Ang Pagmamahal kaisa ng katotohanan na pinatotohanan ni Hesu-Cristo nang Siya ay mamuhay sa mundo, lalo na sa Kanyang pagkamatay at muling-pagkabuhay, ay ang pinaka-ugat ng lahat ng uri ng tunay na pag-unlad nang bawat tao at sangkatauhan. Nahahanap ng bawat tao ang makakabuti sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod niya sa plano ng Diyos: sa planong ito, makikita niya ang kanyang katotohanan, makakamit niya ang kalayaan sa pamamagitan ng kanyang pagsunod sa plano ng Diyos(cf. Jn 8:22).
Ang lahat ng tao ay nakakaramdam ng pagnanais na magmahal nang tunay: ang pagmamahal at katotohanan ay 'di tuluyang umiwan sa tao dahil ito ay ang mga bokasyon na itinanim sa atin ng Diyos sa ating mga puso at isip. Kay Kristo, ang pagmamahal na kaisa ng katotohanan ay ang naging Mukha ng Kanyang Persona, isang bokayson upang mahalin natin ang ating mga kapatid sa katotohanan ng Kanyang plano. Ang pagmamahal ay ang pinakapuso ng Doktrinang Panlipunan ng Iglesiya. Ang lahat ay mula sa Pagmamahal ng Diyos, ang lahat ay nagkakahugis dahil dito, ang lahat ay patungo dito. Ang Katotohanan ay kailangang hanapin at matagpuan sa "oikonomia" o plano ng pagmamahal, ngunit ang pagmamahal ay kailangang maunawaan, mapagtibay at maisabuhay sa ilaw ng katotohanan.
Sa malapit na kaugnayan ng katotohanan, ang pagmamahal ay makikilala bilang tunay na pagpapahayag ng pagkatao at pangunahing elemento sa pakikipag-kapwa-tao. Ang katotohanan ay ang ilaw na nagbibigay ng kahulugan at kahalagahan sa pagmamahal. Ito ang ilaw ng dahilan at ng pananampalataya na nagbibigay kakayahan sa kaisipan upang makamit ang natural at sobrenatural na katotohan ng pagmamahal. Kung wala ang katotohanan, ang pagmamahal ay bumababa lamang sa mga tanging nararamdaman. Sa ganito, ang pagmamahal ay nagiging sisidlan lamang ng kung anuman ang naisin natin.
Ang katotohanan ay nagpapalaya sa pagmamahal mula sa mga limitasyon ng mga purong nararamdaman, mga bagay na nag-aalis ng mga relasyon, mga elementong pang-sosyal at ng pananampalataya na sanhi ng pagkatanggal dito ng maka-taong aspeto. Dahil sa ang pagmamahal ay puno ng katotohanan, ang pagmamahal ay nauunawaan sa pamamagitan ng kahalagahan nito na atin namang naipapamahagi at naipapahayag. Ang Katotohanan, sa pagtulong nito sa tao upang iwan ang kanilang mga personal na opinyon at kaisipan, ay nagbibigay kakayahan upang siya ay gumalaw nang higit pa sa limitasyong pangkultura o limitasyon ng kasaysayan at humahantong sa pagpapahalaga sa totoong saysay at substansya ng mga bagay. Ang Katotohanan ay nagbubukas at napag-iisa ang ating mga isip sa lógos ng pagmamahal: ito ang pinapahayag ng Kristianismo at ang pagpapatotoo ng pagmamahal.
Ang Kristianismo na walang katotohanan ay maaring maging katumbas lamang ng grupo ng magandang damdamin, na maaaring makatulong sa pagkaka-isang panglipunan, ngunit may napakahinang kaugnayan tungkol dito. Ang pagmamahal ay naibunyag na at nagkaroon ng presensiya sa pamamagitan ni Kristo(cf. Jn 13:1) at "ibinubuhos sa ating mga puso sa pamamgitan ng Espiritu Santo” (Rom 5:5). Bilang mga minamahal ng Diyos, ang babae at lalaki ay napapailalim sa pagmamahal, sila ay tinawag upang maging instrumento ng grasya, upang ibuhos ang pag-ibig ng Diyos at upang humabi ng lipunan ng pagmamahal.
Ang kinakailangan lalo nila ay ang mahalin at ipakita ang katotohanan. Kung wala ang katotohanan, kung wala ang pagtitiwala at pagmamahal sa kung ano ang katotohanan, wala din ang konsiyensya at pagiging responsable ng lipunan. Kung ganito, ang paggalaw ng lipunan ay para lang sa personal na interes at mentalidad na nakabase sa kapangyarihang nagbubunga pagkakawatak-watak lalo na sa lipunan ng mundo sa oras ng kahirapan.Ang Pagmamahal ay higit pa sa hustisiya dahil ang magmahal ay ang mag-bigay, ang mag-alok ang kung ano ang "akin"; ngunit 'di ito nagkukulang sa katarungan na nagsasabi sa atin na ibigay ang nararapat sa iba. Ang Katarungan ay ang pangunahing paraan ng pagmamahal o, sa pananalita ni Pablo VI, “ang pinaka-kaunting hustong sukatan" nito[2], ang kinakailangan bahagi ng pagmamahal” (1 Jn 3:18), ang siyang pinapaki-usap ni San Juan. Sa kabilang banda, ang pagmamahal ay lumalagpas sa Katarungan at kumokompleto nito sa pamamgitan ng pagbibigay at pagpapatawad. [3].
Ang magmahal sa isang tao ay ang magnais ng kanyang ikabubuti at ang kumilos upang makamit ito. Ang maghangad ng ikabubuti para sa lahat at ang magpursigi para dito ay pangunahing elemento ng katarungan at ng pagmamahal.
itutuloy... para sa gustong makibahagi sa paggawa ng proyektong pagsalin at pagtalakay ng Encylical, mangyari lang na sumulat sa ericpiczon@gmail.com.