Sumali Sa Talakayan

Thursday, February 11, 2010

EWTN Notes: The Great Heresies with F r. Charles Connor http://bit.ly/cQFjJe

Let us familiarize ourselves with the errors of heresies that the Church had to fight over the centuries and let us arm ouselves with knowledge and true Faith that protected the Church from these heresies.

The Great Heresies with Fr. Charles Connor http://bit.ly/cQFjJe

Makibahagi sa talakayan ng serye sa http://groups.yahoo.com/group/katoliko

Ep1

Dapat tayong matuto sa kasaysayan upang masiguro natin na 'di tayo babalik sa kaparehong pagkakamali.

Heresy- tumutukoy sa pagpili at sa bagay na pinili na may pagkakaiba sa turo ng Iglesiya

Ayon kay Sto Tomas Aquino, ang mga heretics ay uri ng di pagiging tapat sa Kristianismo kung saan nanatili silang nananamplataya kay Kristo ngunit binabago nila ang pananampalataya. May 2 magkaibang paraan upang maging iba ang paniniwala sa Kristianismo 1) tanggihan si Kristo, tulad ng mga nangyari sa ilang mga pagano, sila ang mga tinatawag na 'Infidels' 2) ang pagpili ng kung ano lang ang gusto nilang paniwalaan at pagbago ng pananampalataya.

Ang mga bumubuo sa 'heretical tenents' : ignoransya ng tunay na pananampalataya, maling desisyon, at maling pag-unawa ng dogma. Kung ang sariling kagustuhan na sumuway ay 'di nangingibabaw, ito ay tinatawag na 'material heresy' at 'di 'formal heresy' na maaring mangyari dahil sa 'invincible ignorance'.

Kung buong loob ang pagsalungat sa elemento ng pananampalataya dahil sa kayabangang pang-intelekwal, lubos na pagsalalay sa sariling pag-iisip, at pagkabulag sa 'religious zeal' o politikal/pang-Iglesiyang kapangyarihan.

Hanggang ang mga nagkakamali ay walang intensiyon na sumalungat sa simbahan at sa katunayan ay may kagustuhan na sumunod dito, ito ay maituturing lamang na pagpahayag ng opinyon. Ganun din naman ang mga taong nakagisnan at kinalakihan ang heresy na may buong pusong pananaw na ito ang katotohanan.

Ang apostasy ay pag-iwan sa Kristianismo dahil sa pagsapi sa ibang relihiyon o 'di pangangalaga ng sariling pananalig.

Ang schematics ay may pagtanggi sa pakikipag-isa sa simbahan, sa paghiwalay sa Sto Papa o sa mga taong inatasan ng simbahan. Ang heresy ay laban sa pananampalataya, ang schism ay laban sa pagmamahal. Ang lahat ng heretics ay schematics pero di lahat ng schematics ay heretics

May mga antas ng heresy. Purong heresy ay paniniwala sa bagay na laban sa pananampalataya. Mayroon pagkakataon na ang bagay ay 'di malinaw na naituro o 'di pa naiproklama bilang dogma at ang opinyon na laban dito ay mga bagay na patungong heresy

Ang pananampalataya ay ugat ng ating pagiging sobrenatural, ang pangako ng ating kaligtasan

Ang heresy ay pagsalungat sa awtoridad na itinalaga ng Panginoon.

Sanhi ng heresy ay pagkakamali ng kaisipa. Ang mga malayong dahilan ay curiousity at kayabangan. Ang pinakamalakas na sanhi ng pagkakamali ng isip ay ang kayabangan. Alam ng mga heretics na sila ay mali at ang nagpapanatili sa kanilang kamalian ay ang kanilang kayabangan at rebelyon


Ep 2

Mga nasusulat sa Bibliya patungkol samga heretiko:

Maraming mga bulaang propeta ang lilitaw at aakitin ang marami

May magsasalita 'hayan si Kristo, hayan ang Kristo' 'wag kayong maniniwala dahil maraming maglilitawang mga bulaang Kristo at propeta at gagawa ng mga dakilang bagay upang linlangin kahit ang mga hinirang

Kung sino man ang 'di Niya kasama ay laban sa Kanya

Ang sinumang manampalataya ay 'di huhusgahan.

San Pablo: ang sinumang 'di tatanggap sa Ebanghelyo, sila ay itatakwil ng simbahan.

San Juan: Ang heretic ay ang taong lumulusaw kay Kristo

San Pedro: Mga bulag na guro na magdadala sa mga sekta sa kawalan at pagtanggi sa Kristong tumubos sa kanila

Sinabihan nila na maghanda ng paghihiganti para sa mga 'di sumusunod

Alam ko na pag-alis ko ay may mga lobo na papasok sa inyo na 'di palalagpasin ang mga tupa

Mga Ama ng simbahan: ang mga heretiko ay panganay ng demonyo, nakalalasong halaman


Ang pagsira sa pananampalataya ay nagdudulot sa pagsira sa simbahan. Ang pagpapanatili ng pananampalataya ng kongregasyon ay mas mahalaga sa paggawa ng mga mabuting gawain ng kongregasyon dahil ang pananampalataya ay nagpapagaling ng mga moral na pagkukulang. Ang kawalan ng pananampalataya ay ang pagpatay sa esperitwal na buhay at isang bagay na  peligroso sa espiritu.

Ang pagsunod sa pananampalataya ay mahalaga upang maging kasapi sa simbahan.

Ang mga heresy ay nag-udyok sa simbahan upang linawin ang pananampalatya sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga dogma

Ep 3
Gnosticism- gnosis-knowing. May paniniwala na ang kaalaman ay nagbibigay ng kaligtasan. Sa panahon ng Kristianismo, ang gnostisismo ay sinimulan ni Simon Magus. Mababasa natin siya sa Act 8. Binibigyan nila ng kahulugan ang mga bagay sa Kristianismo tulad ng mga simbolo, at ang mga nasusulat sa Bibliya. Sinasabi nila na may mga katotohanan tungkol sa Diyos, at mga katuruan na sa iilan lang pinahayag na 'di alam ng iba. Ang kanilang turo ay mayroong demiurge at Diyos. Ang demiurge ang gumawa ng sangnilikha at walang kinalaman ang diyos sa paglikha. Ang demiurge ay nanggaling daw sa diyos. Ang diyos daw ang pinangagalingan ng kabutihan at at demiurge ay nagpakalat ng kasamaan. Ayon sa kanila, mayroong bahagi sa loob ng bawat nilikha na makakabalik lamang sa diyos kung alam nila ang sikretong kaalaman at ang mga sikretong ritwal. Sa tingin nila, mali ang Judaismo dahil sa pagsamba nila sa maling Diyos. Ang katawan ni Hesus daw ay isa lamang aparisyon kung saan nanahan dun ang banal na espiritu. Ang espiritu na iyon ay umalis sa katawan nang ipapako si Hesus sa Kalbaryo. Tingin nila na ang aparisyon na ito ay dahil madumi at masama ang katawan. Di daw posible para sa diyos ang maghirap at mamatay. Ang heresy na ito ay katulad ng New Age movement sa ating panahon.

Marcianism- itinatag ni Marcian na anak ng isang obispo. Kumuha siya ng mga elemento mula sa gnostisismo gaya ng demiurge ngunit binigyan nya ng bagong kahulugan ito. Ang demiurge daw ay ang ang seloso at mapaghiganting diyos ng mga Hudio sa Lumang Tipan. Pinadala si Hesus ng Diyos upang puksain ang demiurge. Si Hesus daw ay galing sa Diyos ng pag-ibig at 'di galing sa Diyos ng Batas. Ang karamihan ng mga naniniwala dito ay naging bahagi ng manichaeismo

Nagpagalaw ang heresy sa Iglesiya upang mas paigtingin ang pagsasabi nang kung ano talaga ang pinaniniwalaan natin at kung bakit tayo naniniwala tungkol dito.

Ep 4

Ang pinaka polido, intelekwal at maimpluwensyang sekta ng agnostisismo ay ang manichaeismo, ang paniniwala na ang bawat nialang ay may ilaw na ninakaw ni satan at inilagay sa mga nilalang. Ang ilaw na ito ay dapat palayain upang makabalik sa pinanggalingan sa pamamagitan ng sikretong kaalaman. Ang mga kasapi sa sekta na ito ay nahahati sa mga tagapakinig at sa mga hirang. Ang kanilang doktrina ay hango sa sulat ni San Pablo. Sila ay nagsusubok na higitan ang disiplina na hinihingi ng Kristianismo. Si San augustin ay dating kabilang sa mga naniwala sa kanila sa loob ng 9 na taon

Montanist,

docetism paniniwala na di totoong tao si Hesus at 'di siya talagang dumaan sa pasakit at kamatayan. Mayroong humalili daw sa kanya bago siya parusahan at ipako

Ama ng simbahan- 'di opisyal na posisyon sa simbahan. Mahahati sa Latin Fathers at Greek Fathers

Mga huling mga Ama ng Iglesiya: Theodore Isiville sa kanluran : Juan Damasus sa Silangan

Ambrocio de Milan humalili sa namatay na arianong obispo

Jerome "ang ignorante sa Banal na Kasulatan ay ignorante kay Kristo." Nagsalin ng lumang Tipan ng Bibliya sa Latin mula sa Hebreo at pinagbuti ang mga naisalin na sa Latin.

Canon ng Bibliya: 787 ad sa Ekumenikal na konsilyo sa Nicea, pinagtibay ang mga kinilalang libro ng mga konsilyo sa Roma, Carthage at Hipo. Muli, sa 1335 sa Florence at muli sa Trent 1545

Juan Crisostomo- may ginintuang dila, magaling magsalita. Nasasabi niya ang espiritwal na kahulugan ng kasulatan at naipagkakaisa niya ito sa literal kahulugan nito

Pinalaya ni Constantine ang Kristianismo mula sa pag-tutugis sa kanila ng Roma. Binigyan niya ito ng mga pribiliheyo.

Si Julian Apostate ay nagbalik sa paganism at nagsubok na ipantay ito sa Kristianismo

Si Theodore naman ay pinag-isa ang simbahan at ang estado. Kaya epektibong nalabanan ng mga Ama ng Simbahan ang mga heretiko.

Ep5

Ang heresy ay bunga ng maling pagbibigay kahulugan sa mga talata at maling paggamit ng pilosopiya

Ang mga heresy ay madalas na dahilan ng pagpulong ng Iglesiya sa mga konslyo

Sa ika-4 at ika-5 siglo, tinalakay ng Iglesiya ang personalidad ni Hesus. Sa panahon na ito, may mga magkakumpetensyang siyudad sa larangan ng pag-aaral at debate, mga sentro ng orthodoxy: Antioch at Alexandria

Antiochian- nagbigay diin sa literal at historical na kahulugan ng Kasulatan. Si Juan Crisostomo at si Nestorious ang pinakatanyag na produkto ng paaralang ito

Si Arius ay nasa Alexandria ngunit nag-aral sa Antioch. Isang makarismang tao dala ng kanyang intelekwal at pananalita. Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa Neo-platonism at mga talata sa Bibliya nang sabihin niya na si Hesus ay di Diyos at di kapantay ng Diyos. Hinango niya ang paniniwalang ito sa Juan na nagsasabi ng pagpapadala kay Hesus at pagtupad ni Hesus sa kalooban ng Ama

Isang peligrosong heresy dahil sa paglaban sa mga pundamentalista

Si Athanasius ang lumaban sa lumaganap na heresy kahit siya ay na-exile ng 5 beses

Nilinaw ng Konsilyo ng Nicea ang personalidad ni Hesus.


Apollinarianism - nagsabi na si Hesus ay 'di nagtataglay ng pantaong pag-iisip at kalooban, isang maling depensa mula sa Arianismo

Nestorianismo- maling paniniwala na si Hesus ay ang pagkakaisa ng taong persona at Diyos na persona. Itinanggi din niya ang theotokos. Di binawi ni Nestorius ang pagkakamali kaya sa Efeso noong 431, nagkaroon ng konsilyo na nagpatibay sa paniniwalang Theotokos

Monophysitism -maling paniniwala na iisa ang kalikasan ni Hesus.

Ep6

Papa Sto Leo the great- isa sa mga Ama at Pantas ng simbahan

Monofolotismo-iisa lang ang kalooban ni Hesus. Heresy na sinuportahan ni Emperador Herocletus upang manatili ang pagkakaisa na sinira ng monophysism heresy. Isa sa dahilan ng pagnanais ng pangrelihiyong pagkakaisa ay upang magkaisang labanan ang mga taga-Persia. Ang heresy na ito ay sinang-ayunan ng Patriarko ng Constantinople ngunit 'di ng Patriarko ng Jerusalem na sumulat kay Papa Honorius. Ngunit ang Papa ay pumanig sa Patriarko ng Constantinople. Ang 3 sumunod na humalili sa Sto Papa ay nagpatibay na mali ang Heresy na ito at ginawaran ng anathema si Papa Honorius. Si Hesus ay totoong may 2 kalooban/will. Ang kaso ni Honorius ay 'di pagpapakita ng kawalang katotohanan ng Kawalang-pagkakamali ng mga Sto Papa dahil ang pribadong sulat na ginawang basehan ay 'di nagtuturo sa buong simbahan at maaring nagsasabi lamang na , dahil 'di dinetalye ang mga pahayag, ang kalooban ni Hesus ay kaisa sa kalooban ng Ama. Ang pagtangkang ayusin ang heresy na ito ay pagpapakita ng ginampanan ng Sto Papa bilang pangunahing tagapaglinaw sa usapin ng Simbahan


Donatismo- paniniwala na walang halaga ang mga sakramento na manggagaling fa mga pari na pormal na tumalikod at bumalik sa simbahan. Pinapaniwalaan na dapat ordenahan muli ang mga tumalikod


Pelagianismo- paniniwala na kaya ng tao, sa pamamagitan ng kanyang sariling kakayanan nang walang sakramento at Iglesiya, na maligtas

San Agustin- pinakadakila sa mga Ama ng Simbahan at ginawang basehan ng Theolohiya nang halos 1000 na taon hanggang sa pagdating ni Sto. Tomas Aquino. Narinig ni San Agustin ang isang bata na nagsabi "Kunin mo at basahin" at binuklat niya ang Bibliya at binasa ang Rom 13:13. Ang pinakamahalaga niyang naisulat ay ang Confessions at City of God. Ang kanyang gawa ay isa sa mga ginawang basehan ng filoque clause





-- my heart rejoices in the Lord!




No comments: