Sumali Sa Talakayan

Sunday, January 31, 2010

EWTN Notes: Fides Et Ratio

Fides et ratio
http://bit.ly/d77gJr

Marami  ang 'di tumatanggap sa Ebanghelyo bilang pinanggagalingan ng katotohanan kaya mahirap itong makapagkumbinse sa katotohanan

Kailangan nating kilalanin ang ating sarili. Kailangan din nating kilalanin ang mga pinakamahahalagang katanungan. Ang mga tao ngayon ay walang kasagutan dito. Tanging ang simbahan lang kay Hesus ang may taglay ng mga sagot para dito. 

Ang pananampalataya at rason ay di maaring paghiwalayin ng 'di nababawasan ang kapangyarihan upang kilalanin ang tao, ang kalikasan at ang Diyos

Ang pagsamba sa rason ay nagpabago sa rason at ginawang irisonable

Nasa Iglesiya ang katotohanan.

"Naniniwala ako upang maunawaan ko."

Wisdom infuses order

Ang kawalan ng paniniwala sa Panginoon  ay pagsasabi ng kung  gaano tayo kalayo sa katotohanan.

Nihilism - ang mahalaga at ang layunin ay ang mismong 'paghahanap' dahil sa kawalan ng pag-asa na matagpuan ang katotohanan.



Ang rason na hiwalay sa pananampalataya ay walang patutunguhan at layunin. Ang pananampalataya na  wala sa rason ay bumababa lamang sa nararamdaman at karanasan.

Ang wisdom ay tumutulong sa pilosopiya na makamit ang layunin nito.

-- my heart rejoices in the Lord!

No comments: