahal ang nagliligtas sa tao. Kapag nakakaranas siya ng dakilang pagmamahal, ito ay oras ng pagliligtas na nagbibigay kahulugan sa kanyang
buhay. Makikita din niya na ang pagmamahal na binigay sa kanya ay di sapat para sagutin ang tanong ng buhay. Ang pagmamahal na ito ay nasisira ng kamatayan. Kailangan ng tao ang walang kundisyon na pag-ibig kung saan niya masasabi ang : “ni kamatayan, o buhay, o mga anghel, o mga kapangyarihan, ni ang mga nandito o mga dadating pa lang, ni taas o ni lalim o anupaman ay hindi makakapaghiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos kay Kristo Hesus” (Rom 8:38- 39). Kung mayroon ang pag-ibig na ito ng may katiyakan, duon lang naliligtas ang tao kahit ano pa man ang mangyari sa kanya. Ito ang pagliligtas sa atin ni Hesu-Kristo. Sa pamamagitan Niya tayo ay nakakatiyak na may Diyos, na "unang sanhi" ng mundo, dahil ang Kanyang Bugtong na Anak ay naging tao at ang lahat ay nagsasabi sa Kanya: “ako ay nabubuhay sa pananampalataya sa Anak ng Diyos , na nagmahal sa atin at ibinigay sa akin ang Kanyang sarili” (Gal 2:20).
27. Sa ganito, ang di nakakakilala sa Diyos ay ay totoong walang pag-asa na sumusustento sa buong buhay(cf. Eph 2:12). Ang sinumang gumagalaw dahil sa pag-ibig ay nakaka-alam ng kung ano talaga ang buhay. Nalalaman nya ang kahulugan ng pag-asa na ating natagpuan sa Ritwal ng Bautismo: mula sa pananampalataya, hinihintay ko ang walang “hanggang buhay” —ang buhay na totoo, buo at may kasiguraduhan, ang simpleng buhay. Nasabi ni Hesus na naparito siya para tayo ay magkaroon ng buhay at ang kabuuan nito at kasaganahan(cf. Jn 10:10), at sinabi din niya kung ano talaga ang buhay: “Ito ang buhay na walang hanggan, na makilala natin ang iisang Diyos, at si Hesu-Kristo na Kanyang isinugo” (Jne 17:3). Ang totoong buhay ay hindi lang ang kung anong meron tayo ng walang relasyon sa iba: ito ay isang relayson. At ang buhay sa kabuuan ay ang relasyon natin sa pinanggagalingan ng buhay. Kung tayo ay may relasyon sa Kanya na hindi namamatay, tayo ay nasa buhay. Tayo ay nabubuhay.
28. Lumilitaw ang tanong kung tayo ba ay nahuhulog sa makasariling pang-unawa sa pagliligtas, sa huwad pag-asa na para sa ating sarili lamang. Hindi! Ang ating relasyon sa Diyos ay nabubuo sa ating relayson kay Hesus—hindi natin ito makakamit ng ating sarili lamang. Ang kaugnayan natin kay Hesus ay relasyon sa Kanya na nagbigay ng Kanyang sarili para sa atin(cf. 1 Tim 2:6). Ang pakikiisa kay Hesus ay nagpapalapit sa atin sa kanyang pagiging “para sa mga tao; Ang pagmamahal sa Diyos ay pakikiisa sa hustisya at pagiging mapagbigay ng Diyos sa lahat .Namatay para sa lahat si Hesus, para ang mga mabubuhay ay hindi na mabuhay para sa kanilang mga sarili, pero para sa kanya na namatay para sa atin (cf. 2 Cor 5:15)”.
30. Tayo ay magbigay ng buod ng ating mga pagninilay. Araw araw tayo ay nakakaranas ng malaki at kaunting pag-asa sa iba't ibang punto ng ating buhay. Ang mga kabataan ay maaring magkaroon ng dakilang pag-ibig; pag-asa sa posisyon, sa propesyon o karera, o tagumpay na makakapagbago sa kanilang buhay. Kapag natutupad ang ating pag-asa, lumiliwanag na ang mga ito ay hindi ang kabuuan. Kailangan pa ng tao ang pag-asa na higit pa dito. Na ang tanging makakapagpakuntento sa kanya ay isang bagay na walang hanggan, isang bagay na higit pa sa kahit anong bagay na kanyang makukuha. Ang ating panahon ay lumikha ng pag-asa ng paglikha ng perpektong mundo, salamat sa kaalaman sa agham at sa siyentipikong politika, ang mga ito ay inaasahang makakamit. Kaya naman ang pag-asa sa Kaharian ng Diyos na sinasabi sa Bibliya ay napapalitan ng pag-asa sa kaharian ng tao. Ang pag-asa sa mas magandang mundo na tinuturing na tunay na “Kaharian ng Diyos”.
Ang sinasabing pag-asa din na iyon ay lumilitaw na laban sa kalayaan. Kung tatanggalin ang kalayaan , resulta ng ilang kondisyon o istraktura, sa huli ito ay hindi magiging magandang mundo dahil sa kawalan ng kalayaan.
31. Kailangan natin ang dakila at mumunting pag-asa para sa ating pang-araw ara na buhay. Ang lahat ng ito ay di magiging sapat kung wala ang dakilang pag-asa. Ang dakilang pag-asa na ito ay ang ating Diyos na higit pa sa lahat ng bagay, at makakapagbigay ng bagay na hindi natin makakamit sa ating sarili lamang. Ang katotohanan na ito ay isang handog sa atin at bahagi ng ating pag-asa. Ang Diyos ang saligan ng ating pag-asa: at hindi ang mga diyus-diyusan, ang Diyos na nagkaroon ng mukha ng tao at nagmahal sa atin hanggang sa wakas; ang Kanyang kahariaan ay nanduon kung saan man Siya iniibig at kung saan tayo inaabot ng Kanyang pag-ibig. Tanging ang pag-ibig niya ang nagbibigay ng kakayahan sa pagpupurisigi araw-araw nang walang kapaguran nang dahil sa pag-asa, sa mundo na hindi perpekto. Ang Kanyang pag-ibig ay ang garantiya ng pagkakaroon ng ating hindi lubusang maramadaman, na atin hinihintay: ang buhay na “totoong” buhay.
I. Dasal bilang tagapagturo ng pag-asa
32. Ang unang mahalagang bagay para matutuhan ang pag-asa ay ang pagdadasal. Kapag wala nang nakikinig sa akin, ang Diyos ay nakikinig sa akin. Kapag wala na akong makausap o matawag, nandian, lagi kong nakakausap ang Diyos. Kapag wala nang ibang makakatulong sa aking pangangailangan o sa mga inaasahan na lalagpas pa sa kakayahan ng tao, Siya ang makakatulong sa atin.
33. Sinabi ni San Augustine, sa kanyang homiliya sa Unang sulat ni Juan ay naglalarawan ng napakalapit na relasyon ng pagdadasal at ng pag-asa. Sinabi niya na ang pagdadasal ay ang pagsasanay sa niloloob ng tao. Ang tao ay nillikha para sa kadakilaan – para sa Diyos mismo; siya ay nilikha para punuin ng Diyos. Ngunit ang kanyang puso ay masyadong maliit para sa kadakilaan na itinakda para dito. Ito ay dapat na palakihin. “Sa pamamagitan ng pagpapatagal ng mga handog, pinapalakas ng Diyos ang ating mga pagnanais; sa pamamagitan ng pagnanais pinapalaki ang ating kaluluwa at sa paglaki nito, pinapalakas nito ang kakayanan [para tanggapin Siya]”. Tanging sa ating pagiging anak ng Diyos natin nakakasama ang ating iisang Ama. Ang pagdadasal ay hindi pag-alis sa kasaysayan ng tao papunta sa ating sariling lugar ng kaligayahan. Kapag tayo ay nagdadasal tayo ay sumasailalim sa proseso ng paglilinis na nagbubukas sa atin sa Diyos at sa ating kapwa din. Sa ating pagdadasal, dapat nating matutunan ang mga dapat nating hilingin sa Diyos- ang nararapat para sa Diyos. Dapat tayong matututo na hindi hingin ang mga karangyaan at komportableng bagay na ating gusto sa oras na ito- isang maling pag-asa na nakakapagpalayo sa atin sa Panginoon. Dapat nating gawing puro ang ating kalooban at pag-asa
34. Para maisulong ang kapangyarihan ng dasal para sa paglilinis, dapat itong, sa isang banda, ay dapat na maging personal, ang pagtatagpo sa gitna ng aking sarili at ng Diyos, ang buhay na Diyos. Sa kabilang banda, ito ay dapat na patuloy na ginagabayan ng mga dasal ng simbahan at ng mga santo, sa dasal na panliturhikal, kung saan ay paulit ulit tayong tinuturuan ng ating Panginoon na magdasal. Tayo ay nagkakaroon ng kakayahan para sa dakilang pag-asa, at tayo ay nagiging tagapagbigay ng pag-asa para sa iba. Ang Kristianong pag-asa ay pag-asa din para sa iba. Ito ay aktibong pag-asa na lumalaban na mauwi ang mga bagay sa kasamaan. Ito ay aktibong pag-asa dahil pinapanatili nitong bukas ang mundo sa Diyos. At tanging sa ganito ito nagpapatuloy bilang tunay na pag-asa ng tao.
II. Ang pagkilos at ang pagdurusa bilang pagsasanay sa pag-asa
35. Ang lahat ng matuwid na asal ay ang pagkilos ng pag-asa. Tanging ang kasiguraduhan ng pag-asa na mahigpit na pinanghahawakan nang hindi mapipigil na Pag-ibig, na nagbibigay ng kahulugan at kahalagahan, tanging ang ganitong uri ng pag-asa lang makakapagbigay ng lakas loob na gumalaw at magpursigi. Hindi natin mapagtatrabahuhan ang langit sa pamamagitan ng ating mga gawa. Ang langit ay laging higit pa sa ating mapagtatatrabahuhan, pero ito ay maituturing lamang na handog. Maari nating buksan ang ating mga sarili at ang mundo para pumasok ang Diyos: mabubuksan natin ang ating sarili sa katotohanan, katotohanan, pag-ibig at sa kabutihan.
36. Tulad ng pagkilos, ang pagdurusa ay bahagi ng ating buhay. Ang pagdurusa ay galling sa ating limitasyon at dahil sa kasalanan na naipon sa pagdaan ng kasaysayan at patuluy na lumalaki ng walang tigil hanggang ngayon. Tiyak na dapat nating gawin ang lahat para mabawasan ang pagdurusa: at para maiwasan ang pagdurusa ng mga inosente; para maibsan ang sakit; matulungan ang mga nagdurusa sa pag-iisip. Kailangan nga natin na magapi ang pagdurusa, pero ang puksain ito sa mundo ay wala sa ating kapangyarihan. Tanging ang Diyos lamang ang makakagawa nito: tanging ang Diyos na pumasok sa kasaysayan at naging tao at nagdusa sa loob ng kasaysayan. Alam natin na buhay ang Diyos na ito at ang kapangyarihan niya na “magtanggal ng kasalanan sa mundo” (Jn 1:29) ay nasa mundo. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa totoong kapangyarihan na ito, ang pananampalataya sa kagalingan ng mundo ay lumitaw sa kasaysayan. Ito ay pag-asa at hindi pa kagananapan; pag-asa na nagpapalakas-loob na tayo ay manatili sa kabutihan kahit sa sitwasyon na parang wala nang pag-asa kahit na sa pagpapatuloy ng presensiya ng kapangyariahan ng kasalanan sa kasaysayan.
37.Sa pagsubok na maiwasan ang pagdurusa sa pamamagitan ng paglayo sa anumang makakasakit, kapag iniiwasan natin ang pagsisikap at sakit para sa katotohanan, pag-ibig at kabutihan, tayo ay naaanod papuntang buhay ng kawalang-kahulugan, na halos walang sakit, ngunit napupunta sa pagdanas ng pagkapabaya at kawalang-katuturan. Hindi sa pag-iwas o pagtakbo sa pagdurusa tayo gumagaling, bagkus, sa ating kakayahan para tanggapin ito, at paglago natin dito at pagtuklas ng kahulugan sa pakikiisa kay Kristo na nagdusa nang may walang hanggang pag-ibig. Si Kristo ay nananaog sa kinaroroonan ng mga yumao at naging malapit sa mga napunta duon, na nagpagbago ng karimlan sa liwanag. Ang pagdurusa at pasakit ay mapait pa din at mahirap batahin. Ngunit ang bituin ng pag-asa ay sumikat- ang angkla ng puso ay umabot sa trono ng Diyos. Sa halip na ang kasamaan ang lumabas sa tao- ang ilaw ng pagwawagi ang nagliliwanag. Ang Pagdurusa ay nagiging kanta ng papuri.
38. Ang tunay na sukatan ng pagkatao ay makikita sa relasyon sa pagdurusa at sa nagdurusa. Ang lipunan na ‘di makatanggap sa mga nagdurusang miembro at walang kakayanan na makiisa sa mga nagdurusa at dalin ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit ay di makatao at walang awang lipunan. Ngunit, ang lipunan ay ‘di makakatanggap ng mga nagdurusa at makakasuporta sa kanilang mga pagsubok hanggang ang bawat isa ay makakita ng kahulugan ng pagdurusa, ang daan ng paglilinis at paglago, ang paglalakbay ng pag-asa. Mayroon lamang pag-ibig kapag may masakit na paglimot sa sarili, dahil kung hindi, ito ay purong pagiging makasarili at humihinto ang pagiging pag-ibig.
39. Ang magdusa kasama ng iba at para sa iba; ang magdusa para sa katotohanan at para sa katarungan; ang magdusa para sa pag-ibig at para maging tao na tunay na nagmamahal—ito ang bumubuo sa pagkatao, at ang iwanan ito ay ang pagsira sa tao mismo. Pinakita ng Kristianong pananampalataya na ang katotohanan, katarungan at pag-ibig ay hindi lang mga idolohiya ngunit mabigat na realidad. Pinakita nito na ang Diyos - ang katotohanan at pag-ibig- ay nag nais na magdusa kasama natin. Sinabi ni Bernard of Clairvaux ang kasabihan na: Impassibilis est Deus, sed non incompassibilis 29—'di kayang magdusa ng Diyos pero maari Siyang magdusa kasama ng tao. Ang tao ay lubos na mahalaga para sa Diyos na naging tao Siya para magdusa Siya kasama ng tao sa totoong paraan—sa pamamagitan ng laman at dugo—tulad ng nangyari sa pasakit ni Hesus. Kaya sa lahat ng pagdurusa ng tao, tayo ay kasama ng dumadanas at kumakaya ng pasakit kasama natin; Ulitin natin: ang kakayanan na magdusa para sa katotohanan ay ang sukatan ng katauhan. Pero ang kakayahan na iyon ay nakasalalay sa uri at laki ng taglay nating pag-asa.
40. Mayroong uri ng debosyon na nag aalay ng maliliit na kahirapan na nadadanasan at nabibigay kahalagahan sa mga ito. Meron ding pagmamalabis sa ganitong debosyon pero kailangan natin tanungin ang kagandahan na makikita natin dito. Ano ang ibig sabihin ng pag-aalay? Ang mga gumagawa nito ay may paniniwala na maari nilang isama ang mga mumunting sakripisyo sa dakilang pagmamalasakit ni Kristo para kahit paano ay maging bahagi ng pagmamalasakit na kinakailangan ng sankatauhan.
III. Paghuhukom bilang paraan na matutuhan at magsanay sa pag-asa
41. Sa dulo ng huling bahagi ng pinaka sentrong bahagi ng kredo ng simbahan- sa bahagi ng pag-aalala sa misteryo ni Kristo, mula sa pagsisilang sa eternidad ni Hesus sa Kanyang Ama at ang pagkakasilang sa oras ng mundo kay Birheng Maria, sa pagdaan Niya sa Krus at pagkabuhay na muli hanggang sa pagdadating Niya muli—matatagpuan natin ang: “Siya ay babalik muli sa Luwalhati para hukuman ang mga nabubuhay at mga yumao”. Ang pananampalataya ay ‘di lang tumitingin sa nakaraan, o pataas, ngunit laging sa haharapin din sa oras ng katarungan na laging pinapahayag ng Panginoon.
43. Ang mga Kristiano ay dapat na patuloy na matuto sa mahigpit na pagbabawal sa mga imahen na nakapaloob sa unang utos ng Diyos (cf. Ex 20:4). Ang katotohanan ng negatibong teolohiya na binigyang diin ng ika-4 na Konsilyo ng Lateran, na nagsasabi na kahit malaki ang pagkakatulad ng Lumikha at nilikha, ang pagkakaiba ng dalawa ay lalong mas malaki pa din. Ang pagbabawal sa mga imahen ay ‘di maaring gawin sa paghantong sa, tulad ng nasabi nina Horkheimer at Adorno, pagsasabi ng “hindi” sa paniniwalang may Diyos at sa paniniwalang walang Diyos. Binigyan ng Diyos ang Kanyang sarili ng “imahen”: kay Kristo na nagkatawang tao. Sa Kanyang pagkakapako sa krus, ito ang pinakamabigat na pagtanggi sa huwad na imahen ng Diyos. Ibinunyag ngayon ng Diyos ang Kanyang tunay na mukha sa imahen ng taong nagdurusa na nakiisa sa taong tila napabayaan ng Diyos. Ang walang salang nagdurusa ay nakaatim ng kasiguraduhan ng pag-asa: mayroong Diyos, at makakalikha ang Diyos ng katarungan sa paraan na ‘di natin maiisip, ngunit may bahagyang pagkakaunawa tayo dito sa pamamagitan ng pananampalataya. Oo, may pagkabuhay muli ng katawan. May katarungan. May paggaling sa nakaraang mga pasakit, pagwawasto na nagbabalik sa tamang bagay. Sa kadahilanang ito, ang pananampalataya sa Huling Paghuhukom ay pag-asa. Ang ating mga pinakamimithi na ‘di natin makakamit sa buhay na ito, sa walang hanggang pag-ibig na ating hinihintay, ay totoong motibo natin para maniwala na ang tao ay nilikha para sa walang-hanggan;at kaugnay din nito , ang pagtuklas na imposilbe nating makamit ang ganap na katarungan sa mundong ito ay nagpapaalam sa atin ng kinakailangan ang pagbabalik muli ni Kristo at bagong buhay.
44. Ang magprotesta laban sa Diyos sa ngalan ng katarungan. Ang mundo na walang Diyos ay ang mundo na walang pag-asa. (cf. Eph 2:12). Tangingn ang Diyos lang ang makakalikha ng katarungan. At ang pananampalataya ang nagbibigay sa atin ng kasiguraduhan na ito ay ginagawa Niya. Ang Diyos ay katarungan at lumilikha ng katarungan. Ito ang ating konsuelo at ang pag-asa. Sa Kanyang katarungan ay may grasya. Ito ay nalalaman natin sa pagtingin kay Hesus na napako at nabuhay na muli. Kailangang Makita ang katarungan at grasya sa kanilang tamang relasyon. ‘di nawawala ang katarungan sa Grasya.
Sa talinhaga ng mayamang tao at si Lazaro (cf. Lk 16:19-31),nagbigay ng babala si Hesus sa imahen ng kaluluwa na nasira ng kayabangan at karangyaan, na lumikha ng di matatawiran na agwat sa gitna niya at ng mahirap na tao; ang agwat na kumukulong sa loob ng materyal na kasarapan, ang agwat ng paglimot sa ibang tao, ng kawalang kakayahan para magmahal na nagiging 'di napapawing pagkauhaw. Tandaan natin na si Hesus ay 'di tumutukoy sa huling hantungan matapos ang Huling Paghuhukom pero tumatalakay sa paniniwala ng mga sinaunang Hudaismo, na ang hahantungan agad ng tao sa gitna ng kamatayan at muling pagkabuhay, ang estado kung saan ay hindi pa nababanggit ang huling hatol.
45. Ang sinaunang mga ideyang Hudyo ng estado ng kaluluwa ay di lang nasa pansamantalang kalalagyan, sa halip, tulad ng nasa talinhaga ng mayamang tao, ay napaparusahan na kaagad at nakakakadanas na ng paunang kaligayahan. Mayroon ding pananaw na ang ganitong kalagayan ay may paglilinis at pagpapagaling na nagdadala sa pakikipag-isa ng kaluluwa sa Diyos. Kinuha ang mga konseptong ito ng Simbahan, at ang Kanlurang Simbahan ay luminang sa doktrina ng Purgatoryo.
46.Sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga –Corinto, pinakita ang magkaibang pagdanas ng paghuhukom ng Diyos ayon sa sitwasyon ng bawat tao. Sinabi niya ito sa paggamit ng mga imahen para maipahayag ang mga hindi nakikita para maunawaan natin ang mundo na higit pa sa kamatayan o hindi pa natin nararanasan. Nagsimula si Pablo sa pagsasabi na ang Kristianong pamumuhay ay itinatag sa iisang pundasyon: si Hesu-Cristo. Ang pundasyon na ito ay matibay . Kapag ito ang ating pundasyon, ito ay hindi makukuha sa atin kahit ng kamatayan. Nagpatuloy si Pablo: “Ngunit sa pagtatayo sa pundasyong ito, kung may gumagamit ng ginto, pilak, mga mamahaling bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan, ilalantad ang gawa ng bawat isa. Ituturo iyon ng araw ng Paghahatol sapagkat ihahayag ito. Ang apoy ang maglalantad at susubukin sa apoy ang uri ng gawa ng bawat isa. Kung mananatili ang gawa ng nagtayo, gagantimpalaan siya; kung matutupok naman ang gawa, siya ay mawawalan. Maliligtas nga siya pero gaya lamang ng nagdaan sa apoy” (1 Cor 3:12-15). Sa nasulat na ito, makikita natin na ang kaligtasan ay may iba’t ibang paraan, na ang iba sa mga nagawa natin ay maaring masunog, at para tayo ay maligtas, kinakailangan nating magdaan sa “apoy” para maging ganap na bukas na tumanggap sa Diyos at makibahagi sa mesa ng walang hanggang piging sa kasalan.
47. May mga teologo na nagsasabi na ang apoy na nakakasunog at nagliligtas ay mismong si Hesus, ang hukom at ang manliligtas. Ang lahat ng ‘di totoo ay naglalaho kapag kaharap Siya. Ang pagtatagpo kasama Siya, sa pagsunog sa atin, ay nagpapabago at nagpapalaya sa atin, humahaya sa ating maging kung sino talaga tayo. Sa masakit na pagtatagpo na iyon, kapag ang karumihan at sakit ay nakita na, naduon ang pagliligtas. Ang Kanyang tingin, ang paghipo ng ating mga puso ay nagpapagaling sa atin sa talagang masakit na pagbabago “na parang pagdaan sa apoy”. Pero ito ay masakita na biyaya, kung san ang banal na kapangyarihan ng pag-ibig ay tumatagos sa atin na parang apoy, na nagbibigay kakayahan na maging kung sino talaga tayo at maging para sa Diyos ng buong buo. Nagiging malinaw ang kaugnayan ng katarungan at grasya: may kahulugan ang ating buhay, ang mantsa ng ating pagkakasala ‘di panghabang panahon kung ayo ay nagpatuloy na umabot kay Kristo, sa pag-ibig at katotohanan. Hindi nasusukat ang tagal ng nakapagbabagong pagsunog sa ordinaryong oras ng mundo. Ang paghuhukom ng Diyos ay pag-asa, dahil ito ay katarungan at grasya. Kung ito ay grasya lamang, ang mga bagay a mundo ay mawawalan ng katuturan, at kakailanganin na sagutin ng Diyos ang tungkol sa katarungan. Kung ito ay katarungan lang, ito ay magdadala sa atin ng takot. Ang pagkakatawan tao ng Diyos kay Kristo ay talagang nag-uugnay sa katarungan at grasya- nagpupundar sa katarungan: tayo ay kumikilos para sa ating kaligtasan “with fear and trembling” (Phil 2:12). Ngunit ang grasya ay nagpapa-asa sa atin na magtiwala, at magpunta sa hukom na kilala natin bilang “tagapag-tanggol”, o katulong o parakletos (cf. 1 Jn 2:1).
48. May matatandanng paniniwala ang mga Hudyo na makakatulong tayo sa mga yumao sa kabilang sa kabilang buhay sa pamamagitan ng dasal (2 Macc 12:38-45; Unang Siglo BC). Ang kaparehong gawi ay ginawa din ng mga unang Kristiano at ginagawa ng kanluranin at silangang Iglesiya. Ang silangan ay 'di kumikilala sa paglilinis at sa pasakit na pagbabayad sa kabilang buhay, pero sila ay kumikilala sa magkakaibang estado ng pagiging mapalad at pasakit sa kabilang buhay. Ang mga kaluluwa ng mga yumao ay makakatanggap ng “saya at kapahingahan” sa pamamagitan ng Eukaristiya, dasal at pagbibigay sa mahihirap. Nagkakaroo: kung ang “Purgatoryo” ay paglilinis lamang sa apoy na bunga ng pagtatagpo kay Kristo, ang hukom at Manliligtas, paanong nakakaapekto ang iba kahit malapit pa siya sa taong yumao? Ang buhay ng iba ay bumubuhos sa buhay ng iba: sa ating naiisip , sa ating sinasabi, sa ating gagawin at sa ating nagagawa. At ang buhay natin ay bumubuhos sa ibang tao: para sa ikabubuti at ikasasama. Kaya ang akong dasal ay hindi hiwalay sa tao kahit sa kamatayan. Sa ganitong paraan, naliliwanag natin lalo ang bumubuo sa konsepton ng Kristianong pag-asa. Ang ating pag-asa ay laging pag-as din ng iba; at iyon lamang ang tunay na pag-asa. 40 Bilang mga Kristiano, 'di natin dapat natin nililimitahan ang ating sarili sa pagtatanong kung paano natin maililigtas ang ating sarili. Dapat din nating itanong: ano ang dapat kong gawin para maligtas ang iba at upang ang bituin ng pag-asa ay sumikat din? Duon ko lang magagawa ang lahat para sa akin ding personal na kaligtasan.
Maria, ang Bituin ng Pag-asa
49. Sinasabi ng kanta na gawa noong ika-8 o ika-9 na siglo, sa mahigit na isang libong taon, binabati ng simbahan , ang Ina ng Diyos, bilang “Bituin ng Karagatan”: Ave maris stella.Ang ating buhay ay paglalayag sa dagat ng kasaysayan, kadalasan ay sa madilim, paglalakbay na umaasa sa mga bituin na nagtuturo ng daan. Ang mga tunay na bituin ay ang mga tao na nabuhay ng banal. They are lights of hope. Si Hesus ang tunay na ilaw, ang araw na sumikat sa kadiliman ng kasaysayan. Ngunit para maabot natin Siya kailangan natin ang mga ilaw na malapit sa atin — mga tao na nagliliwanag para gabayan tayo sa ating dadaanan. Sino pa ang bituin sa atong buhay? Sa kanyang “oo” binuksan niya ang pintuan ng mundo sa Diyos; siya ay naging Kapan ng Tipan, kung saan nagkatawang tao ang Diyos, at naging kaiisa natin, at nainirahan kasama natin(cf. Jn 1:14).
50. Kaya tumatawag tayo sa kanya : Santa Maria , ikaw ay kabilang sa mga mapagkumbaba at dakilang mga kaluluwa ng Israel na , katulad ni Simeon , ay “naghihintay ng pagpapaginhawa ng Panginoon para sa Israel” (Lk 2:25) at umaasa, tulad ni Anna, “para matubos ang Jerusalem” (Lk 2:38). Sa ganitong pangyayari, pinapasalamatan namin ang banal na pagkatakot na nangibabaw sa iyo nang magpakita sa iyo ang anghel at nagsabi na ipapanganak mo ang Pag-asa ng Israel, Siya na hininya ng mundo. Sa pamamagitan mo, sa iyong “oo”, natupad ang pag-asa , pumasok sa mundong ito at sa kasaysayan.
Sumang-ayon ka sa kadakilaan ng tungkulin na ito at nagbigay ng iyonh pagpayag: “ako ang alipin ng Panginoon, maganap sa akin ayon sa wika mo” (Lk 1:38). Nang ikaw ay magmadali sa Judea taglay ang iyong banal na kaligayahan papunta sa iyong pinsan na si Elizabeth, ikaw ang naging imahen ng Iglesiya, na nagdadala ng pag-asa ng mundo sa kanyang sinapupunan patawid da mga bundok ng kasaysayan. Kasama ng kaligayahan nito, at ng iyong Magnificat, ipinahayag mo sa salita at kanta para madinig sa lahat ng siglo, alam mo din ang madalim na kasabihan ng mga propeta tungkol sa magdurusang tagapaglingkod ng Diyos sa mundo. Nasabi ng matandang Simeon ang tungkol sa punyal na tutusok sa iyong kaluluwa (cf. Lk 2:35), ang simbolo ng kabalintunaan na ang iyong Anak ay mapupunta sa mundo. Nang si Hesus ay nagsimula ng Kanyang pampublikong paglilingkod, kinailangan mong magbigay daan upang lumago ang bagong pamilya na may misyon na maitaguyod na bubuuin ng mga sumusunod sa iyong salita (cf. Lk 11:27f). Kasama ng pagdanas mo ng malaking kaligayahan sa umpisa ng paglilingkod ni Hesus, sa sinagoga ng Nazareth naranasan mo na ang katotohanan ng kontradikyson (cf. Lk4:28ff). Sa ganitong paraan lumalakas na kapangyarihan ng pagtatakwil kay Hesus hanggang sa oras ng Krus, nang tinignan mo ang Tagapagligtas ng mundo, ang hahalili kay David, ang Anak ng Diyos na namatay na parang sa kabiguan , kinukutya ng mga tao sa pagitan ng 2 kriminal. Pagkatapos natanggap mo ang salita ni Hesus: “Babae , iyan ang iyong anak!” (Jn 19:26). Sa krus natanggap mo ang iyong bagong misyon. Sa Krus ikaw ay naging ina sa bagong paraan: ang ina ng lahat ng naniniwala sa iyong Anak na si Hesus at may kagustuhan na sumunod sa Kanya. Ang punyal ng pighati ay tumagos sa iyong puso. Namatay ba ang pag-asa? Nawalan ba ang mundo ng liwanag, at buhay na walang katuturan? Sa oras na iyon sa iyong puso, nakinig ka muli sa salita na binigay sa iyo ng anghel sa pagsagot sa iyo ng anghel dahil sa iyong takot sa oras na iyon : “huwag kang matakot Maria!” (Lk 1:30). Ilang beses na ba nasabi ng Panginoon, ang iyong Anak, ay nagsabi din ng kaparehong bagay: huwag kayong matakot! Sa iyong puso nadinig mo ang salita na iyon noong gabi sa Golgotha. Bago ang gabi ng pagtataksil sinabi Niya sa Kanyang mga alagad : “lakasan ninyo ang loob, napagtagumpayan ko ang mundo.” (Jn 16:33). “Huwag mabagabag ang inyong mga puso” (Jn 14:27). “huwag kang matakot Maria!” Sa oras na iyon sa Nazareth sinabi din sa iyo ng anghel: “wlang katapusan ang Kanyang paghahari” (Lk 1:33). Natapos na nga ba bago pa ang simula? Hindi , sa paanan ng krus, sa lakas ng salita ni Hesus, ikaw ang naging ina ng mga mananampalataya. Ang pananampalatayang ito, kahit sa kadiliman ng sabado de gloria dala ang kasiguraduhan ng pag-asa, ikaw ay dumaan hanggang sa umaga ng Pasko ng pagkabuhay. Santa Maria, Ina ng Diyos, turuan mo kaming maniwala, umasa at mahalin ka. Ipakita mo ang daan sa Kaharian! Bituin sa karagatan, magbigay liwanag ka sa amin at gabayan mo kami sa aming daan.
Given in Rome, at Saint Peter's, on 30 November, the Feast of Saint Andrew the Apostle, in the year 2007, the third of my Pontificate.