Youtube
Mp3
Ano ba ang kasal?Ang kasal ay pag-iisang dibdib ng mag-asawa. Walang makakaisip ng kasal kung hindi dahil sa kakayanan ng lalaki at babae na magkaroon ng anak sa loob ng relasyong sekswal. Ang katotohanan na ito ay ang sentro ng konsepto ng kasal ng lahat ng komunidad sa buong mundo. Ang susi sa pag-unawa sa kasal ay sa pagsasama ng babae at lalaki, isang relasyon na pandalawang tao lamang (kahit sa polygamy) at ito ay mayroong relasyong sekswal na para lamang sa mag-asawa kung saan nagiging ganap ang kanilang pagiging mag-asawa. Ang magkakaparehong pananaw at pagkaunawa sa kasal ng mga komunidad sa buong mundo ay may layunin at naa-angkop sa relasyong bukas sa pagkakaroon ng sariling anak. Ito ang pinaka modelo ng kasal. Ngunit ang kasal ay 'di lang tinitignan bilang paraan upang magkaroon ng anak dahil kahit ang mag-asawa ay walang kakayanan na magka-anak, kinikilala pa din ng simbahan at ng estado na sila ay kasal sa kondisyong ang kasal nila ay naging ganap dahil sa pagtatalik o relasyong sekswal na ordinaryong naglalayon sa pagkakaroon ng anak. Sa pinaka modelo ng kasal, mayroong presensya ng ama at ng ina, at pagmamahal sa mga anak ng mga tunay nilang magulang. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit 'di maaring maging kasal ang pagsasama ng dalawang lalaki o dalawang babae kahit maaari naman silang umampon ng bata. Tayo ay mga nilalang na may katawan at mayroon tayong kaugnayang pangkatawan sa ating mga magulang na ating pinanggalingan. Sa pag-sisiyasat, kahit ang mga anak na nabuo dahil sa 'sperm donation' ay naghahanap din ng kanilang tunay na magulang. Kahit ang mga inampong anak ay may kagustuhan na mahalin ng kanilang mga tunay na magulang.
Kung babaliwalain natin ang pagbibigay kahulugan sa kasal bilang relasyon ng isang babae at isang lalaki lamang, mawawalan tayo ng basehan na makita na ang kasal ay 'di maaring maging relasyon ng mahigit sa dalawang tao. Kung ibabase lang natin ang kasal sa nararamdaman ng tao, tandaan natin na maari ding makaranas ng mala-romantikong damdamin ang mahigit na dalawang tao. Sa pagsira ng tao sa kahulugan ng tunay na kasal, ano pa ang pipigil sa atin na kilalanin ang pagsasama ng mahigit dalawang tao bilang kasal?
Ang pagsuporta ng estado sa maling pananaw na ito ay maglalagay sa mga komunidad sa peligro. May posibilidad na dumami ang komplikasyon tulad ng posibilidad na masampahan ng kaso ng diskriminasyon ang mga laban dito at ang pagpuwersa na bigyan ng trabaho sa simbahan ang mga same-sex couple. Sa Massachussets, ang Catholic Charities na kumakalinga sa mga ulila nang mahigit 100 na taon ay nagsara upang maiwasang makibahagi sa paghaya sa maling pananaw ng kasal. Nasampahan sila ng kaso at naparatangang nagkamali laban sa batas ng 'same-sex marriage'. Ganon din sa New Mexico nang ang isang photagrapher ay pinagmulta ng $7,500 dahil sa pagtanggi na kunan ng litrato ang kasal ng dalawang taong may parehong kasarian dahil alam niya na ito ay laban sa Kristianong pananampalataya.
Tayong lahat ay apektado nito.
-- my heart rejoices in the Lord!
No comments:
Post a Comment