Sumali Sa Talakayan

Thursday, March 19, 2009



Keywords: Pilipino katoliko Bible Study Bibliya

Welcome to the Katoliko Group! Group Partner of "Katoliko Forum". Para sa mga gustong magmember, pwedeng mag sign-in sa yahoo (may link para sa membership) o mag-email lang sa eric_piczon@yahoo.com. Puwede ding magbigay ng Yahoo Message sa Yahoo ID eric_piczon.

Ang Katoliko Yahoo Group ay nakatuon sa reflection ng mga Gospels (Daily and Sunday). Sa pagbibigay ng mga Gospel Readings, nagbibigay ang mga members ng mga reflections tungkol dito, nagtutulungan na mas lalong mapag-aralan at mahalin ang salita ng Diyos at malaman ang mensahe nito sa atin.

Nakafocus din ang grupo sa paggawa ng mga oral presentation na may objective na matulungan ang mga members na magresearch at magmeditate sa kagandahan ng Katolikong Pananampalataya. Sa pamamagitan ng oral presentation, mas nabibigyan ng oras na madiscuss ang isang topic at matalakay ang mga bagay na konektado dito. Sa paggawa ng oral presentation, mas nagiging madali sa mga makikinig ang matutunan kung paano maipapahayag ang ating paniniwala sa ibang mga tao hindi lang sa paraan ng pagsulat, mas maipapahayag natin ito sa paraan ng pag-uusap. Sana ay makapagpadala kayo ng mga oral presentation ninyo at makakapili kayo ng sharing na gusto ninyo, personal na testimony, pag-kanta, pagtugtog, pag-discuss ng topic (Bible Study,apologetics) at iba pa! Ang mga oral presentation ay mapapakinggan din ng mga members sa File Section ng Katoliko Yahoo Group kung gusto nilang balikan ang mga nakaraang topic na na-discuss na.

Bawat linggo, ang ipopost sa group na mga tanong sa faith galing sa non-Catholics or doubting Catholics ay tatlo lang, ang ibang mga posts ay itatransfer sa "Katoliko forum". Ang unang tatlong sagot/comment sa mga post na ito ay ipopost din pero ang iba ay ilalagay sa "Katoliko Forum". /

No comments: