Sumali Sa Talakayan

Sunday, November 1, 2009

Sulat ni San Pablo para sa mga Taga-Roma


Sulat ni San Pablo para sa mga taga-Roma(
mp3Pakinggan)

Ang proyekto ng Katoliko Yahoo Group na ito ay tumatalakay sa mga sulat ni San Pablo para sa mga Taga-Roma. Ang mga nilalaman ng sulat ay mula sa iba't ibang materyal tulad ng pag-aaral na nasa Scborromeo.org, libro na "Inside the Bible" ni Fr. Baker, SJ at mula sa mga presentasyon ni Dr. Scott Hahn. Nawa'y makahikayat ang proyekto na ito upang inyong mapagnilayan ang Bibliya at ang mga aral ng Iglesiya Katolika. Sa ibaba ay ang unang bahagi ng tala na ginamit upang mabuo ang Oral Presentation ng grupo.

------------------


Sumulat si San Pablo sa Iglesiya na iba ang nagtatag. Alam niya na natapos na ang na kanyang misyon sa Mediterrenean at papunta na siya sa Espanya. At sa daan papunta duon, ninais niyang mapuntahan ang Roma. Bago siya magpunta sa Kanluran, kinailangan muna niyang dalhin ang mga nakolektang abuloy galing sa mga simbahan ng mga Hentil na kanyang itinatag (Rom 15:19 1Cor 16:1) para maipakita ang pagkakaisa ng Inang Iglesiya sa Jerusalem at ng Hentil na iglesiya sa Galatia, Macedonia at Achaia. Nagbigay ang mga Hentil na iglesiya dahil na din sa sila ay nakabahagi sa esperitwal na pagpapala (Rom 15:27) mula sa ibang mga iglesiya. Sumulat siya sa mga taga-Roma bago magpunta mula Corinto hanggang Jerusalem.

Ang titulo ni San Pablo bilang "utusan" ay isa sa mga tatlo na ginamit niya par sa kanyang sarili. Ang paggamit ng titulo na ito ay hindi lamang nagpapakita ng isang istilo sa Lumang Tipan (na ang lingkod ay isang utusan sa mata ni Yahweh Ps 27:9;31:16; 89:50), ito din ay ginamit sa mga kilalang tao sa Lumang Tipan tulad nina Moises (2 Kings 18:12), Joshua (Judges 2:8) at Abraham (Ps 105:42) .

Ang pagtawag kay San Pablo bilang Apostol ay ang pangalawang pamagat sa kanya. Ito ay nagmula sa kanyang pagkakatawag ng Panginoon sa kanyang pagdaan patunong sa Damasco

--------------------
Ika-3 na Kabanata

Pananampalataya ang daan ng kaligtasan
Ang salita na “gawang inuutos ng Batas” o “ergo nomou” sa Griego na tinutukoy ni Pablo ay ang Batas ni Moises o ang Torah. Ito ay mga katuruan, moral o legal na sistema, kasama ang mga seremonyas. Dahil sa maling pagkaka-intindi, ang ibang Hudio ay nagtuturo na sa kanilang pag-gawa ng mga ito ay nagkakaroon ng obligasyon ang Panginoon na sila ay gantimpalaan at kilalaning matuwid. Ang tinutukoy na gawang ito ay iba sa mga gawa na bunga ng Grasya dahil sa pananamapalataya kay Hesus.

Mayroon ba tayong katibayan na ito nga ang tamang pagpapakahulugan sa mga salitang “gawang inuutos ng batas” na nasusuat sa Sulat sa mga taga-Roma? Pinagtibay ang ganitong pagkakaunawa sa salitang iyon sa pagtuklas ng "Dead Sea Scrolls" kung saan naisalin ang salita mula sa Hebreong “works fo the law” ("hrvt ysm")bilang "deeds of the law," o Mosaic law.

Ang tinututulan ni San Pablo ay hinihiling ng mga Hudio na magpailalim ang mga Hentil sa "gawa ng mga Batas". Sa sulat naman ni Santiago, pinagtibay niya ang pangangailangan ng gawa mula sa kapangyarihan ng Grasya upang tayo ay maligtas. Mapapansin na iba ang mga 'gawa' na tinutukoy ni Santiago sa 'gawa' na tinutukoy ni Pablo sa bahagi na ito, ang salita na ginamit ni Santiago ay
"ergois agathois." at hindi "ergon nomou." Ang mga ito ay nagsasabi na hindi magka-iba ang paniniwala nina San Pablo at ni Santiago. Iba ang tinutukoy ni San Pablo pag tinutukoy niya ang “gawang inuutos ng batas” sa mga gawa na tinutukoy ni Santiago
21 Ngayon naman, hiwalay sa Batas, nahayag kung paano tayong ginagawang matuwid at banal ng Diyos, at nasusulat na ito sa Batas at sa mga Propeta. 22 Sa pamamagitan ng pani­niwala kay Jesu­cristo, gina­gawang matuwid ng Diyos ang lahat ng suma­sampalataya. Wala nang pagta­tangi, 23 sa­pagkat nagkasala ang lahat at pinag­kakaitan sila ng kaluwalhatian ng Diyos. 24 At nagiging matuwid at banal naman sila sa kagandahang-loob ng Diyos sa bisa ng pagtubos na na kay Kristo Jesus. 25 Ginawa siyang hain ng Diyos para sa kasalanan sa bisa ng pag­sam­palataya sa kanyang dugo.
At ipinakikita niya kung paano niya tayo ginagawang matuwid at banal. Pinapatawad niya ang dating mga kasa­la­nan 26 na pinabayaan ng Diyos hang­gang ngayon. At ngayon ipinaki­kita niya kung paano niya tayo gina­gawang matuwid, at kung paanong siya mismo ay matuwid at banal – siya na nagpapaging matuwid sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus.
27 Ano ang ipagmamalaki mo nga­yon? May nagsara ng iyong bibig. At ano ang nagsara? Ang Batas ba tungkol sa mga gawa? Hindi, kundi ang batas ng pana­nam­palataya. 28 Sinasabi nga namin na sa pana­nampalataya nagi­­ging banal ang tao at hindi batay sa gawang hinihingi ng Batas. 29 Kung batay sa gawa, para lamang sa mga Judio ang Diyos. Di ba’t siya’y para sa mga pagano rin? Siyempre, Diyos din nila siya,

Kung ang “gawa” na tinutukoy ni Pablo ay ang lahat ng uri ng gawa, bakit niya sasabihin na ang maniwala na "ang kabanalan ay batay sa 'gawa' " ay ang paniniwala na "ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Hudio"? Gumagawa ng mabuti ang mga Hentil ngunit hindi laging nangangahulugan na sila ay nagiging Hudio. Samakatuwid, ang 'gawa' na tinutukoy ni San Pablo ay mga gawa na ginagawa ng mga Hudio. Ang pagsunod sa mga 'gawa' na ito ay pagpapailalim sa relihiyon ng Judaismo. Ano ba ang mga gawa na ginagawa lang ng mga Hudio? Ito ang mga ritwal at legal na batas ni Moises.
---------------
Ika-5 Kabanata

12th Sunday in Ordinary Time Year A
Si Adan at si Jesucristo
12 Sa pamamagitan ng iisang tao pumasok ang kasalanan sa daigdig; at sa pamamagitan ng kasalanan, ang kama­tayan. At umabot ang kamatayan sa lahat ng tao dahil nagkasala ang lahat.

Upang maunawaan ang pagbasa na ito, kailangan itong maintindihan sa konteksto ng kung ano pagkakaintindi
ng mga Hebreo sa Tipan. Hindi mauunawaan ng mabuti ang Tipan sa pagbase nito sa kung ano ang nagaganap sa Sistemang Legal ng mga Romano. Mauunawaan natin ang mga pagbasa kung itutuloy natin ang pagbasa hanggang Rom 6:1

5:12 Ang tinutukoy dito ay ang original sin o Orihinal na kasalanan kung saan tayo ay isinilang na patay sa Esperitwal na buhay.

13 Nasa daigdig na ang kasa­lanan, pero wala pang matatawag na paglabag dahil wala pang Batas. 14 Kaya mula kay Adan hanggang kay Moises, napailalim sa kamatayan ma­ging ang mga hindi nagkasala dahil sa paglabag sa utos – gaya ni Adan – na siyang anino lamang ng ibang darating na Adan.
5:14 Tinutukoy ni San pablo ang tungkol sa tatlong uri ng panahon. Mula kay 'Adan hanggang kay Moises' na 'natural na oras'. Mula kay 'Moises hanggang kay Hesus', ang legal na panahon kung saan ay mayroon silang isang bansa. At magmula kay 'Kristo hangang sa katapusan ng oras' ay pahanon ng pagpapala ng mga bansa at pagpapalaya sa batas sa pamamagitan ng Grasya ni Hesus. Makikita natin na mahalaga ang 'typology' sa panulat ni San Pablo. Si Adan ay anino o type ni Kristo. Si Kristo ang kagapan o fulfillment. Ang pagpapakita ng mga anino o types ay natalakay din sa 1Cor 15:45

15 Ganyan ang pagkadapa. Ngunit walang kaparis ang bisa ng kaloob ng Diyos. Na­matay ang lahat dahil sa kasa­lanan ng isa lamang; ngunit mas dumadami pa ang re­galo ng Diyos, ang masaganang libreng kaloob na umabot sa napaka­raming tao mula sa isang tao na si Jesucristo.

Pinakita din ni San Pablo na may mga pagkakatugma sina Adan at si Hesus, ngunit dahil sa kadakilaan ng awa ng Panginoon, nilampasan pa niya ang mga tutuparin ni Hesus na tinutukoy ng naging aninong si Adan. Nasabi na namatay ang lahat dahil sa epekto ng kasalanan ni Adan at ang estado na ito ay nakaapekto sa lahat ng tao maliban kina Hesus at Maria, ito ang katotohanan ng Original sin, o kawalan ng sanctifying grace, ang grasya na nagpapabanal sa isang tao.
16 Noo’y may isang maka­­salanan lamang. Mas malawak naman ang kaloob. Mula sa isang hina­tulan ang paghatol, ngunit ngayon, marami ang mga makasalanang naging ma­tuwid.

17 Iisa ang nagkasala noon, at mula sa iisa lamang naghari ang kamatayan, ngunit ngayon, kay sagana ng kaloob na regalo ng kaba­nalang tinatanggap ng mga maghahari sa kaha­rian ng buhay sa pamamagitan ng iisang Jesucristo!

Tayo ay nagiginng banal nang dahil sa awa ng Diyos at dahil sa gawa ni Kristo sa Krus.
18 Nauwi nga sa paghatol sa lahat ng tao ang kasalanan ng isang tao; gayon din naman mauuwi sa kabanalan at buhay para sa lahat ng tao ang banal na gawa ng isang tao. 19 Maraming naila­gay sa kasa­lanan bunga ng pagsuway ng isang tao; marami rin naman ang gina­gawang ma­tuwid dahil sa pagsunod ng isang tao.

Sa pamamagitan ni Adan, tayo ay naging makasalanan. Sa pamamagitan ni Hesus, tayo ay naging banal at di lang sa pangalan, tayo ay totoong pinapabanal. Tulad ng pagsasabi niya na magkaroon ng ilaw sa Gen 1:3 at sa puntong iyon ay nagkaroon ng ilaw, tayo ay nagiging anak mismo ng Diyos.

Makibahagi sa talakayan

No comments: