Sumali Sa Talakayan

Sunday, February 21, 2010

Papal Infallibility: Grasya ng Kawalang Pagkakamali


 

Pinapaliwanag sa website ng Catholic Answers ang tungkol sa Papal Infallibility o Grasya ng Kawalang Pagkakamali (http://www.catholic.com/library/Papal_Infallibility.asp).



Mga Maling Akala

Maraming mga tao ang nag-aakala na ang "Infallability" ay isang pinaniniwala ng mga Katoliko na  nagsasabi na hindi maaaring magkasala ang Santo Papa.

Kahulugan
Ang totoong kahulugan ng  Kawalang Pagkakamali ay hindi ang kawalan ng posibidad ng magkasala. Ang infallibility din ay hindi lang limitado Sto. Papa, ito din ay para sa lahat ng mga obispo kapag kaisa sila ng papa sa aspeto ng doktrina at nagsasabi na ang mga ito ay katotohanan.
Ang doktrina tungkol sa "Infallibility" ay tumutukoy sa grasya na pinagkaloob ng Panginoon upang mapigilan ang anumang pagkakamali sa pagtuturo ng totoong pananampalataya. Ang grasyang ito ay tumutulong sa Santo Papa sa loob ng 3 kondisyon:

  • Siya ay nagsasalita bilang Ulo ng Simbahan sa kapangyarihan ng posisyon ni San Pedro
  • Siya ay nagtuturo sa aspeto ng moral at ng pananampalataya.
  • Ang pagtuturo ay kanyang pinatatanggap sa lahat ng tao.

Mga tala sa artikulo ng Catholic Answer tugkol sa Infallibility

Ayon sa Vatican II ang mga obispo ay Infallible din kahit sila ay kalat sa iba't ibang bansa sa tuwing sila ay nagpapahayag ng pananampalataya hangga't sila ay nagkakaisa at kasama nila ang Sto. Papa tungkol sa isang pananaw sa moral at faith na dapat sampalatayanan ng mga tao, ang halimbawa nito ay ang mga nangyayari sa Ecumenical Council

Makikita sa Bibliya "guide you into all the truth" (John 16:13) na hindi magkakamali ang simbahan, kahit magkamali ang parte ng miyembro nito (Matt. 16:18, 1 Tim. 3:15) Mas luminaw ang doctrina na ito nang makita ang awtoridad ng simbahan at ng primacy ng Sto. Papa at makikita ito sa unang kasaysayan ng Simbahan. Ang isang infallible pronouncement ay karaniwang nangyayari kapag may pagkakahati sa issue ng doktrina. Madalas na ang mga doktrina ay pinaniniwalaan naman ng malaking halos lahat ng miyembro ng Iglesiya.

Paglilinaw

Marami pa din ang nalilito sa pagkakaiba ng impeccability at Infallibilty ng Sto. Papa. May mga tanong din kung bakit ang ilan sa mga Sto. Papa ay hindi magkasundo sa ibang mga bagay. Dapat natin alalahanin na ang infallibility ay "solemn, official teachings on faith and morals, not to disciplinary decisions or even to unofficial comments on faith and morals". Ang infallibility ay hindi tumutulong sa Sto. Papa para malaman ang katotohanan, kailangan niya pa din alamin ang katotohanan, pero ang infallibilty ay pagpigil sa kanya ng Espiritu Santo na ma solemnly at pormal na magturo ng bagay na hindi totoo.

Pinapakita ng iba ang pag-iwas ni Pedro na maki-kain sa mga Christian Gentiles dahil sa takot niya sa mga tuling Judio pero sa pagkakataong ito, hindi nagtuturo si Pedro sa bagay ng Faith at Morals. Makikita din na alam ni Pedro ang tama pero hindi pa din niya ito sinunod. Para matulungan ang ating mga napahiwalay ng kapatid, ipakita natin na ginamit ng Espiritu Santo si Pedro ang dalawang Epistles ng walang pagkakamali.

Pagpapatibay ng Bibliya

  • "And I tell you, you are Peter [Petros], and on this rock [petra] I will build my Church, and the powers of death shall not prevail against it. I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven, and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven'" (Matt. 16:18-19).
  • Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
  • Talagang sinasabi ko sa inyo : ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. (Mat 18:18)
  • Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)

Makikita natin ang mga ebidensiya nito pati sa Bibliya sa "He who hears you hears me" (Luke 10:16), at "Whatever you bind on earth shall be bound in heaven" (Matt. 18:18). Ang Tungkulin ni Pedro na kaiba sa ibang mga Apostoles. Ang gagampanan ni Pedro sa Simbahan ay nasusulat sa "At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya." Mateo 16 : 18 Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika

  • Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
Ano ang kahalagahan ng pananampalatayang ito para sa ating mga Kristiyano? Bakit mahalaga ang pagsunod natin sa Santo Papa? Anong ang ginagampanan ng Santo Papa sa Iglesiya ng Diyos? Mababasa sa Catechism of the Catholic Church ang ganito "Ang pananampalatayang ito ni Pedro ay ang bato na ginamit ni Hesus para maitayo ang Kanyang Iglesiya (424). Ang pagtanggap na si Hesus ay Anak ng Diyos ay ang sentro ng pananampalataya ng mga apostoles
(CCC442). Dahil sa pananampalataya ni Pedro, siya ang matatag na bato na magpapanatili at magproprotekta ng pananampalataya at magpapatatag ng pananampalataya ng
kanyang mga kapatid (CCC552).

Kanino pinagkatiwala ni Hesus ang Susi ng kaharian ng Langit? Di ba Niya ito binigay sa lahat ng apostol? Ang susi ng Iglesiya ay pinagkatiwala lang ni Hesus kay Pedro. Ngunit ang kapangyarihan na magkalag at magtali ay ibinigay din sa mga apostoles kasama ang ulo tulad ng makikita sa:

  • Talagang sinasabi ko sa inyo : ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. (Mat 18:18)
Ang Santo Papa ay napoprotektahan na magkamali sa aspeto ng pagtuturo ng moral (18:15-19) at ng pananampalataya (Mt16:16-17). Magkaiba ba ang tinutukoy ni Hesus sa paggamit niya ng Petros at Petra? May mga nagsasabi na ang Petra ay nangangahulugan ng malaking bato at ang Petros naman ay maliit na bato, bakit magkaiba ang ginamit ng sumulat ng Ebanghelyo? Ang petros at petra ay magkasing kahulugan sa mga panahon na isinulat ni San Mateo ang Ebanghelyo. May mga makikita na magkaiba ang kahulugan ng dalawa sa mga tula ng mga ilang siglo bago ang panahon ni Hesus, ngunit ang pagkakaiba sa mga salitang ito ay halos nawala na sa panahon ni Hesus at makikita na lang ito sa salitang Attic Greek. Ngunit ang New Testament ay isinulat sa Koine Greek kung saan ang dalawa ay walang pagkakaiba. Kung talagang gustong idiin ni Hesus na si Pedro ay isa lamang na maliit na bato, dapat sana ay ginamit Niya ang salitang "lithos" na madalas na gamitin para tumukoy sa maliit na bato. [source: catholic.com]

  • Thus says the Lord, the GOD of hosts: Up, go to that official, Shebna, master of the palace, Who has hewn for himself a sepulcher on a height and carved his tomb in the rock: "What are you doing here, and what people have you here, that here you have hewn for yourself a tomb?" The LORD shall hurl you down headlong, mortal man! He shall grip you firmly. And roll you up and toss you like a ball into an open land To perish there, you and the chariots you glory in, you disgrace to your master's house! I will thrust you from your office and pull you down from your station. On that day I will summon my servant Eliakim, son of Hilkiah; I will clothe him with your robe, and gird him with your sash, and give over to him your authority. He shall be a father to the inhabitants of Jerusalem, and to the house of Judah. I will place the key of the House of David on his shoulder; when he opens, no one shall shut, when he shuts, no one shall open. I will fix him like a peg in a sure spot, to be a place of honor for his family; On him shall hang all the glory of his family: descendants and offspring, all the little dishes, from bowls to jugs. On that day, says the LORD of hosts, the peg fixed in a sure spot shall give way, break off and fall, and the weight that hung on it shall be done away with; for the LORD has spoken. (Isaiah 22:15)
Mayroon bang kaugnayan ang pagbasa sa Isa 22 sa Mat 16? Ang pagbasa sa Mateo 16 ay pinangungunahan ng pagbasa galing sa Isa 22. Sa pamamagiitang ng pagbasa natin sa nasusulat sa Lumang Tipan, mas magkakaroon tayo ng ideya kung ano ang kahalagahan ng sinabi ni Hesus kay Pedro. Sabi nga, nakatago ang Bagong Tipan sa Lumang Tipan, at ang Lumang Tipan ay ibinubunyag sa Bagong Tipan.

Sinundan si David ng mga iba pang mga hari at si Haring Hezekiah, ang ika-14 na hari ng Juda, ang hari sa pangyayaring ito. Ang naging katulong ng mga hari ay ang mga ministro na pinamumunuan naman ng Punong Ministro. Sa Isa 22, ang sinisimbolo ng susi ay ang pagiging Punong Ministro. Nagpatuloy ang pangyayari na nawalan na ng pagtitiwala ang Panginoon kay Sobna at sinabi na papalitan na siya sa kanyang puwesto. Kinailangan ng awtoridad ng Panginoon upang tanggalin siya sa kanyang puwesto (Isa 22:1)

Kung Ang kaharian ni Haring David ay naitaguyod nang mga 11B.C. at ang una hanggang ika-39 na kabanata ng libro ni Isaias ay naisulat ng mga 8 B.C., nangangahulugan na ang susi ay naipasa ng 300-400 na taon. Sa Lumang Tipan, makikita ang pagkakaroon ng katulad na puwesto sa mga namamahala ng sambahayan ng Hari (2 Kings15:5, Gen 41:39-40). Halimbawa na lang nito ay si Jose na namahala para sa Paraon. Sa ating panahon, ang posisyon na iniwan ni San Pedro ay di nawawala ngunit naipapasa, at ang posisyon na ito ay ang sa Santo Papa.

Ayon sa Revelation 3:7, si Hesus ang may hawak ng susi ng sambahayan ni David na siya ang may kapangyarihan magsara at magbukas. Hindi binibitawan ng Diyos ang Kanyang awtoridad sa mga susi ngunit ipinagkakatiwala Niya ito sa mga naatasan Niya. At sa Juan 21:15-17 si Pedro ang magiging Pastol ng mga tupa at kordero.


" Jesus entrusted a specific authority to Peter: "I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven,and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven."287 The "power of the keys" designates
authority to govern the house of God, which is the Church. Jesus, the Good Shepherd, confirmed this mandate after his Resurrection: "Feed my sheep."288 The power to "bind and loose" connotes the authority to absolve sins, to pronounce doctrinal judgements, and to make disciplinary decisions in the Church. Jesus entrusted this authority to the Church through the ministry of the apostles289 and in particular through the ministry of Peter, the only one to whom he specifically entrusted the keys of the kingdom."

Makikita natin ang pagkakaiba ng tungkuling ginagampanan ng Santo Papa na kaiba sa tungkulin ng mga Obispo dahil siya lang ang pinagkalooban na mag-isang makakapagtali o makakapag-kalag sa lupa na mangyayari din naman sa langit. Ang suporta nito sa Bibliya ay makikita sa "Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa at tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit." Mateo 16 : 19 Sa pagkakataong ito, binigay ni Hesus ang susi kay Pedro lamang. Mapapansin dito na hindi kinakailangan ang pagsang-ayon ng ibang mga apostol para sa pagkalag
at pagtali ni Pedro.

Makikita din sa"Simon, Simon, narito, hiningi ni satanas na ligligin kayo gaya ng trigo, subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala; kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid." Lucas 22 : 31-32 Sinasabi dito na si Pedro ang naatasan na magpalakas ng pananampalataya ng Simbahan.

Para sa marami pang mga sitas sa bibliya na magpapatibay ng kanyang tungkulin bilang punong ministro ng Simbahan na pinagkalooban ng grasya ng Infallibility, pumunta na lang sa link na ito http://www.scripturecatholic.com/primacy_of_peter.html

* "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay yaong tatalian sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay yaong kakalagan sa langit. " Mateo 18 : 18


Infallibility ng lahat ng Apostoles kaisa ni Pedro

Para naman sa grasya na natanggap ng mga Obispo, ang kanilang kapangyarihan na magkalag at magtali ay binigay ni Hesus di para sa isa sa kanila lamang pero para sa grupo. At sa grupong ito, kasama nila sa mga pinagbigyan ni Hesus si Pedro. Kaya naman masasabi na infallible ang mga lahat ng Obispo kung sila ay magkakaisa sa isang desisyon, moral man o pananampalataya, sa kondisyong sila ay nakikiisa sa desisyon ng Santo Papa. Makikita ang pagbigay ng kapangyarihan na ito sa Magisterium ng Simbahan

Sa turo ni Hesus, ang may awtoridad sa pagbigay ng kahulugan at pagpapanatili ng Sagradong Salita ng Diyos ay ang Magisterium ng Simbahan. Ang Magisterium
ay binubuo ng Santo Papa at ng mga Obispo na kaisa ng Santo Papa na gumagalaw sa kapangyarihan ng kanilang posisyon. At dahil sa naniniwala ang Simbahang
katoliko na hindi namamatay ang posisyon ng Apostol kung hindi ay naipapasa, parte ng pananampalataya at isang doktrina na ituring ang Santo Papa at mga Obispo
na nakaupo sa posisyon ng mga Apostol. Dahil dito, marapat lang na makinig tayo sa kanila dahil sinabi ni Hesus na:

"Whatever you bind on earth shall be bound in heaven"
(Matt. 18:18).

* At dahil sa garantiya na si Hesus na "guide you into all the truth" (John 16:13).

* Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)

Makikita natin dito na pinili ni Hesus si Pedro upang mamuno sa mga apostol, at dahil sa pinagdasal ni Kristo ang pananampalataya ni Perdro bilang punong ministro ng Iglesiya.
Other biblical Evidence of the Primacy of Peter
Mga Ebidensiya na nangunguna sa mga apostol sa New Testament
Nangunguna si Pedro 'pag tinutukoy ang mga apostoles (Matt. 10:1-4, Mark 3:16-19, Luke 6:14-16, Acts 1:13, Luke 9:32)
Si Pedro ang kadalasang tagapagsalita ng mga apostoles (Matt. 18:21, Mark 8:29, Luke 12:41, John 6:68-69)
Kapansin-pansin siya sa mga mahahalagang pangyayari (Matt. 14:28-32, Matt. 17:24-27, Mark 10:23-28)
Sa Pentecost, sya ang nanguna sa pagtuturo (Acts 2:14-40), pagpapagaling matapos ang Pentecost, kaarawan ng simbahan, (Acts 3:6-7)
Ang pananampalataya ni Pedro ang magpapalakas ng kanyang mga kapatid (Luke 22:32)
Siya ang pinagbilinan ng mga tupa (John 21:17)
Pinadalan ang anghel kay Pedro para ipaalam ang muling pagkabuhay (Mark 16:7)
Siya ang nanguna sa pagpupulong at paghirang kay Matthias (Acts 1:13-26)
Tinanggap niya ang mga unang converts (Acts 2:41)
Siya ang unang nagparusa (Acts 5:1-11)
unang nag-excommunicate ng heretic (Acts 8:18-23)
Nanguna sa unang konsilyo sa Jerusalem(Act 15) at pagbigay ng unang dogmatic decision
Unang nakatanggap ng mensahe ng pagtanggap ng mga Hentil para mabinyagan at maging Kristiano (Acts 10:46-48)

Base din sa Kasaysayan

Makikita din sa Sagradong Tradisyon na pati si Cyprian ng Carthage, na sumulat noong 256, ay nagbigay ng ganitong tanong, "Would the heretics dare to come to
the very seat of Peter whence apostolic faith is derived and whither no errors can come?" (Letters 59 [55], 14). At sa sinabi noong ikalimang siglo ni Augustine na, "Rome has spoken; the case is concluded"
(Sermons 131, 10).


Ano ang pagpapatunay na naipapasa ang Posisyon ng mga apostoles. Pano tayo nagkaroong ng mga Obispo at ano ang kaugnayan nila sa mga Apostoles? Sa pangunguna ni Pedro, sila ay namili ng papalit kay Judas (Acts 1:20-26). Si Matthias ang napili bilang kapalit ni Judas na nangangahulugan na naluklok siya sa posisyon ng episkopoi na mangangalaga ng simbahan.

Masasabi natin na sina Pablo (Paul) at Bernabe (Barnabas) ay naging obispo ng simbahan dahil sa kanilang ginampanan ng pagbisita at pagtingin (episkepsometha= oversee) sa simbahan (Acts 15:36). Ang nagmana ng posisyon ng mga Apostol ay ang mga Obispo. Sinabihan ng mga apostol ang taong hinirang nila na sa kanilang pagpanaw, makapili sila ng tao na magpatuloy ang kanilang misyon . At dahil dito, napananatili ang Tradisyon ng mga apostol. Ito ang nangyari ng piliin ni Pablo sina Timoteo at Titus (Titus 1:5).

Ang Matatanda ng Iglesiya (Act 20:17) ang tinutukoy sa Act 20:28 na may tungkulin na maging tagapag-ingat (overseer) para pangalagaan ang Iglesiya. Ang salitang "bishop" sa Ingles ay galing sa salitang episkopos sa Griego na ang kahulugan ay tagapag-ingat

Friday, February 19, 2010

Pag-aayuno? 40 Araw? Bakit?!

Pag-aayuno? Bakit?!

Hello groupmates!

http://bit.ly/dp1yNN Ang ganda ng paliwanag ng ating Santo Papa sa dahilan ng ating pag-aayuno. Maraming mga tao ang nagtatanong tungkol sa katolikong tradisyon na ito. Ang iba sa kanila pa nga ay nagsasabi na bakit pa daw natin pinapahirapan ang ating sarili sa panahon ng Kuwaresma gayong nagawa na ni Hesus ang lahat para matupad ang Kanyang misyon ng pagliligtas.

Pinaalala ng Santo Papa na ang ganitong gawain ay naglilinis sa atin sa kasalanan, isang pag-ayos sa paglabag ni Adan nang kainin nya ang bunga ng puno ng "karunungan ng masama at mabuti".

Ang pag-aayuno din ay nabigyan ko ng bagong kahalagahan sa tulong na din ng mga natutunan ko sa Ewtn at pag-aaral ng ating pananampalataya. Para sa akin, ang
pag-aayuno ay paraan sa pagpatay natin sa makamundong pagnanasa, at lalong paghaya sa Panginoon na siya ay manahan at mamuhay sa atin. "di na tayo ang nabubuhay ngunit ang Diyos na nasa atin".

Maliit man na sakripisyo ang pag-aayuno, ito ay isang panggising na tayo ay nasa peligro na maging alipin ng maliliit na bagay. Ang paggising na ito ay isang magandang daan upang mabuksan ang ating isipan na tayo ay posibleng maging alipin din ng mas malaking mga bagay. Ito ay magandang simula. Sabi nga ni San
Francisco de Sales, ang simula ng debotong buhay ay paunti-unti. Alalahanin natin ang hagdan ni Jacob kung saan panik-panaog ang mga anghel kahit sila ay may pakpak. Ito ay may mensahe na upang makarating sa rurok ng debotong buhay, mainam na magkaroon ng unti-unting hakbang patungo rito.

Ang maliit na sakripisyo na tulad na ito ay nagkakaroon ng esperitwal na
importansya sa pakikipag-isa nito sa sakripisyo ni Kristo sa Krus. Ang ating pagiging kristiano ay di lang isang biyaya, ito ay may nakakabit na misyon ng pagsasakripisyo at pagpepenitensya para sa ating kasalanan at sa kasalanan ng mundo. Sa mumunting pagtitiis na ito, natututo tayong hanapin sa Diyos ang kaginhawahan, ang kanyang lalong pananahan sa nagpepenitensya, na lalong
nagbibigay lakas sa tao para magawa ito. Nandito ang pagsandal natin sa Kanyang pangako na sa bawat pagsubok, kasama natin siya, nagbibigay ng siya karampatang
lakas. Nasa atin ang Panginoon at wala na tayong nanaisin pang iba.

Sa pag-aayuno, tayo ay nagiging buhay na alay. Tulad nga ng naireport natin sa Oral ng Romans, sa lumang Tipan, ang mga alay ay patay, nagpapaalala ng kamatayan na dala ng kasalanan. Sa bagong Tipan, ang mga alay ay buhay, paalala na ang bunga ng sakripisyo sa krus ay ang buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Nya at sa Kanya, tayo ay nagiging buhay na alay

Bakit 40? Gusto mo bang gumaling?

http://bit.ly/bMhNmh Mababasa sa Gospel ni St John 5:5 na ang isang tao na nakahandusay ng 38 na taon, ay tinanong ni Jesus kung gusto niyang mapagaling. Ang ilan sa atin ay magtataka kung bakit nakuha pang itanong ng Panginoon kung gusto niyang gumaling gayong walang tao ang nagnanais na magkasakit ng habang buhay.

Sa ating buhay, Sa panahon ng kuwaresma, pinapaalala ang nangyari sa Israel nang hindi sila nakapasok sa pinangakong lupa ng 40 na taon bunga ng kanilang desisyong hindi paniwalaan ang Diyos. Ang bilang na 40 din ay nagpapaalala sa atin ng nangyari sa Panginoon kung saan siya ay tinukso ng demonyo at kung saan ay  napagtagumpayan Niya ang pagsubok para sa atin.

Makikita natin ang ating sarili sa taong nakahandusay kung pipiliin nating baguhin ni Kristo ang ating buhay at piliin na sumunod sa Kanyang yapak na 'di nagpatalo sa tukso. Sa pamamagitan ng penitensiya at sa pagsunod sa mga bagay na esperitwal o "mortification" ng ating katawan, lalo tayong nagiging katulad niya at nanatili si Jesus sa atin.

Your groupmate,
Eric

-- my heart rejoices in the Lord!

Thursday, February 18, 2010

Mga tema ng mga Pagbasa sa Misa sa Panahon ng Kuwaresma

http://bit.ly/aBSGC2 Hello groupmates!

Ibabahagi ko lang ang tungkol sa mga tema ng mga Pagbasa sa Misa para Panahon ng Kuwaresma

Ito ang mga notes ko sa 'Daily Missal: St.Paul's Edition'. Sana ay makatulong ito upang makita natin ang mga tinatalakay ng mga pagbasa sa bawat linggo ng Kuwaresma.

Miyerkules ng Abo- Joel 2:12-18 - Ito ay tungkol sa taus-pusong pagpepenitensiya; Cor 5:20-6:2 -pagpapaalala na magbalik-loob sa Panginoon; Mt 6:1-6, 16-18- pagtuturo na ang mabuting gawain ay hindi para sa pagpapakita sa mga tao bagkus ay ang resulta ng panloob na pagbabago sa atin bunga ng pananahan ni Kristo sa bawat isa sa atin.

Huebes -Ang unang apat na Misa sa Kuwaresma ay may mga relasyon. Pinapakita ng mga misang ito ang pagtutuunan natin ng atensiyon. Ang Misa para sa araw na ito ay para ipaalala na misyon natin na iligtas ang ating mga kaluluwa.

Biernes- Kasama ng unang apat na Misa sa Kuwaresma. Pinapaala ang mga mahalagang bagay sa panahon na ito. Ang isa dito ay ang pag-aayuno.

Sabado - bahagi ng 4 na magkaka-ugnay na mga Misa na nakatuon sa: pagdadasal, pagbibigay ng tulong pinansiyal, pag-aayuno, at pagbabalik loob. Ang misa na ito ay para sa pagbabalik loob.

Unang Linggo ng Kuwaresma- Natapos na ang pagpapakilala ng mga tema para sa simula ng Kuwaresma. Simula na ng unang sa dalawang bahagi ng Kuwaresma. Ang susunod na tatlong mga linggo ay pag-aaral sa espirituwalidad.

Lunes- Mga pagbasa sa pakikitungo at pakikipagkapwa-tao.

Martes - Focus tungkol sa Bibliya at pagdadasal

Miyerkules - Kahalagahan ng pagbabalik loob

Huebes - pagtuturo kung paano magdasal

Biernes - pagbabalik loob sa Diyos at pag-aayos ng relasyon sa kapwa.

Sabado - 'be perfect as your heavenly Father is perfect"
*******************

Kinapos na sa oras, at kailangan ko nang tapusin ang e-mail na ito, pero ito ang mga tatalakayin sa mga dadating na linggo ng Kuwaresma.

Second Week of Lent- Ipagpapatuloy ang mga tema sa loob ng 3 linggong pagbasa tungkol sa mga katotohanan sa Esperitwal na buhay.

Third Week of Lent - Huling linggo ng unang bahagi ng Kuwaresma. Pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga katotohanan tungkol sa Esperitwal na buhay.

Fourth Week of Lent - Ang mga Ebanghelyo sa bawat susunod na mga araw ay kukunin sa sinulat ni St. John kung saan makikita ang lumalalang alitan laban kay Jesus na magdadala sa Kanyang pagkakapako sa krus

Fifth Week, patuloy na pagpapakita ng mga nangyari na nag-uwi sa pagpapapako kay Jesus. Ang unang apat na araw sa linggong ito ay may 4 na Unang Pagbasa na galing kay Isaiah na naglalarawan ng "Magdurusang Tagapaglingkod"

Your groupmate,
Eric



-- my heart rejoices in the Lord!

Wednesday, February 17, 2010

Wednesday Great Fast Prayers & Readings

February 17, 2010

St. Basil Church, Los Gatos, CA

Today's Saint/s: Great Martyr Theodore the Recruit

Before his death the judge asked Theodore: "What dost thou desire, to be with us or with thy Christ?" With great joy the holy martyr answered him: "With my Christ I have been, and am, and will be." St Theodore, pray for us! 
 

Today's Readings: 

      Holy Scriptures: 

      6th Hour: Beginning of the reading of the Prophecy of Isaiah

                        Isaiah 2:3-11   Prophecy of Isaiah

      Vespers: Beginning of the Reading of the Book of Genesis

                  Beginning of the Reading of the Proverbs of Solomon

                        Proverbs 2:1-22 Book of Proverbs 

      "Ascending the Heights": Pages 21 - 24 Step 3  

      (Based on "The Ladder of Divine Ascent" by St. John Climacus) 

Today's Holy Services:  (At St. Basil Church , Los Gatos) 

Office of Divine Praise: Sixth Hour, 11:30am

Liturgy of the Pre-Sanctified, 12 Noon

From the LENTEN TRIODION

FROM THE CANON OF SAINT ANDREW OF CRETE

– Let us celebrate the beginning of the Fast with compunction in our hearts, * and let us cry out to the Lord: * 'Accept our prayer as incense; * deliver us from all corruption and from the terrible punishment, * for You alone are able to have mercy on us.'

Glory +  be . . . Now and ever.

O Mother of God, fount of mercy, * deem us worthy of compassion. * Look upon a sinful people; * as always show your power. * For, placing our trust in you, we cry out to you: 'Hail!' * as once did Gabriel, the prince of angels.  

Ode 5

The just Joseph * was sold by his own brothers, * and the gentle young man was brought down to slavery, * as a figure of the Lord; * and you, O my soul, have sold yourself into sin.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

When Joseph was thrown into the pit, O Sovereign Master, * it was a foreshadowing of Your burial and Your holy Resurrection.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

Picture for yourself, O my soul, * the staff of Moses striking the sea * and holding back the wall of water; * it is the image of the holy Cross, * by which you also shall work wonders.

Refrain: Have mercy on me, O God, have mercy on me!

My heart is hardened like that of Pharaoh; * I have become like Jannes and Jambres * in my soul and body, * in the heaviness of my spirit; * O Lord, come to my assistance.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

You covered Your divinity with the robe of my humanity to save me; * You worked wonders by healing the lepers, * raising up paralyzed people, * and stopping the flow of blood by the hem of your garment.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

Follow the example of the woman with the flow of blood, O my soul; * draw near and touch the garment of Christ * who will deliver you and say to you: * Take courage! Your faith has saved you.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

Imitating the woman who was stooped over, O my soul, * draw near and bow before the feet of Jesus, * that He may raise you up * and that you may walk uprightly in the way of the Lord.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

The well is deep, O Lord, * but You draw from Your bosom the living water, * which I drink as did the Samaritan woman; * thus, I will no longer thirst, * for You refresh me with the waters of Your life.

Refrain: + Have mercy on me, O God, have mercy on me!

May my tears become another pool of Siloam for me, O Lord God, * that I may wash the eyes of my heart there * and contemplate Your eternal brightness.

Holy Mother Mary (of Egypt), pray to God for us.

Impelled by an unparalleled love, * you wished to prostrate yourself before the Tree of Life, * and your desire was granted; * now make me worthy of the glory from on high.

Holy Father Andrew (of Crete), pray to God for us.

I call upon you with all my heart, O holy Andrew, * wise pastor and chosen man of God, * and in fear I beseech you: * through your intercession, * may I obtain salvation and eternal life.

Glory +  be to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit!

We glorify You as one God, * O thrice-holy Trinity, * Father, Son, and Holy Spirit, * consubstantial divinity, * and we unceasingly adore You.

Now and ever, and forever. Amen.

From you, O most pure Virgin and holy Mother of God, * the divine Creator of the ages becomes flesh, * to unite Himself intimately to our mortal nature.

Tuesday, February 16, 2010

Lenten Readings and Prayers Tuesday Feb 16

 

Attachments: Scripture Readings and Prayers for Tuesday, Feb. 16.

 

If you would rather not be on this mailing list for Lent, please let me know.

 

The Lord bless!

Father Anthony

Thursday, February 11, 2010

EWTN Notes: The Great Heresies with F r. Charles Connor http://bit.ly/cQFjJe

Let us familiarize ourselves with the errors of heresies that the Church had to fight over the centuries and let us arm ouselves with knowledge and true Faith that protected the Church from these heresies.

The Great Heresies with Fr. Charles Connor http://bit.ly/cQFjJe

Makibahagi sa talakayan ng serye sa http://groups.yahoo.com/group/katoliko

Ep1

Dapat tayong matuto sa kasaysayan upang masiguro natin na 'di tayo babalik sa kaparehong pagkakamali.

Heresy- tumutukoy sa pagpili at sa bagay na pinili na may pagkakaiba sa turo ng Iglesiya

Ayon kay Sto Tomas Aquino, ang mga heretics ay uri ng di pagiging tapat sa Kristianismo kung saan nanatili silang nananamplataya kay Kristo ngunit binabago nila ang pananampalataya. May 2 magkaibang paraan upang maging iba ang paniniwala sa Kristianismo 1) tanggihan si Kristo, tulad ng mga nangyari sa ilang mga pagano, sila ang mga tinatawag na 'Infidels' 2) ang pagpili ng kung ano lang ang gusto nilang paniwalaan at pagbago ng pananampalataya.

Ang mga bumubuo sa 'heretical tenents' : ignoransya ng tunay na pananampalataya, maling desisyon, at maling pag-unawa ng dogma. Kung ang sariling kagustuhan na sumuway ay 'di nangingibabaw, ito ay tinatawag na 'material heresy' at 'di 'formal heresy' na maaring mangyari dahil sa 'invincible ignorance'.

Kung buong loob ang pagsalungat sa elemento ng pananampalataya dahil sa kayabangang pang-intelekwal, lubos na pagsalalay sa sariling pag-iisip, at pagkabulag sa 'religious zeal' o politikal/pang-Iglesiyang kapangyarihan.

Hanggang ang mga nagkakamali ay walang intensiyon na sumalungat sa simbahan at sa katunayan ay may kagustuhan na sumunod dito, ito ay maituturing lamang na pagpahayag ng opinyon. Ganun din naman ang mga taong nakagisnan at kinalakihan ang heresy na may buong pusong pananaw na ito ang katotohanan.

Ang apostasy ay pag-iwan sa Kristianismo dahil sa pagsapi sa ibang relihiyon o 'di pangangalaga ng sariling pananalig.

Ang schematics ay may pagtanggi sa pakikipag-isa sa simbahan, sa paghiwalay sa Sto Papa o sa mga taong inatasan ng simbahan. Ang heresy ay laban sa pananampalataya, ang schism ay laban sa pagmamahal. Ang lahat ng heretics ay schematics pero di lahat ng schematics ay heretics

May mga antas ng heresy. Purong heresy ay paniniwala sa bagay na laban sa pananampalataya. Mayroon pagkakataon na ang bagay ay 'di malinaw na naituro o 'di pa naiproklama bilang dogma at ang opinyon na laban dito ay mga bagay na patungong heresy

Ang pananampalataya ay ugat ng ating pagiging sobrenatural, ang pangako ng ating kaligtasan

Ang heresy ay pagsalungat sa awtoridad na itinalaga ng Panginoon.

Sanhi ng heresy ay pagkakamali ng kaisipa. Ang mga malayong dahilan ay curiousity at kayabangan. Ang pinakamalakas na sanhi ng pagkakamali ng isip ay ang kayabangan. Alam ng mga heretics na sila ay mali at ang nagpapanatili sa kanilang kamalian ay ang kanilang kayabangan at rebelyon


Ep 2

Mga nasusulat sa Bibliya patungkol samga heretiko:

Maraming mga bulaang propeta ang lilitaw at aakitin ang marami

May magsasalita 'hayan si Kristo, hayan ang Kristo' 'wag kayong maniniwala dahil maraming maglilitawang mga bulaang Kristo at propeta at gagawa ng mga dakilang bagay upang linlangin kahit ang mga hinirang

Kung sino man ang 'di Niya kasama ay laban sa Kanya

Ang sinumang manampalataya ay 'di huhusgahan.

San Pablo: ang sinumang 'di tatanggap sa Ebanghelyo, sila ay itatakwil ng simbahan.

San Juan: Ang heretic ay ang taong lumulusaw kay Kristo

San Pedro: Mga bulag na guro na magdadala sa mga sekta sa kawalan at pagtanggi sa Kristong tumubos sa kanila

Sinabihan nila na maghanda ng paghihiganti para sa mga 'di sumusunod

Alam ko na pag-alis ko ay may mga lobo na papasok sa inyo na 'di palalagpasin ang mga tupa

Mga Ama ng simbahan: ang mga heretiko ay panganay ng demonyo, nakalalasong halaman


Ang pagsira sa pananampalataya ay nagdudulot sa pagsira sa simbahan. Ang pagpapanatili ng pananampalataya ng kongregasyon ay mas mahalaga sa paggawa ng mga mabuting gawain ng kongregasyon dahil ang pananampalataya ay nagpapagaling ng mga moral na pagkukulang. Ang kawalan ng pananampalataya ay ang pagpatay sa esperitwal na buhay at isang bagay na  peligroso sa espiritu.

Ang pagsunod sa pananampalataya ay mahalaga upang maging kasapi sa simbahan.

Ang mga heresy ay nag-udyok sa simbahan upang linawin ang pananampalatya sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga dogma

Ep 3
Gnosticism- gnosis-knowing. May paniniwala na ang kaalaman ay nagbibigay ng kaligtasan. Sa panahon ng Kristianismo, ang gnostisismo ay sinimulan ni Simon Magus. Mababasa natin siya sa Act 8. Binibigyan nila ng kahulugan ang mga bagay sa Kristianismo tulad ng mga simbolo, at ang mga nasusulat sa Bibliya. Sinasabi nila na may mga katotohanan tungkol sa Diyos, at mga katuruan na sa iilan lang pinahayag na 'di alam ng iba. Ang kanilang turo ay mayroong demiurge at Diyos. Ang demiurge ang gumawa ng sangnilikha at walang kinalaman ang diyos sa paglikha. Ang demiurge ay nanggaling daw sa diyos. Ang diyos daw ang pinangagalingan ng kabutihan at at demiurge ay nagpakalat ng kasamaan. Ayon sa kanila, mayroong bahagi sa loob ng bawat nilikha na makakabalik lamang sa diyos kung alam nila ang sikretong kaalaman at ang mga sikretong ritwal. Sa tingin nila, mali ang Judaismo dahil sa pagsamba nila sa maling Diyos. Ang katawan ni Hesus daw ay isa lamang aparisyon kung saan nanahan dun ang banal na espiritu. Ang espiritu na iyon ay umalis sa katawan nang ipapako si Hesus sa Kalbaryo. Tingin nila na ang aparisyon na ito ay dahil madumi at masama ang katawan. Di daw posible para sa diyos ang maghirap at mamatay. Ang heresy na ito ay katulad ng New Age movement sa ating panahon.

Marcianism- itinatag ni Marcian na anak ng isang obispo. Kumuha siya ng mga elemento mula sa gnostisismo gaya ng demiurge ngunit binigyan nya ng bagong kahulugan ito. Ang demiurge daw ay ang ang seloso at mapaghiganting diyos ng mga Hudio sa Lumang Tipan. Pinadala si Hesus ng Diyos upang puksain ang demiurge. Si Hesus daw ay galing sa Diyos ng pag-ibig at 'di galing sa Diyos ng Batas. Ang karamihan ng mga naniniwala dito ay naging bahagi ng manichaeismo

Nagpagalaw ang heresy sa Iglesiya upang mas paigtingin ang pagsasabi nang kung ano talaga ang pinaniniwalaan natin at kung bakit tayo naniniwala tungkol dito.

Ep 4

Ang pinaka polido, intelekwal at maimpluwensyang sekta ng agnostisismo ay ang manichaeismo, ang paniniwala na ang bawat nialang ay may ilaw na ninakaw ni satan at inilagay sa mga nilalang. Ang ilaw na ito ay dapat palayain upang makabalik sa pinanggalingan sa pamamagitan ng sikretong kaalaman. Ang mga kasapi sa sekta na ito ay nahahati sa mga tagapakinig at sa mga hirang. Ang kanilang doktrina ay hango sa sulat ni San Pablo. Sila ay nagsusubok na higitan ang disiplina na hinihingi ng Kristianismo. Si San augustin ay dating kabilang sa mga naniwala sa kanila sa loob ng 9 na taon

Montanist,

docetism paniniwala na di totoong tao si Hesus at 'di siya talagang dumaan sa pasakit at kamatayan. Mayroong humalili daw sa kanya bago siya parusahan at ipako

Ama ng simbahan- 'di opisyal na posisyon sa simbahan. Mahahati sa Latin Fathers at Greek Fathers

Mga huling mga Ama ng Iglesiya: Theodore Isiville sa kanluran : Juan Damasus sa Silangan

Ambrocio de Milan humalili sa namatay na arianong obispo

Jerome "ang ignorante sa Banal na Kasulatan ay ignorante kay Kristo." Nagsalin ng lumang Tipan ng Bibliya sa Latin mula sa Hebreo at pinagbuti ang mga naisalin na sa Latin.

Canon ng Bibliya: 787 ad sa Ekumenikal na konsilyo sa Nicea, pinagtibay ang mga kinilalang libro ng mga konsilyo sa Roma, Carthage at Hipo. Muli, sa 1335 sa Florence at muli sa Trent 1545

Juan Crisostomo- may ginintuang dila, magaling magsalita. Nasasabi niya ang espiritwal na kahulugan ng kasulatan at naipagkakaisa niya ito sa literal kahulugan nito

Pinalaya ni Constantine ang Kristianismo mula sa pag-tutugis sa kanila ng Roma. Binigyan niya ito ng mga pribiliheyo.

Si Julian Apostate ay nagbalik sa paganism at nagsubok na ipantay ito sa Kristianismo

Si Theodore naman ay pinag-isa ang simbahan at ang estado. Kaya epektibong nalabanan ng mga Ama ng Simbahan ang mga heretiko.

Ep5

Ang heresy ay bunga ng maling pagbibigay kahulugan sa mga talata at maling paggamit ng pilosopiya

Ang mga heresy ay madalas na dahilan ng pagpulong ng Iglesiya sa mga konslyo

Sa ika-4 at ika-5 siglo, tinalakay ng Iglesiya ang personalidad ni Hesus. Sa panahon na ito, may mga magkakumpetensyang siyudad sa larangan ng pag-aaral at debate, mga sentro ng orthodoxy: Antioch at Alexandria

Antiochian- nagbigay diin sa literal at historical na kahulugan ng Kasulatan. Si Juan Crisostomo at si Nestorious ang pinakatanyag na produkto ng paaralang ito

Si Arius ay nasa Alexandria ngunit nag-aral sa Antioch. Isang makarismang tao dala ng kanyang intelekwal at pananalita. Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa Neo-platonism at mga talata sa Bibliya nang sabihin niya na si Hesus ay di Diyos at di kapantay ng Diyos. Hinango niya ang paniniwalang ito sa Juan na nagsasabi ng pagpapadala kay Hesus at pagtupad ni Hesus sa kalooban ng Ama

Isang peligrosong heresy dahil sa paglaban sa mga pundamentalista

Si Athanasius ang lumaban sa lumaganap na heresy kahit siya ay na-exile ng 5 beses

Nilinaw ng Konsilyo ng Nicea ang personalidad ni Hesus.


Apollinarianism - nagsabi na si Hesus ay 'di nagtataglay ng pantaong pag-iisip at kalooban, isang maling depensa mula sa Arianismo

Nestorianismo- maling paniniwala na si Hesus ay ang pagkakaisa ng taong persona at Diyos na persona. Itinanggi din niya ang theotokos. Di binawi ni Nestorius ang pagkakamali kaya sa Efeso noong 431, nagkaroon ng konsilyo na nagpatibay sa paniniwalang Theotokos

Monophysitism -maling paniniwala na iisa ang kalikasan ni Hesus.

Ep6

Papa Sto Leo the great- isa sa mga Ama at Pantas ng simbahan

Monofolotismo-iisa lang ang kalooban ni Hesus. Heresy na sinuportahan ni Emperador Herocletus upang manatili ang pagkakaisa na sinira ng monophysism heresy. Isa sa dahilan ng pagnanais ng pangrelihiyong pagkakaisa ay upang magkaisang labanan ang mga taga-Persia. Ang heresy na ito ay sinang-ayunan ng Patriarko ng Constantinople ngunit 'di ng Patriarko ng Jerusalem na sumulat kay Papa Honorius. Ngunit ang Papa ay pumanig sa Patriarko ng Constantinople. Ang 3 sumunod na humalili sa Sto Papa ay nagpatibay na mali ang Heresy na ito at ginawaran ng anathema si Papa Honorius. Si Hesus ay totoong may 2 kalooban/will. Ang kaso ni Honorius ay 'di pagpapakita ng kawalang katotohanan ng Kawalang-pagkakamali ng mga Sto Papa dahil ang pribadong sulat na ginawang basehan ay 'di nagtuturo sa buong simbahan at maaring nagsasabi lamang na , dahil 'di dinetalye ang mga pahayag, ang kalooban ni Hesus ay kaisa sa kalooban ng Ama. Ang pagtangkang ayusin ang heresy na ito ay pagpapakita ng ginampanan ng Sto Papa bilang pangunahing tagapaglinaw sa usapin ng Simbahan


Donatismo- paniniwala na walang halaga ang mga sakramento na manggagaling fa mga pari na pormal na tumalikod at bumalik sa simbahan. Pinapaniwalaan na dapat ordenahan muli ang mga tumalikod


Pelagianismo- paniniwala na kaya ng tao, sa pamamagitan ng kanyang sariling kakayanan nang walang sakramento at Iglesiya, na maligtas

San Agustin- pinakadakila sa mga Ama ng Simbahan at ginawang basehan ng Theolohiya nang halos 1000 na taon hanggang sa pagdating ni Sto. Tomas Aquino. Narinig ni San Agustin ang isang bata na nagsabi "Kunin mo at basahin" at binuklat niya ang Bibliya at binasa ang Rom 13:13. Ang pinakamahalaga niyang naisulat ay ang Confessions at City of God. Ang kanyang gawa ay isa sa mga ginawang basehan ng filoque clause





-- my heart rejoices in the Lord!




Monday, February 8, 2010

Got hope? Matuto tayo kay Sta. Josephine Bakhita http://bit.ly/av28 Ga

Galing sa Katoliko Oral Presentation : Spe Salvi sa Tagalog http://bit.ly/av28Ga

...Matututo tayo sa halimbawa ng Africanang Santo na si Josephine Bakhita, na isinilang noong 1869 sa Darfur, Sudan. Noong siya ay 9 na taon, siya ay nakidnap, binubugbog hanggang sa maging duguan at naibenta ng 5 beses sa Sudan. Siya ay nagtrabaho bilang alipin para sa ina at asawa ng heneral at araw-araw ay nalatigo siya hanggang siya ay magdugo na nag resulta ng 144 na marka sa katawan. Noong 1882, siya ay nabili ng Italiano mangangalakal para sa Italianong consul na si Callisto Legnani, na nagbalik sa Italya. Duon,matapos makilala ang mga malulupit na amo, nakilala ni St. Bakhita nakilala niya ang talagang kakaibang amo. Ginamit niya ang pangalang "paron" na galing sa salitang Venitia na kanyang natutunan sa lugar na iyon. Ang paron ay itinawag niya para sa buhay na Diyos, ang Diyos ni Hesus. Bago ang puntong iyon, ang mga nakilala niya lang na mga amo ay ang mga amo na namuhi at nagmaltrato sa kanya at tumuring lang sa kanya bilang magaling na alipin. Ngayon, nalaman niya ang tungkol sa paron na higit pa sa lahat ng mga amo, ang Panginoon ng mga panginoon, ang panginoon na iyon ay ang mabuti, ang kabutihan mismo, na lumikha sa kanya at nagmamahal sa kanya at siya ay minamahal din. Ang Panginoon na ito ay tumanggap din ng kapalaran na malatigo at nag-hihintay sa kanya sa kanang kamay ng Ama. Nagkaroon siya ng pag-asa at di lang nag-aantay ng amo na mas magiging mabait. "Tunay na ako ay minamahal at kung ano man ang mangyari, ako ay iniintay ng pagmamahal. Kaya mabuti ang buhay ko." Sa pamamagitan ng pag-asa na ito, siya ay naligtas at di na isang alipin pero sa isa ng anak ng Diyos at naintindihan niya ang sinabi ni San Pablo.
 
Kaya nang dadalin na dapat siya sa Sudan, umayaw si Bakhita dahil ayaw niyang mapahiwalay sa "Paron". Noong 9 January 1890, siya ay nabautismuhan, nangamunyon at nakumpilan ng Patriarko ng Venice. Noong 8 December 1896, sa Verona, siya ay pumasok sa Kongregasyon ng Canossian Sisters, at mula duon, bukod pa sa kanyang gawain na magtrabaho sa sacristy at sa kumbento, siya ay naglakbay sa Italya para sa kanyang misyon: ang pagpapalaya na kanyang nakamtam sa pagkilala niya sa Diyos ni Hesu-Kristo at ninais niyang maipaalam sa mga maraming tao

-- my heart rejoices in the Lord!