Sumali Sa Talakayan

Wednesday, September 23, 2009

Sa Pag-asa tayo ay Naliligtas :Spe Salvi

Sa Pag-asa tayo ay Naliligtas :Spe Salvi
Salin ng malaking bahagi ng Encyclical ni Papa Benito XVI


Spe Salvi



Nasabi ni San Pablo na naililigtas tayo ng pag-asa Rom 8:24. Ayon sa ating pananampalataya, ang pagliligtas ay hindi lang ibinibigay. Ito din ay may paanyaya , sa paraan na tayo ay nabibigyan ng pag-asa para maharap natin ang pangkasalukuyan kahit may kahirapan na kasama. Maisasabuhay ito kung ang pananampalataya may patutunguhan at kung ang patutunguhan na ito ay mas matimbang kaysa sa mga dadaanan sa ating paglalakbay. Ano kaya ang pag-asa na tinutukoy na mismong nakakapagbigay ng pagkaligtas



Ang Pananampalataya ay Pag-asa



Sa Bibliya, halos pinagsasalit ang salitang pag-asa at pananampalataya. Ang mga salitang ito ay talagang magka-ungay sa pag-uugnay sa sulat sa mga Hebreo “kaganapan ng pananampalataya” (10:22) sa “pagpapatotoo ng pag-asa ng hindi tumitigil”(10:23). Ganon din ang sinabi ni San Pedro sa kanyang sulat na laging maging handa sa tanong tungkol sa logos, ang kahulugan at dahilan ng ating pag-asa (Pet 3:15) ang “pag-asa” ay katumbas ng pananampalataya



Nasabi ni San Pablo sa mga may diyus-diyosan na bago nila makilala ang tungkol kay Kristo at magkaroon ng pananampalataya, sila ay walang pag-asa at wala silang Diyos sa mundo (eph 2;12). Mayroon silang mga diyus-diyosan at relihiyon, pero di ito nagbigay ng pag-asa sa kanila. Nasabi ni San Pablo sa mga taga-Tesalonica na “huwag kayong magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa” (1Th :13). Sa nasabing ito ni San Pablo, makikita natin na ang marka ng Kristiano ay may kinabukasan, alam nila na may katuturan ang kanilang mga buhay. Ang Ebanghelyo ay hindi lang pagbigigay ng impormasyon pero ito ay gumagawa din, ito ay nakakapagtupad ng mga bagay at nakakapagbago ng buhay



3. Ano ang bumubuo sa pag-asa bilang pagliligtas? Makikita ang sagot sa sinabi ni San Pablo sa mga taga-efeso na sila ay wala pang pag-asa bago nila makilala si Kristo dahil wala silang Diyos sa mundo. Ang makilala ang tunay na Diyos ay ang pagtanggap sa pag-asa



Matututo tayo sa halimbawa ng Africanang Santo na si Josephine Bakhita, na isinilang noong 1869 sa Darfur, Sudan. Noong siya ay 9 na taon, siya ay nakidnap, binubugbog hanggang sa maging duguan at naibenta ng 5 beses sa Sudan. Siya ay nagtrabaho bilang alipin para sa ina at asawa ng heneral at araw-araw ay nalatigo siya hanggang siya ay magdugo na nag resulta ng 144 na marka sa katawan. Noong 1882, siya ay nabili ng Italiano mangangalakal para sa Italianong consul na si Callisto Legnani, na nagbalik sa Italya. Duon,matapos makilala ang mga malulupit na amo, nakilala ni St. Bakhita nakilala niya ang talagang kakaibang amo. Ginamit niya ang pangalang “paron” na galing sa salitang Venitia na kanyang natutunan sa lugar na iyon. Ang paron ay itinawag niya para sa buhay na Diyos, ang Diyos ni Hesus. Bago ang puntong iyon, ang mga nakilala niya lang na mga amo ay ang mga amo na namuhi at nagmaltrato sa kanya at tumuring lang sa kanya bilang magaling na alipin. Ngayon, nalaman niya ang tungkol sa paron na higit pa sa lahat ng mga amo, ang Panginoon ng mga panginoon, ang panginoon na iyon ay ang mabuti, ang kabutihan mismo, na lumikha sa kanya at nagmamahal sa kanya at siya ay minamahal din. Ang Panginoon na ito ay tumanggap din ng kapalaran na malatigo at nag-hihintay sa kanya sa kanang kamay ng Ama. Nagkaroon siya ng pag-asa at di lang nag-aantay ng amo na mas magiging mabait. “Tunay na ako ay minamahal at kung ano man ang mangyari, ako ay iniintay ng pagmamahal. Kaya mabuti ang buhay ko.” Sa pamamagitan ng pag-asa na ito, siya ay naligtas at di na isang alipin pero sa isa ng anak ng Diyos at naintindihan niya ang sinabi ni San Pablo.



Kaya nang dadalin na dapat siya sa Sudan, umayaw si Bakhita dahil ayaw niyang mapahiwalay sa “Paron”. Noong 9 January 1890, siya ay nabautismuhan, nangamunyon at nakumpilan ng Patriarko ng Venice. Noong 8 December 1896, sa Verona, siya ay pumasok sa Kongregasyon ng Canossian Sisters, at mula duon, bukod pa sa kanyang gawain na magtrabaho sa sacristy at sa kumbento, siya ay naglakbay sa Italya para sa kanyang misyon: ang pagpapalaya na kanyang nakamtam sa pagkilala niya sa Diyos ni Hesu-Kristo at ninais niyang maipaalam sa mga maraming tao

Ang konsepto ng pag-asa ng pananampalataya sa Bagong Tipan sa batang Iglesiya

4. Ang ating pagkilala kay Kristo ba ay hindi lang sa ating para sa ating kaalaman kung hindi ay nakakapagbago din ng ating buhay?



Iba ang mensahe ni Hesus kina Spartacus, Barrabas o Bar-Kochba. Si Hesus mismo ay namatay sa krus, ay nagdala ng ating pakikipasalamuha sa buhay na Diyos at pagkakatagpo ng pag-asang mas malakas sa pagdurusa ng pagkaalipin. Ito ay makikita din sa sulat ni San Pablo kay Philemon na isang personal na sulat na isinulat ni Pablo mula sa kulungan at pinagkatiwala sa nakatakas na aliping si Onesimus para sa kanyang amo na si Philemon. Pinabalik ang alipin sa kanyang among kanyang tinakasan. Sinabi ni Pablo kay Philemon “nakikiusap ako sa iyo anak.. na naging anak ko sa kulungan...pinababalik ko siya sa iyo, kasama ng aking puso”(Philem 10-16



Ang mga tao, na ang katayuan sa sosiyadad ay tumatayong amo at alipin, dahil sa miyembro ng simbaham ay nagiging magkakapatid tulad ng pagtawag ng mga Kristiano sa isa't-isa. Sa kapangyarihan ng pagbababautismo tayo ay isinilang muli, umiinon sa iisang Espiritu at tumatanggap ng Katawan ng Panginoon. Kahit ang labas na istraktura ay hindi nagbago, nagkaroon ng pagbabago sa panloob. Nang sabihin sa Sulat sa mga Hebreo na wala sa mundong ito ang ating permanenteng tirahan, na tayo ay naghahanap ng ating titirahan sa hinaharap (cf. Heb 11:13-16; Phil 3:20), di ibig sabihin na tayo ay nabubuhay lang para sa hinaharap o kinabukasan. Tayo ay napapabilang sa mga bagong sosiyadad na layunin ng iisang paglalakbay at ang inaasahan sa paglalakbay



5. Makikita natin sa Unang Sulat sa mga taga-Corinto (1:18-31) na karamihan ng mga Kristiano nuon ay kabilang sa mga mahihirap, dahilan ng pagiging bukas sa bagong pag-asa tulad ng nangyari kay Bakhita. Kahit noong una pa ay may mga pagbabago na din sa mga mayayaman at mga may mayamang kultura dahil sila din ay nabubuhay “ng walang pag-asa at walang Diyos sa mundo” Nawalan ng kredibilidad ang mga alamat. Ikinumpara ni Pablo ang mga relihiyon noon at sa buhay Kristiano na iba sa buhay na nasa ilalim ng mga iba't ibang espirititu ng buong mundo(Col 2:8). Maliliwanagan tayo sa nasulat ni San Gregory Nazianzen na nagsabi na sa pag-gabay sa mga mago ng mga bituin, ang atronomiya o pag-aaral ng mga bituin ay nahinto dahil ang mga bituin ay gumagalaw na sa ayon sa kagustuhan ni Hesus. Ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Ang pagpapasya ay dahil sa pag-iisip, kagustuhan at pag-ibig na iisang Persona. Tayo ay malaya na. Mayroon tayong personal na kalooban at Espiritu na sa pamamagitan ni Kristo ay nagpakilala bilang Pagmamahal



6. Nakikita ng mga unang kristiano ang imahen ng pagiging Pilosopo at Pastol. Ang Pilosopo ay nagtuturo ng daan sa pagiging tunay na tao, ang daan ng pamumuhay at kamatayan. Dala ng Ebanghleyo ang katotohanan na di mahanap ng ibang mga Pilosopo. Si Kristo ang tunay na Pilosopo na dala ang Ebanghelyo at ang tungkod ng manglalakbay. Sa kanyang tungkod, tinalo niya ang kamatayan; ang Ebanghelyo ay nagbibigay ng katotohanan na hindi mahanap ng ibang mga pilosopo. Sinasabi ni Hesus kung paano ang totoong pagpapakatao. Siya ang daan at ang katotohanan at kung gayon, siya din ang buhay. Ganoon din ang nakikita sa kanya bilang pastol na simbulo ng mapayapa at simpleng buhay na hinahanap ng mga nakatira sa mga siyudad “Ang Panginoon ang aking Pastol: di ako kukulangin sa anuman... lumakad man ako sa lambak ng karimlan wala akong katatakutang masama pagkat kasama kita...” (Ps 23 [22]:1, 4). Ang totoong pastol ay ang nakakaalam kahit ang daan na tatahak sa lambak ng kamatayan; ang siyang lalakad kasama ko sa daan ng pag-iisa na walang makakasama sa akin. Siya mismo ay dumaan dito at natalo niya ang kamatayan at siya ay nagbalik para samahan tayo at magbigay ng kasiguraduhan na kasama niya, malalagpasan natin ang lahat. “Di ko kinakatakutan ang kasamaan” (cf. Ps 23 [22]:4)—Ito ang bagong pag-asa ng mga nananampalataya.



7. Sa Sulat sa mga Hebreo, binibigyang kahulugan ang pananampalataya na talagang nag-uugnay sa pag-asa. “Ang pananampalataya ay ang hypostasis ng mga bagay na ating inaasahan; ang katotohanan ng mga bagay na di nakikita”. Para sa mga Ama at mga teologo ng Middle Ages, malinaw na ang salin sa Griegong salitang hypostasis ay isinasalin sa Latin bilang “substantia” at mababasa sa Latin bilang”Est autem fides sperandarum substantia rerum, argumentum non apparentium”—ang pananampalataya ay ang pinakanilalaman ng mga bagay na ating inaasahan; ang katibayan ng mga bagay na di natin nakikita . Sinabi ni Santo Thomas Aquinas,:Ang pananampalataya ay isang habitus, ang tuluy tuluy na kalagayan ng espiritu kung saan nagsisimula ang buhay Diyos sa atin at ang paggamit ng isip ay sumasang-ayon sa mga bagay na di nakikita. Samakatuwid,ang konsepto ng substansya o “substance” ay iniba sa kahulugang sa pananampalataya, nasa atin na ang mga bagay na inaasahan natin: ang kabuuan, tunay na buhay. At dahil mismo sa pagkakaroon ng bagay na iyon, ang presensiya ng bagay na iyon ay nagbibigay ng kasiguraduhan pero ito ay di pa nakikita pero ang bagay na ito ay dala natin, at may pagkakaintindi din tayo tungkol dito. Para kay Luther ang konsepto ng “substance” ay walang halaga. At dahil dito, ang pagkaka intindi niya sa salitang hypostasis/substance ay hindi isang realidad na nasa atin pero isang pagpapahayag ng saloobin kaya nga sa 20th na siglo, maraming mga interpretasyon ang kumalat, pati na din sa mga Katolikong pag-aaral ang ganitong pagsasalin: Ang pananampalataya ay ang pagiging matapat sa inaasahan at ang pagiging kumbinsido sa mga bagay na hindi nakikita. Bagama't ito ay hindi naman mali, hindi ito ang kahulugan ng talata. Ang pananampalataya ay di lang ang personal na pag-abot natin sa mga bagay na wala pa sa atin: ang panamampalataya mismo ay may naibibigay sa atin. Bigay nito ang realidad na hinihintay natin, ang katibayan ng mga mga hindi pa nakikita. Ang kasalukuyan ay nahawakan ng realidad ng hinaharap kaya ang mga bagay sa hinaharap ay bubuhos din sa kasalukuyan at sa kasalukuyan ng hinaharap



8. Ang paliwanag na ito ay pinalakas pa sa mababasa Hebreo 10:34, na sinabi ng sumulat sa mga nakaranas ng pag-uusig “Nagdusa kayong kaisa ng mga nakabilanggo; buong galak din ninyong ipinaagaw ang inyong mga ari-arian (hyparchonton—Vg. bonorum) dahil alam ninyo na kayo'y may mas magangda at mas maasahang kayamanan(hyparxin—Vg. Substantiam). Ang Hyparchonta ay tumutukoy sa ari-arian, na sa ating pamumuhay sa mundo ay nangangahulugang pangtustos. Ito nga ang basis, ang substansya para sa ating buhay. Kinuha sa kanila ang substansiya na ito sa panahon ng pag-uusig. Ang pangyayari na ito ay kanilang tinanggap dahil natagpuan nila ang mas mahalagang “basis” para sa kanilang buhay, ang “basis” na nananatili at walang makaka-agaw



Isang malaking pag-iwan sa makamundong bagay ang mula pa noong una hanggang kay San Francisco ng Assisi at sa panahon ngayon na pumapasok sa mga modernong Relihiyosong Institusyon, ang iwan ang lahat para sa pag-ibig kay Kristo para mailapit at para madala sa iba ang pananampalataya at pag-ibig ni Kristo para matulungan ang mga nagdurusa sa katawan at espiritu. Para sa kanila ang bagong “substansya” ay napatunayang ang totoong “substansya”. Mula sa pag-asa ng mga taong ito na nahipo ni Kristo, pag-asa din ang nakuha ng ibang mga tao na dating nasa kadiliman at walang pag-asa. Ang pangako ni Kristo ay di lang paghihintay sa isang realidad, ito ay ang totoong presensya. Siya nga ay tunay na pilosopo at pastol na nagpakita sa atin ng buhay at kung saan ito makikita.

9. Para lalong maunawaan ang dalawang uri ng substansya—hypostasis at hyparchonta— at ang dalawang pananaw sa buhay na pinapahayag ng mga salitang ito, kailangan nating mapag-aralan ang dalawang salita na kaugnay nito na makikita sa Heb 10, ang hypomone (10:36) at hypostole (10:39). Ang Hypo- mone ay kadalasang isinasalin bilang “pasensya”—pagpupursigi. Ang matutunan ang pagpapasensya sa gitna ng pagdaan sa mga pagsubok ay kailangan ng mga mananampalataya para “matanggap ang pinangako”(10:36). Sa Judaismo, ang salita na ito ay ang pag-asa sa Diyos at patuloy na pananamapalataya sa Diyos dahil sa kasiguraduhan ng Tipan sa mundo na salungat sa Diyos. Ang salita na ito ay ang pagsasabuhay ng pag-asa sa kasiguraduham ng pag-asa. Sa Bagong Tipan, ito ay nagkakaroon ng bagong kahulugan: kay Kristo, pinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili. Ibinahagi Niya na sa atin ang “substansya” ng mga bagay na dadating, kaya ang pag-asa sa Diyos ay nagkaroon ng bagong kasiguraduhan



Ito ay ang pag-asa ng mga bagay na dadating mula sa pagtingin sa pangkasalukuyan kung saan ito ay naibigay na. Ito ay ang pag-abang sa presensya ni Kristo, kasama ni Kristo na kapiling natin, sa kaganapan ng kanyang Katawan at ang kanyang siguradong pagdating. Ang salitang ”hypostole” sa isang banda ay ang kawalang ng tapang na tuwirang magsalita ng katotohanan kahit ang paggawa nito ay may kasamang peligro. Ang pagtatago sa espiritu ng takot ay nagdadala sa “pagkasira” (Heb 10:39). “Hindi tayo binigyan ng Diyos ng Espiritu ng pagkahiya pero ng espiritu ng kapangyarihan at pagmamahal at pagtitimpi” 2 Timothy (1:7)



Buhay Diyos o Walang hanggang buhay– Ano ito?



10. Ang Kristianong pananampalataya ba ay nagpapabago ng buhay at pag-asang nagbibigay buhay?



Ito ba ay may paggawa o “performative” para sa atin—ito ba ay mensaheng nagbabago sa ating buhay sa bagong paraan o ito ba ay impormasyon lang na pwedeng maisangtabi na natatabunan ng mga mas bagong impormasyon? Sa Bautismo tinatanong ang “Ano ang hinihingi niyo sa Simbahan?” Sagot: “Pananampalataya”. “Ano ang binibigay nito sa inyo?” “Buhay-Diyos”. Inaasahan nila ang Pananampalataya na kasama ang kalikasan ng pinaka katawan ng Simbahan at ng kanyang mga sakramento na magbibigay sa bata ng Buhay-Diyos. Ang pananamapalataya ang laman ng pag-asa. Gusto ba natin ang mabuhay ng walang hanggan o Buhay-Diyos? Sinabi ni San Ambrosio, isa sa Ama ng simbahan, sa libing ng kanyang kapatid na si Satyrus: “Ang kamatayan ay hindi bahagi ng kalikasan, ito ay naging bahagi ng kalikasan. Hindi niloob ng Diyos ang kamatayan sa una; ito ay inireseta niya bilang lunas. Ang buhay ng tao, dahil sa kasalanan ay nakaranas ng bigat ng pagkasumpa ng walang kaligtasang paggawa at di-makayanang pagdadalamhati. Kailangang magkaroon ng hangganan ang kasamaan nito; ang kamatayan ay kailangang magbalik ng nawalang buhay. Kapag wala ang tulong ng grasya, ang walang-hanggang buhay ay magiging isang pabigat sa halip na isang biyaya... ang kamatayan ngayon ay di na sanhi ng pagdadalamhati, dahil ito ay naging dahilan ng pagkaligtas ng tao”



11. Mayroong kontradiskyon sa ating saloobin na tumuturo sa panloob na kontradiksyon kung bakit tayo nasa mundo: ayaw nating mamatay, ayaw ng mahal natin sa buhay na mamatay. Sa isang banda ayaw nating mabuhay ng walang katiyakan. Ang magkasulangat nating saloobin ay lumilikha ng tanong: Ano ba ang “buhay”? Ano ba ang kahulugan ng walang-hanggan? Sumulat si San Augustine tungkol sa pagdadasal para kay Proba, isang mayamang biyudang Romana: “ito ang totoong gusto natin-'ang pinagpalang buhay', ang buhay na ang simpleng buhay, simpleng kaligayahan”. Pero sinabi ni San Agustin: kung titignan nating mabuti, di natin talaga alam ang ating hinahanap, kung ano ang ating talagang gusto. Hindi natin alam ang realidad na ito, kahit na umabot sa puntong mahahawakan na natin ito pero ito ay lalayo pa din. “Di natin alam kung ano ang dapat nating ipagdasal(Rom 8:26). Ang nalalaman lang natin ay kung ano ang hindi. Pero sa kawalan ng kaalaman, alam natin na mayroon ang realidad na ito. “Meron tayong natutuhang ignoransya(docta ignorantia)”,sabi niya. Di natin alam kung ano talaga ang gusto natin; hindi natin alam ang “tunay na buhay” pero alam natin na mayroong tayong bagay na hindi alam na gusto natin.



12.Mahal natin ang buhay, ang tunay na buhay na di nagagalaw kahit ng kamatayan, at kasabay nito ay di natin alam ang bagay na gusto nating makamit. Ang bagay na hindi natin alam ay ang tunay na “pag-asa”. Dahil ang bagay na ito na “hindi alam” ang sanhi ng kawalan ng pag-asa at dahilan ng lahat ng uri ng pagsisikap.

Ang walang-hanggang buhay ay ang tawag sa bagay na ito. Ang salita na ito ay may kakulangan at nakakapagbigay ng kalituhan sa iba. Ang “Eternal” ay madalas na nagpapaalala sa atin ng walang-hanggan, bagay na di natatapos at ito ay tumatakot sa atin. Ang maisip natin na tayo ay nasa labas ng oras na kumukulong sa atin ay hindi ang sunod-sunod na araw sa kalendaryo pero isang natatanging oras ng pagkakuntento. Ito ay parang lulusong sa karagatan ng walang hanggang pag-ibig kung saan ang oras, ang nakaraan o hinaharap, ay wala na. Naiisip lang natin ang punto na iyon na tayo ay malublob sa nag-uumapaw na kaligayahan. Ganito ito ipinahayag ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan: “Makikita ninyo ako muli at ang inyong mga puso ay magdidiwang, at walang aagaw ng kaligayahan na ito sa inyoI” (16:22). Kailangan pag-isipan natin ang mga salita na ito para maintindihan ang pinaka pag-asa ng mga Krisiyano, para maintindihan ang kung ano ang pinapahantay sa atin ng ating pananamalataya.



Ang Kristianong pag-asa ba ay makasarili?



13. Sa pagdaan ng kasaysayan, ang mga Kristiano ay nagsubok na magpahayag nitong “pag-alam ng di nalalaman” sa mga bagay na maisasalarawan at gumawa ng mga imahen ng “langit” na malayo pa din sa bagay na matutunan lang sa di-pag-alam. Ang lahat ng pagsubok ng pagsasalarawan ng pag-asa ay nagbigay ng daan para sa mga tao para mabuhay ng pananampalataya at para iwan din ang kanilang hyparchonta, ang materyal na substansya ng kanilang buhay. Sa sulat sa mga Hebreo 11, ibinigay ang kasaysayan ng mga tao na nabuhay ng may pag-asa mula kay Abel hanggang sa panahon ng may akda. Ang mga uri ng pag-asa na ito ay napailalim sa mga kritisismo sa ating modernong panahon: Ito ay itinuring na makasarili lamang, isang paraan ng pag-iwan sa mundo sa paghihirap at pagtago sa pribadong uri ng pagliligtas. Sabi ni Henri de Lubac, :“ Natagpuan ko ba ang kaligayahan? Hindi...ito ay kaligayahan ko lamang at ito ay talagang iba sa tunay na kaligayahan .



Ang kaligayan ni Hesus ay maaring maging personal. Ito ay maaring maangkin ng isang tao at siya maliligtas. Siya ay may kapayapaan...ngayon at magpakailanman, pero siya ay nag-iisa. Ang pagkahiwalay ng kaligayahan na ito ay hindi nakakabahala sa kanya. Siya pa nga ay ang napili. Sa kanyang pagkabiyaya, dumadaan siya sa gitna ng digmaan ng may rosas sa kanyang kamay”



14. Sa kabilang banda, hango naman sa malawak na pananaw sa Teologo ng mga Patriarko, naipakita ni de Lubac na ang pagliligtas ay isang sosyal na katotohanan. Nasabi sa sulat sa mga Hebreo ang tungkol sa “lungsod”(cf. 11:10, 16; 12:22; 13:14) . At dahil dito, nakikita ng mga Ama ng Simbahan na ang kasalanan ay ang kasiraan ng pagkaka-isa ng sankatauhan. Sa Babel, kung saan ang mga wika ay nagulo, ang lugar ng pagkakahiwalay ay ang pagpapahayag ng kung ano talaga ang kasalanan. . Kaya ang pagkaligtas ay lumilitaw bilang panunumbalik ng pagkaka-isa, kung saan tayo ay nagkakaisa muli na nahuhubog sa mga kumunidad ng mananapalataya sa mundo. Sa sulat kay Proba ni San Augustin sa kanyang pagtalakay sa “mabiyayang buhay”, nakapagbigya siya ng talata:144 [143]:15: “Mapalad ang mga tao na ang Diyos ang Panginoon. Para mabilang sa kanyang bayan at makamtan ang ...walang hanggang buhay kasama ng Diyos 'ang pinaka layunin ng mga kautusan ay ang pagmamahal na galing sa busilak na puso at mabuting konsiyensya at sinserong pananampalataya'(1 Tim 1:5).” 11 Ito ang buhay na ating kinukuha, at nakaugnay sa buhay na pagkakaisa ng mga “tao”, at para sa bawat isa, ito ay makakamit lang sa loob ng salitang “tayo”. Ito ay ang pagkalaya sa ating “Ako”, dahil tanging sa pagkabukas natin sa pananaw na ito nabubukas ang ating mata sa pinakabukal ng ating kaligayahan, ang pag-ibig mismo, ang Diyos.

15. Noon naturingan ang mga monastaryo bilang taguan mula sa mundo (contemptus mundi) at pinagtatakasan ng responsibilidad sa mundo para mahanap ang personal na rebelasyon. Sinabi ni San Bernardo of Clairvaux, na naging inspirasyon ng marami para pumasok sa mga kanyang monasteryo, may ibang pananaw tungkol dito. Sa kanyang pananaw, ang mga mongha ay gumagawa para sa simbahan. Ginamit niya ang sinabi ni pseudo-Rufinus sa kanila: "Nabubuhay ang sangkatauhan, salamat sa mga iilang mga tao; kung hindi sa kanila, nagunaw na ang mundo...". Ang mga Contemplatives— o contemplantes— ay kinailangang maging agrikultural na mangagawa —laborantes—sabi niya. Ang karangalan ng trabaho, na namana nating mga Kristiano sa mga Hudio, ay naipahayag na sa mga alituntunin sa mga monasteryoha ni San Augustin and Benito. Ganon din ang paniniwala ni Bernardo. Ang mga mayayaman na nagpunta sa kanyang monasteryo ay kinailangang magtrabaho din. Nasabi ni Bernard na kahit ang mga monasteryo ay hindi makakapagpabalik sa Paraiso, pero ito ay ang lugar ng "pangangalaga ng lupa", ito ay naghahanda para sa bagong paraiso. Ang mga lupain sa kagubatan ay pinapataba, ang mga malalaking puno ay naalis, ang masamang damo sa kaluluwa ay inaalis, at sa ganon, ang lupa ay naihahanda para sa magbunga ang tinapay para sa katawan at kaluluwa.

Ang pagbabago ng pananampalataya at pag-asang Kristiano sa ating modernong panahon.

16. Paanong lumitaw ang maling kaisipan na ang mensahe ni Hesus ay para sa mga bawat tao lamang? Paano nakarating ang iba sa interpretasyon na ang "pagkaligtas ng kaluluwa" ay pagtakas sa tungkulin para sa lahat ng tao, at paano naisip ng iba na ang imahen ng mga kristianismo ay makasariling paghahanap ng ating pagliligtas na tumatanggi sa kaisipan ng paglilingkod sa iba? Ito ay nabibigyang linaw ng kaispan ni Francis Bacon. Ang bagong panahon ay dumating—sa pagkakatuklas sa America at ang mga teknikal na nagawa na nagbigay daan sa kaunlaran —ay di maitatanggi . Ang ginagawang basehan ng bagong panahon na ito ay ang kaugnayan ng eksperimento at mga paraan na nagbibigay kakayahan sa mga tao na maintindihan ang kalikasan alinsulod sa mga batas nito. Tinuturing nila na dito nakakamit ang "pagkapanalo ng sining sa kalikasan" (victoria cursus artis super naturam). Ang pagbabago. ayon kay Bacon ay ang relayson ng agham at ng praxis. Ito ay totoo: ang kaugnayan ng agham at praxis ay ang paghahari sa sanlikha —na naibigay ng Diyos sa tao at nawala dahil sa orihinal na kasalanan —at to ay maibabalik.

17. May nakakabahalang hakbang sa mga nasabi : hanggang sa panahon na iyon, ang pag asa ng pagbabalik ng nawala dahil sa pagkakapalayas sa Paraiso ay mula sa pananampalataya kay Kristo : nakapaloob duon ang "pagkaligtas" . Ngayon , ang sinasabi nilang pagkaligtas, ang panunumbalik ng nawalang "Paraiso" ay di na nila inaasahan mula sa pananampalataya kung hindi sa bagong nadiskubreng relasyon ng agham at ang paggamit nito o praxis. Ito ay di nagtatanggi sa pananampalataya, naglalagay lang ito sa pananampalataya sa ibang antas—ang pagiging pribado at —kasabay nito ang pagwawakas ng kaugnayan nito sa mundo. Ito ang humubog sa krisis sa pananampalataya na totoong krisis sa pag-asa. Kaya ang tinuturing nilang pag-asa, ayon kay Bacon, ay nag-iiba. Ngayon ito ang tawag nila: “lumalagong pananampalataya”. Para kay Bacon, ang mga pagtuklas at imbensyon ay simula pa lang . Sa pamamagitan nito, nasabi niya ang mga posibleng makabagong imbensyon, tulad ng eroplano at sabmarino. Sa pag-usad ng idolohiya, ang ligaya sa pag-unlad ng makakaya ng tao ay nagpatibay sa sinasabi nilang “lumalagong pananampalataya” sa kaunlaran.


18. Dalawang grupo ang naging sentro ng ideya ng kaunlaran. Ang kalayaan at rason. Ang kaunlaran ay sinasabing kasama ng pagtaglay ng rason at ito ay mabuti at para sa kabutihan...ang kaunlaran tungo sa sinasabi nilang ganap na kalayaan. At tulad nito, nakikita lamang nila ang kalayaan bilang purong pangako, kung saan matatagpuan ang kaganapan ng tao. Ang mga konsepto na ito ay may politikal na aspeto. Ang sinasabing kaharian ng rason ay inaasahan na bagong kondisyon ng sankatauhan sa oras na makamit ang inaakala nilang totoong kalayaan. Parang ang rason at kalayaan ay nagpapatibay ng bago at ganap na lipunan. Ang konsepto ng "rason at kalayaan" ay nabigyan ng kahulugan na laban sa pananampalataya pati na sa politikal na sistema ng panahon na iyon

19. Dapat tignan ang dalawang mahahalagang hakbang ng politikal na kaganapan ng sinasabi nilang pag-asang ito dahil sa gagampanan nito tungkol sa tunay na pag-asa. Una ay ang Rebolusyon sa Pransya, ang pagtataguyod ng paghahari ng “rason at kalaayan” na nagsasabi na ang rason ay ang realidad sa politika. Ang ideya na ito ay sumulong. Nagsulat din si Immanel Kant tungkol dito at nagsabi na ang pagbabago ng pananampalataya ng simbahan patungong tanging paghahari ng pananampalatayang panrelihiyon ay ang pagturing nila bilang pagdating ng Kaharian ng Diyos na sinasabing mapapabilis ng rebolusyon mula sa pananampalataya ng simbahan patungong "rasyonal na pananampalataya". Nagkaroon ng bagong kahulugan ang “kaharian ng Diyos” na pinroklama ni Hesus at may bagong silang pananaw ng uri ng presensya; ang tinuturing nilang bagong hinintay, sabi nga. Ang tinuturing nila na "Kaharian ng Diyos" ay darating sa pagtatapos ng "pananampalataya ng simbahan" at pagpalit noon ng sinasabing "relihiyosong pananampalataya" na sa ibang salita ay rasyonal na pananampalataya. Nakita ni Kant ang posibilidad, na gaya ng natural na katapusan ng lahat ng bagay, mayroon ding hindi natural. Kaugnay nito, sinabi niya na : “kapag huminto ang pagmamahal sa Kristianismo, ang mangingibabaw na kaisipan ay ang 'di pagtanggap at paglaban dito ; at magsisimula ang maikling paghahari ng Anticristo (marahil ay base sa takot at sariling interes); ngunit dahil ang Kristianismo, kahit nakadestinong maging relihiyon ng mundo, ay ‘di papayagan ng tadhana upang makamit ito , at dahil dito, sa moral na aspeto, ito ay magdadala sa masamang katapusan ng lahat ng bagay.





20. Ang 19 na siglo ay humawak sa pananampalataya ng kaunlaran bilang bagong uri ng pag-asa ng tao, at nagpatuloy na ituring ang rason at kalayaan bilang gabay na bituin, bilang daan sa pag-asa.Ganon pa man, ang mabilis na pagsulong ng teknolohikal na pag unlad at ng industruyalisasyon na kaugnay nito ay nagbigay daan sa bagong sitwasyon ng lipunan:nagkaroon ng bagong uri ng mga manggagawa ng industriya at ng “industrial proletariat”, na inilarawan ni Friedrich Engels noong 1845. Para sa kanyang mambabasa , nakita nila ang kasagutan: ang resulta ng pagnyayari ay 'di dapat magpatuloy; kailangan ng pagbabago. Pero ang pagbabago na iyon ay yayanig sa istraktura ng lipunan ng bourgeois. Matapos ang rebolusyon ng bourgeois noong 1789, dumating naman ang panahon para sa bagong rebolosyong proletarian: ang pag-unlad ay di na maaring magpatuloy sa maililiit na hakbang. Kailangan ng malaking hakbang. Si Karl Marx ay nagsulong ng kanyang ideya gamit ang pananalita at kaisipan para maipahayag ang makabago at , ayon sa kanya, tuwirang hakbang sa kasaysayan patungong pagliligtas —patungo sa sinasabi ni Kant na “Kaharian ng Diyos”. Ang pag-unlad para sa mas ikabubuti, patungo sa mabuting mundo, ay 'di na nanggagaling sa agham kung hindi sa politika—mula sa siyentipikong politika na kumikilala sa istraktura ng kasaysayan at ng lipunan at nagtuturo sa daan ng rebolusyon, patungo sa pangkalahatang pagbabago. Inilarawan ni Marx ang kanyang panahon at nagsabi ng daan sa rebolusyon 'di lang sa purong ideya: sa pamamagitan ng partidong komunista na nabuo dahil sa Communist Manifesto noong 1848, ito ay kanyang pinairal. Ang kanyang pangako, mula sa kanyang pag-iisip at malinaw na indikasyon ng pamamaraan ng malawakang pagbabago, ay nanatiling walang maliw na hinahangaan. Sumunod ang totoong rebolusyon sa Ruso.


21. Kasabay ng pagtatagumpay ng rebolusyon, lumitaw ang kamaliaan ni Marx. Pinakita niya kung paano wawakasan ang kasalukuyang sistema, pero ‘di niya sinabi kung ano dapat ang susunod na mangyari. Inakala lang niya na sa pagbasak ng mga namumunong tao , sa pagbagsak ng politikal na kapangyarihan at ang sistema ng produksyon, lilitaw ang bagong Herusalem. At duon nga, inakala na ang lahat ng kabalintunaan ay matatapos, magkakaayos ang tao at ang mundo. At lahat ng bagay raw ay lalakad sa kanilang sarili, dahil ang lahat ng bagay ay mapupunta sa lahat ng tao at ang lahat ay magmimithi ng kabutihan para sa lahat ng kapwa. Kaya lang nga, matapos ang rebolusyon, nalaman ni Lenin na ang naisulat ni Marx ay di nagturo kung paano ito ipagpapatuloy. Ang punto ng proseso na ito,at alam natin ang naging takbo nito, ay di nagbigay daan sa perpektong mundo, ito ay nag-iwan ng daan sa kasiraan. ‘Di iniwan ni Marx kung paano papatakbuhin ang mundo na ito. Ang kanyang katahimikan ay nanggaling sa kanyang piniling paraan. Ang kanyang pagkakamali ay mas malalim pa. Nalimutan niya na ang tao ay nanatiling tao. Nalimutan niya ang tao at ang kalayaan ng tao. Nalimutan niya na ang kalayaan ay kalaayan din para sa kasamaan. Inakala niya na matapos mailagay sa tama ang ekonomiya, ang lahat ay kusa nang malalagay sa tama. Ang kanyang tunay na pagkakamali ay ang materyalismo: ang tao ay ‘di lang resulta ng kondisyon ng ekonomiya at ‘di maililigtas ang tao sa pamamagitan lang ng magandang ekonomiya.


22. Tanungin natin ulit ang ating mga sarili: Ano ang ating aasahan? Ang pagtalakay sa modernidad ay nangangailangan ng pag-uusap ng Kristiyanismo at ang konsepto nito ng pag-asa. At kailangan din na malaman ng mga kristiano kung ano talaga ang pag-asa at kung ano ang maibibigay nito. Mula sa pagtingin ulit, kailangan din ang pagtingin sa Kristiyanismo, at palagiang panibaguhin ang pagka-unawa sa sarili mula sa mga ugat nito. Ano ba talaga ang kaunlaran; ano ang pangako nito at ano ang di pinapangako nito? Sa ika-19 na siglo, ang pananampalataya ay sumasailalim sa mga usapin. Sa ika-20 na siglo, nagpahayag si Theodor W. Adorno ng problema ng pananampalataya sa kaunlaran: na ang kaunlaran ay pag-unlad mula sa tirador papuntang bombang atomika. Ito ang aspeto ng pag-unlad na di dapat itago. Nakikita ang dalawang bunga ng kaunlaran. Dala nito ang posibilidad sa kabutihan at nagbubukas din sa bagong mga posibilidad ng kasamaan. Nakita na sa maling kamay ito ay nagiging kaunlaran sa kasamaan. Kung ang teknikal na kaunlaran ay di mapapantayan ng kaunalaran sa etiko, sa panloob na paglago ng tao (cf. Eph 3:16; 2 Cor 4:16), ito ngayon ay ‘di kaunlaran , ngunit isang peligro sa tao at sa mundo.


23. Ang rason ay handog ng Diyos sa tao, at ang pagkawagi ng rason sa pagiging irisonable ay mithiin ng Kristiyanismo. Nagtatagumpay ba ang rason kung ito ay hiwalay sa Diyos at bulag sa Diyos? Ang rason ba sa bawat galaw at ang kakayahan sa paggalaw ang kabuuan ng rason? Kung ang tunay na kaunlaran ay nangangailangan ng moral na paglago ng tao, ang rason sa likod ng paggalaw at ang kakayahan sa paggalaw ay nangangailangan din naman ng pagkabukas ng rason sa napakapangliligtas na puwersa ng pananampalataya.

Duon lang nagiging makatao ang rason, sa pagdala ng ating kalooban sa tamang daan. Kung wala ang ito, ang rason ay magiging peligro sa kanya at sa sanlikha. Ang kalayaan ay nangangailangan ng pagtatagpo ng iba't ibang kalayaan na dapat sukatin ng basehan at mithiin ng ating kalayaan. Sa madaling salita, kailangan natin ang Diyos, kung hindi ay wala tayong pag-asa. Napapatotohanan ang nasusulat sa (Eph 2:12). Walang duda na ang "Kaharian ng Diyos" na natatamo ng walang Diyos —kaharian ng tao lang—ay nauuwi sa "masamang katapusan" ng lahat ng bagay tulad ng inilarawan ni Kant: nakita natin ito ng paulit ulit. Pumapasok ang Diyos sa ating buhay, di lang sa ating mga isipan, siya mismo ang lumalapit sa atin at nakikipag-usap sa atin. Kailangan ng rason ang pananamplataya upang ito ay maging ganap: kinakailangan ng pananampalataya at rason ang isa't-isa para sa makumpleto at magkaroon ng katuparan ang kanilang misyon



Ang tunay na Kristiyanong Pananampalataya

24. Itanong natin ulit : saan tayo dapat umasa? At ano ang ‘di natin dapat asahan? Una, dapat nating aminin na ang unti-unting pag-unlad ay posible lamang sa mga bagay na materyal. Umuusad tayo sa lalong mas mabuting paghawak sa kalikasan. Ngunit ‘di ito masasabi sa larangan ng etiko at moral dahil ang kalayaan ng tao ay laging bago at lagi siyang dapat na gumagawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon na ito, dahil sa malaya nga tayo, ay ‘di maaring gawin sa atin ng ibang tao para sa hinaharap. Sa kalayaan, ang mga malalaking desisyon ng bawat tao at salinlahi ay laging bago. Natural na ang mga bagong salinlahi ay gumagamit sa kaalaman at karanasan ng mga nauna, at sa kayamanang moral ng sankatauhan. At maaari din na tanggihan nila ito. Ang moral na kayamanan ng sankatauhan ay hindi kaagad na magagamit na parang gamit; ang mga ito ay nagsisilbing paanyaya sa kalayaan at sa posibilidad para dito.

a) ang tamang estado ng sankatauhan at ang moral na kalagayan ay di maipapangako ng mga istraktura lamang. Ang istraktura ay mabuti ngunit di dapat lumimot sa kalayaan ng tao.

b) dahil malaya ang tao, ang kaharian ng kabutihan ay di kailanmam magiging ganap dito sa mundo. Kailangan ang palagian na paggamit sa kalayaan.


25. Ang ibig sabihin nito, ang bawat salinlahi ay may katungkulan sa paghahanap ng tamang pamamalakad ng mga tao.

Ngunit ang bawat salinlahi ay dapat makiisa sa pagtataguyod ng istraktura ng kalayaan at kabutihan bilang gabay sa tamang paggamit ng kalayaan ng tao; ang mga istraktura ay nakakatulong pero hindi sapat. Nagkamali sina Francis Bacon at ang kanyang mga tagasunod sa kasalukuyang takbo ng pag-iisip na ang tao ay maililigtas ng agham. Ang paniniwala na ito ay mali pero alam natin na ang agham o siyensa ay nakakatulong sa pagpapabuti ng mundo at sankatauhan. Ang agham din ay maaring makasira maliban sa kung ito ay gagabayan ng pwersa na labas dito. Sa kabilang banda, dahil nahaharap sa tagumpay ng agham sa pagbabago ng mundo,dapat nating aminin na ang malaking bahagi ng modernong Kristianismo, ay nagtuon pansin sa indibidwal at sa kanyang pagkaligtas.


26. Di agham, ngunit pagmamahal ang nagliligtas sa tao. Kapag nakakaranas siya ng dakilang pagmamahal, ito ay oras ng pagliligtas na nagbibigay kahulugan sa kanyang

buhay. Makikita din niya na ang pagmamahal na binigay sa kanya ay di sapat para sagutin ang tanong ng buhay. Ang pagmamahal na ito ay nasisira ng kamatayan. Kailangan ng tao ang walang kundisyon na pag-ibig kung saan niya masasabi ang : “ni kamatayan, o buhay, o mga anghel, o mga kapangyarihan, ni ang mga nandito o mga dadating pa lang, ni taas o ni lalim o anupaman ay hindi makakapaghiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos kay Kristo Hesus” (Rom 8:38- 39). Kung mayroon ang pag-ibig na ito ng may katiyakan, duon lang naliligtas ang tao kahit ano pa man ang mangyari sa kanya. Ito ang pagliligtas sa atin ni Hesu-Kristo. Sa pamamagitan Niya tayo ay nakakatiyak na may Diyos, na "unang sanhi" ng mundo, dahil ang Kanyang Bugtong na Anak ay naging tao at ang lahat ay nagsasabi sa Kanya: “ako ay nabubuhay sa pananampalataya sa Anak ng Diyos , na nagmahal sa atin at ibinigay sa akin ang Kanyang sarili” (Gal 2:20).


27. Sa ganito, ang di nakakakilala sa Diyos ay ay totoong walang pag-asa na sumusustento sa buong buhay(cf. Eph 2:12). Ang sinumang gumagalaw dahil sa pag-ibig ay nakaka-alam ng kung ano talaga ang buhay. Nalalaman nya ang kahulugan ng pag-asa na ating natagpuan sa Ritwal ng Bautismo: mula sa pananampalataya, hinihintay ko ang walang “hanggang buhay” —ang buhay na totoo, buo at may kasiguraduhan, ang simpleng buhay. Nasabi ni Hesus na naparito siya para tayo ay magkaroon ng buhay at ang kabuuan nito at kasaganahan(cf. Jn 10:10), at sinabi din niya kung ano talaga ang buhay: “Ito ang buhay na walang hanggan, na makilala natin ang iisang Diyos, at si Hesu-Kristo na Kanyang isinugo” (Jne 17:3). Ang totoong buhay ay hindi lang ang kung anong meron tayo ng walang relasyon sa iba: ito ay isang relayson. At ang buhay sa kabuuan ay ang relasyon natin sa pinanggagalingan ng buhay. Kung tayo ay may relasyon sa Kanya na hindi namamatay, tayo ay nasa buhay. Tayo ay nabubuhay.


28. Lumilitaw ang tanong kung tayo ba ay nahuhulog sa makasariling pang-unawa sa pagliligtas, sa huwad pag-asa na para sa ating sarili lamang. Hindi! Ang ating relasyon sa Diyos ay nabubuo sa ating relayson kay Hesus—hindi natin ito makakamit ng ating sarili lamang. Ang kaugnayan natin kay Hesus ay relasyon sa Kanya na nagbigay ng Kanyang sarili para sa atin(cf. 1 Tim 2:6). Ang pakikiisa kay Hesus ay nagpapalapit sa atin sa kanyang pagiging “para sa mga tao; Ang pagmamahal sa Diyos ay pakikiisa sa hustisya at pagiging mapagbigay ng Diyos sa lahat .Namatay para sa lahat si Hesus, para ang mga mabubuhay ay hindi na mabuhay para sa kanilang mga sarili, pero para sa kanya na namatay para sa atin (cf. 2 Cor 5:15)”.


30. Tayo ay magbigay ng buod ng ating mga pagninilay. Araw araw tayo ay nakakaranas ng malaki at kaunting pag-asa sa iba't ibang punto ng ating buhay. Ang mga kabataan ay maaring magkaroon ng dakilang pag-ibig; pag-asa sa posisyon, sa propesyon o karera, o tagumpay na makakapagbago sa kanilang buhay. Kapag natutupad ang ating pag-asa, lumiliwanag na ang mga ito ay hindi ang kabuuan. Kailangan pa ng tao ang pag-asa na higit pa dito. Na ang tanging makakapagpakuntento sa kanya ay isang bagay na walang hanggan, isang bagay na higit pa sa kahit anong bagay na kanyang makukuha. Ang ating panahon ay lumikha ng pag-asa ng paglikha ng perpektong mundo, salamat sa kaalaman sa agham at sa siyentipikong politika, ang mga ito ay inaasahang makakamit. Kaya naman ang pag-asa sa Kaharian ng Diyos na sinasabi sa Bibliya ay napapalitan ng pag-asa sa kaharian ng tao. Ang pag-asa sa mas magandang mundo na tinuturing na tunay na “Kaharian ng Diyos”.

Ang sinasabing pag-asa din na iyon ay lumilitaw na laban sa kalayaan. Kung tatanggalin ang kalayaan , resulta ng ilang kondisyon o istraktura, sa huli ito ay hindi magiging magandang mundo dahil sa kawalan ng kalayaan.


31. Kailangan natin ang dakila at mumunting pag-asa para sa ating pang-araw ara na buhay. Ang lahat ng ito ay di magiging sapat kung wala ang dakilang pag-asa. Ang dakilang pag-asa na ito ay ang ating Diyos na higit pa sa lahat ng bagay, at makakapagbigay ng bagay na hindi natin makakamit sa ating sarili lamang. Ang katotohanan na ito ay isang handog sa atin at bahagi ng ating pag-asa. Ang Diyos ang saligan ng ating pag-asa: at hindi ang mga diyus-diyusan, ang Diyos na nagkaroon ng mukha ng tao at nagmahal sa atin hanggang sa wakas; ang Kanyang kahariaan ay nanduon kung saan man Siya iniibig at kung saan tayo inaabot ng Kanyang pag-ibig. Tanging ang pag-ibig niya ang nagbibigay ng kakayahan sa pagpupurisigi araw-araw nang walang kapaguran nang dahil sa pag-asa, sa mundo na hindi perpekto. Ang Kanyang pag-ibig ay ang garantiya ng pagkakaroon ng ating hindi lubusang maramadaman, na atin hinihintay: ang buhay na “totoong” buhay.

I. Dasal bilang tagapagturo ng pag-asa


32. Ang unang mahalagang bagay para matutuhan ang pag-asa ay ang pagdadasal. Kapag wala nang nakikinig sa akin, ang Diyos ay nakikinig sa akin. Kapag wala na akong makausap o matawag, nandian, lagi kong nakakausap ang Diyos. Kapag wala nang ibang makakatulong sa aking pangangailangan o sa mga inaasahan na lalagpas pa sa kakayahan ng tao, Siya ang makakatulong sa atin.


33. Sinabi ni San Augustine, sa kanyang homiliya sa Unang sulat ni Juan ay naglalarawan ng napakalapit na relasyon ng pagdadasal at ng pag-asa. Sinabi niya na ang pagdadasal ay ang pagsasanay sa niloloob ng tao. Ang tao ay nillikha para sa kadakilaan – para sa Diyos mismo; siya ay nilikha para punuin ng Diyos. Ngunit ang kanyang puso ay masyadong maliit para sa kadakilaan na itinakda para dito. Ito ay dapat na palakihin. “Sa pamamagitan ng pagpapatagal ng mga handog, pinapalakas ng Diyos ang ating mga pagnanais; sa pamamagitan ng pagnanais pinapalaki ang ating kaluluwa at sa paglaki nito, pinapalakas nito ang kakayanan [para tanggapin Siya]”. Tanging sa ating pagiging anak ng Diyos natin nakakasama ang ating iisang Ama. Ang pagdadasal ay hindi pag-alis sa kasaysayan ng tao papunta sa ating sariling lugar ng kaligayahan. Kapag tayo ay nagdadasal tayo ay sumasailalim sa proseso ng paglilinis na nagbubukas sa atin sa Diyos at sa ating kapwa din. Sa ating pagdadasal, dapat nating matutunan ang mga dapat nating hilingin sa Diyos- ang nararapat para sa Diyos. Dapat tayong matututo na hindi hingin ang mga karangyaan at komportableng bagay na ating gusto sa oras na ito- isang maling pag-asa na nakakapagpalayo sa atin sa Panginoon. Dapat nating gawing puro ang ating kalooban at pag-asa


34. Para maisulong ang kapangyarihan ng dasal para sa paglilinis, dapat itong, sa isang banda, ay dapat na maging personal, ang pagtatagpo sa gitna ng aking sarili at ng Diyos, ang buhay na Diyos. Sa kabilang banda, ito ay dapat na patuloy na ginagabayan ng mga dasal ng simbahan at ng mga santo, sa dasal na panliturhikal, kung saan ay paulit ulit tayong tinuturuan ng ating Panginoon na magdasal. Tayo ay nagkakaroon ng kakayahan para sa dakilang pag-asa, at tayo ay nagiging tagapagbigay ng pag-asa para sa iba. Ang Kristianong pag-asa ay pag-asa din para sa iba. Ito ay aktibong pag-asa na lumalaban na mauwi ang mga bagay sa kasamaan. Ito ay aktibong pag-asa dahil pinapanatili nitong bukas ang mundo sa Diyos. At tanging sa ganito ito nagpapatuloy bilang tunay na pag-asa ng tao.


II. Ang pagkilos at ang pagdurusa bilang pagsasanay sa pag-asa


35. Ang lahat ng matuwid na asal ay ang pagkilos ng pag-asa. Tanging ang kasiguraduhan ng pag-asa na mahigpit na pinanghahawakan nang hindi mapipigil na Pag-ibig, na nagbibigay ng kahulugan at kahalagahan, tanging ang ganitong uri ng pag-asa lang makakapagbigay ng lakas loob na gumalaw at magpursigi. Hindi natin mapagtatrabahuhan ang langit sa pamamagitan ng ating mga gawa. Ang langit ay laging higit pa sa ating mapagtatatrabahuhan, pero ito ay maituturing lamang na handog. Maari nating buksan ang ating mga sarili at ang mundo para pumasok ang Diyos: mabubuksan natin ang ating sarili sa katotohanan, katotohanan, pag-ibig at sa kabutihan.


36. Tulad ng pagkilos, ang pagdurusa ay bahagi ng ating buhay. Ang pagdurusa ay galling sa ating limitasyon at dahil sa kasalanan na naipon sa pagdaan ng kasaysayan at patuluy na lumalaki ng walang tigil hanggang ngayon. Tiyak na dapat nating gawin ang lahat para mabawasan ang pagdurusa: at para maiwasan ang pagdurusa ng mga inosente; para maibsan ang sakit; matulungan ang mga nagdurusa sa pag-iisip. Kailangan nga natin na magapi ang pagdurusa, pero ang puksain ito sa mundo ay wala sa ating kapangyarihan. Tanging ang Diyos lamang ang makakagawa nito: tanging ang Diyos na pumasok sa kasaysayan at naging tao at nagdusa sa loob ng kasaysayan. Alam natin na buhay ang Diyos na ito at ang kapangyarihan niya na “magtanggal ng kasalanan sa mundo” (Jn 1:29) ay nasa mundo. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa totoong kapangyarihan na ito, ang pananampalataya sa kagalingan ng mundo ay lumitaw sa kasaysayan. Ito ay pag-asa at hindi pa kagananapan; pag-asa na nagpapalakas-loob na tayo ay manatili sa kabutihan kahit sa sitwasyon na parang wala nang pag-asa kahit na sa pagpapatuloy ng presensiya ng kapangyariahan ng kasalanan sa kasaysayan.


37.Sa pagsubok na maiwasan ang pagdurusa sa pamamagitan ng paglayo sa anumang makakasakit, kapag iniiwasan natin ang pagsisikap at sakit para sa katotohanan, pag-ibig at kabutihan, tayo ay naaanod papuntang buhay ng kawalang-kahulugan, na halos walang sakit, ngunit napupunta sa pagdanas ng pagkapabaya at kawalang-katuturan. Hindi sa pag-iwas o pagtakbo sa pagdurusa tayo gumagaling, bagkus, sa ating kakayahan para tanggapin ito, at paglago natin dito at pagtuklas ng kahulugan sa pakikiisa kay Kristo na nagdusa nang may walang hanggang pag-ibig. Si Kristo ay nananaog sa kinaroroonan ng mga yumao at naging malapit sa mga napunta duon, na nagpagbago ng karimlan sa liwanag. Ang pagdurusa at pasakit ay mapait pa din at mahirap batahin. Ngunit ang bituin ng pag-asa ay sumikat- ang angkla ng puso ay umabot sa trono ng Diyos. Sa halip na ang kasamaan ang lumabas sa tao- ang ilaw ng pagwawagi ang nagliliwanag. Ang Pagdurusa ay nagiging kanta ng papuri.


38. Ang tunay na sukatan ng pagkatao ay makikita sa relasyon sa pagdurusa at sa nagdurusa. Ang lipunan na ‘di makatanggap sa mga nagdurusang miembro at walang kakayanan na makiisa sa mga nagdurusa at dalin ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit ay di makatao at walang awang lipunan. Ngunit, ang lipunan ay ‘di makakatanggap ng mga nagdurusa at makakasuporta sa kanilang mga pagsubok hanggang ang bawat isa ay makakita ng kahulugan ng pagdurusa, ang daan ng paglilinis at paglago, ang paglalakbay ng pag-asa. Mayroon lamang pag-ibig kapag may masakit na paglimot sa sarili, dahil kung hindi, ito ay purong pagiging makasarili at humihinto ang pagiging pag-ibig.


39. Ang magdusa kasama ng iba at para sa iba; ang magdusa para sa katotohanan at para sa katarungan; ang magdusa para sa pag-ibig at para maging tao na tunay na nagmamahal—ito ang bumubuo sa pagkatao, at ang iwanan ito ay ang pagsira sa tao mismo. Pinakita ng Kristianong pananampalataya na ang katotohanan, katarungan at pag-ibig ay hindi lang mga idolohiya ngunit mabigat na realidad. Pinakita nito na ang Diyos - ang katotohanan at pag-ibig- ay nag nais na magdusa kasama natin. Sinabi ni Bernard of Clairvaux ang kasabihan na: Impassibilis est Deus, sed non incompassibilis 29—'di kayang magdusa ng Diyos pero maari Siyang magdusa kasama ng tao. Ang tao ay lubos na mahalaga para sa Diyos na naging tao Siya para magdusa Siya kasama ng tao sa totoong paraan—sa pamamagitan ng laman at dugo—tulad ng nangyari sa pasakit ni Hesus. Kaya sa lahat ng pagdurusa ng tao, tayo ay kasama ng dumadanas at kumakaya ng pasakit kasama natin; Ulitin natin: ang kakayanan na magdusa para sa katotohanan ay ang sukatan ng katauhan. Pero ang kakayahan na iyon ay nakasalalay sa uri at laki ng taglay nating pag-asa.


40. Mayroong uri ng debosyon na nag aalay ng maliliit na kahirapan na nadadanasan at nabibigay kahalagahan sa mga ito. Meron ding pagmamalabis sa ganitong debosyon pero kailangan natin tanungin ang kagandahan na makikita natin dito. Ano ang ibig sabihin ng pag-aalay? Ang mga gumagawa nito ay may paniniwala na maari nilang isama ang mga mumunting sakripisyo sa dakilang pagmamalasakit ni Kristo para kahit paano ay maging bahagi ng pagmamalasakit na kinakailangan ng sankatauhan.


III. Paghuhukom bilang paraan na matutuhan at magsanay sa pag-asa


41. Sa dulo ng huling bahagi ng pinaka sentrong bahagi ng kredo ng simbahan- sa bahagi ng pag-aalala sa misteryo ni Kristo, mula sa pagsisilang sa eternidad ni Hesus sa Kanyang Ama at ang pagkakasilang sa oras ng mundo kay Birheng Maria, sa pagdaan Niya sa Krus at pagkabuhay na muli hanggang sa pagdadating Niya muli—matatagpuan natin ang: “Siya ay babalik muli sa Luwalhati para hukuman ang mga nabubuhay at mga yumao”. Ang pananampalataya ay ‘di lang tumitingin sa nakaraan, o pataas, ngunit laging sa haharapin din sa oras ng katarungan na laging pinapahayag ng Panginoon.


43. Ang mga Kristiano ay dapat na patuloy na matuto sa mahigpit na pagbabawal sa mga imahen na nakapaloob sa unang utos ng Diyos (cf. Ex 20:4). Ang katotohanan ng negatibong teolohiya na binigyang diin ng ika-4 na Konsilyo ng Lateran, na nagsasabi na kahit malaki ang pagkakatulad ng Lumikha at nilikha, ang pagkakaiba ng dalawa ay lalong mas malaki pa din. Ang pagbabawal sa mga imahen ay ‘di maaring gawin sa paghantong sa, tulad ng nasabi nina Horkheimer at Adorno, pagsasabi ng “hindi” sa paniniwalang may Diyos at sa paniniwalang walang Diyos. Binigyan ng Diyos ang Kanyang sarili ng “imahen”: kay Kristo na nagkatawang tao. Sa Kanyang pagkakapako sa krus, ito ang pinakamabigat na pagtanggi sa huwad na imahen ng Diyos. Ibinunyag ngayon ng Diyos ang Kanyang tunay na mukha sa imahen ng taong nagdurusa na nakiisa sa taong tila napabayaan ng Diyos. Ang walang salang nagdurusa ay nakaatim ng kasiguraduhan ng pag-asa: mayroong Diyos, at makakalikha ang Diyos ng katarungan sa paraan na ‘di natin maiisip, ngunit may bahagyang pagkakaunawa tayo dito sa pamamagitan ng pananampalataya. Oo, may pagkabuhay muli ng katawan. May katarungan. May paggaling sa nakaraang mga pasakit, pagwawasto na nagbabalik sa tamang bagay. Sa kadahilanang ito, ang pananampalataya sa Huling Paghuhukom ay pag-asa. Ang ating mga pinakamimithi na ‘di natin makakamit sa buhay na ito, sa walang hanggang pag-ibig na ating hinihintay, ay totoong motibo natin para maniwala na ang tao ay nilikha para sa walang-hanggan;at kaugnay din nito , ang pagtuklas na imposilbe nating makamit ang ganap na katarungan sa mundong ito ay nagpapaalam sa atin ng kinakailangan ang pagbabalik muli ni Kristo at bagong buhay.


44. Ang magprotesta laban sa Diyos sa ngalan ng katarungan. Ang mundo na walang Diyos ay ang mundo na walang pag-asa. (cf. Eph 2:12). Tangingn ang Diyos lang ang makakalikha ng katarungan. At ang pananampalataya ang nagbibigay sa atin ng kasiguraduhan na ito ay ginagawa Niya. Ang Diyos ay katarungan at lumilikha ng katarungan. Ito ang ating konsuelo at ang pag-asa. Sa Kanyang katarungan ay may grasya. Ito ay nalalaman natin sa pagtingin kay Hesus na napako at nabuhay na muli. Kailangang Makita ang katarungan at grasya sa kanilang tamang relasyon. ‘di nawawala ang katarungan sa Grasya.



Sa talinhaga ng mayamang tao at si Lazaro (cf. Lk 16:19-31),nagbigay ng babala si Hesus sa imahen ng kaluluwa na nasira ng kayabangan at karangyaan, na lumikha ng di matatawiran na agwat sa gitna niya at ng mahirap na tao; ang agwat na kumukulong sa loob ng materyal na kasarapan, ang agwat ng paglimot sa ibang tao, ng kawalang kakayahan para magmahal na nagiging 'di napapawing pagkauhaw. Tandaan natin na si Hesus ay 'di tumutukoy sa huling hantungan matapos ang Huling Paghuhukom pero tumatalakay sa paniniwala ng mga sinaunang Hudaismo, na ang hahantungan agad ng tao sa gitna ng kamatayan at muling pagkabuhay, ang estado kung saan ay hindi pa nababanggit ang huling hatol.


45. Ang sinaunang mga ideyang Hudyo ng estado ng kaluluwa ay di lang nasa pansamantalang kalalagyan, sa halip, tulad ng nasa talinhaga ng mayamang tao, ay napaparusahan na kaagad at nakakakadanas na ng paunang kaligayahan. Mayroon ding pananaw na ang ganitong kalagayan ay may paglilinis at pagpapagaling na nagdadala sa pakikipag-isa ng kaluluwa sa Diyos. Kinuha ang mga konseptong ito ng Simbahan, at ang Kanlurang Simbahan ay luminang sa doktrina ng Purgatoryo.


46.Sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga –Corinto, pinakita ang magkaibang pagdanas ng paghuhukom ng Diyos ayon sa sitwasyon ng bawat tao. Sinabi niya ito sa paggamit ng mga imahen para maipahayag ang mga hindi nakikita para maunawaan natin ang mundo na higit pa sa kamatayan o hindi pa natin nararanasan. Nagsimula si Pablo sa pagsasabi na ang Kristianong pamumuhay ay itinatag sa iisang pundasyon: si Hesu-Cristo. Ang pundasyon na ito ay matibay . Kapag ito ang ating pundasyon, ito ay hindi makukuha sa atin kahit ng kamatayan. Nagpatuloy si Pablo: “Ngunit sa pagtatayo sa pundasyong ito, kung may gumagamit ng ginto, pilak, mga mamahaling bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan, ilalantad ang gawa ng bawat isa. Ituturo iyon ng araw ng Paghahatol sapagkat ihahayag ito. Ang apoy ang maglalantad at susubukin sa apoy ang uri ng gawa ng bawat isa. Kung mananatili ang gawa ng nagtayo, gagantimpalaan siya; kung matutupok naman ang gawa, siya ay mawawalan. Maliligtas nga siya pero gaya lamang ng nagdaan sa apoy” (1 Cor 3:12-15). Sa nasulat na ito, makikita natin na ang kaligtasan ay may iba’t ibang paraan, na ang iba sa mga nagawa natin ay maaring masunog, at para tayo ay maligtas, kinakailangan nating magdaan sa “apoy” para maging ganap na bukas na tumanggap sa Diyos at makibahagi sa mesa ng walang hanggang piging sa kasalan.


47. May mga teologo na nagsasabi na ang apoy na nakakasunog at nagliligtas ay mismong si Hesus, ang hukom at ang manliligtas. Ang lahat ng ‘di totoo ay naglalaho kapag kaharap Siya. Ang pagtatagpo kasama Siya, sa pagsunog sa atin, ay nagpapabago at nagpapalaya sa atin, humahaya sa ating maging kung sino talaga tayo. Sa masakit na pagtatagpo na iyon, kapag ang karumihan at sakit ay nakita na, naduon ang pagliligtas. Ang Kanyang tingin, ang paghipo ng ating mga puso ay nagpapagaling sa atin sa talagang masakit na pagbabago “na parang pagdaan sa apoy”. Pero ito ay masakita na biyaya, kung san ang banal na kapangyarihan ng pag-ibig ay tumatagos sa atin na parang apoy, na nagbibigay kakayahan na maging kung sino talaga tayo at maging para sa Diyos ng buong buo. Nagiging malinaw ang kaugnayan ng katarungan at grasya: may kahulugan ang ating buhay, ang mantsa ng ating pagkakasala ‘di panghabang panahon kung ayo ay nagpatuloy na umabot kay Kristo, sa pag-ibig at katotohanan. Hindi nasusukat ang tagal ng nakapagbabagong pagsunog sa ordinaryong oras ng mundo. Ang paghuhukom ng Diyos ay pag-asa, dahil ito ay katarungan at grasya. Kung ito ay grasya lamang, ang mga bagay a mundo ay mawawalan ng katuturan, at kakailanganin na sagutin ng Diyos ang tungkol sa katarungan. Kung ito ay katarungan lang, ito ay magdadala sa atin ng takot. Ang pagkakatawan tao ng Diyos kay Kristo ay talagang nag-uugnay sa katarungan at grasya- nagpupundar sa katarungan: tayo ay kumikilos para sa ating kaligtasan “with fear and trembling” (Phil 2:12). Ngunit ang grasya ay nagpapa-asa sa atin na magtiwala, at magpunta sa hukom na kilala natin bilang “tagapag-tanggol”, o katulong o parakletos (cf. 1 Jn 2:1).


48. May matatandanng paniniwala ang mga Hudyo na makakatulong tayo sa mga yumao sa kabilang sa kabilang buhay sa pamamagitan ng dasal (2 Macc 12:38-45; Unang Siglo BC). Ang kaparehong gawi ay ginawa din ng mga unang Kristiano at ginagawa ng kanluranin at silangang Iglesiya. Ang silangan ay 'di kumikilala sa paglilinis at sa pasakit na pagbabayad sa kabilang buhay, pero sila ay kumikilala sa magkakaibang estado ng pagiging mapalad at pasakit sa kabilang buhay. Ang mga kaluluwa ng mga yumao ay makakatanggap ng “saya at kapahingahan” sa pamamagitan ng Eukaristiya, dasal at pagbibigay sa mahihirap. Nagkakaroo: kung ang “Purgatoryo” ay paglilinis lamang sa apoy na bunga ng pagtatagpo kay Kristo, ang hukom at Manliligtas, paanong nakakaapekto ang iba kahit malapit pa siya sa taong yumao? Ang buhay ng iba ay bumubuhos sa buhay ng iba: sa ating naiisip , sa ating sinasabi, sa ating gagawin at sa ating nagagawa. At ang buhay natin ay bumubuhos sa ibang tao: para sa ikabubuti at ikasasama. Kaya ang akong dasal ay hindi hiwalay sa tao kahit sa kamatayan. Sa ganitong paraan, naliliwanag natin lalo ang bumubuo sa konsepton ng Kristianong pag-asa. Ang ating pag-asa ay laging pag-as din ng iba; at iyon lamang ang tunay na pag-asa. 40 Bilang mga Kristiano, 'di natin dapat natin nililimitahan ang ating sarili sa pagtatanong kung paano natin maililigtas ang ating sarili. Dapat din nating itanong: ano ang dapat kong gawin para maligtas ang iba at upang ang bituin ng pag-asa ay sumikat din? Duon ko lang magagawa ang lahat para sa akin ding personal na kaligtasan.


Maria, ang Bituin ng Pag-asa


49. Sinasabi ng kanta na gawa noong ika-8 o ika-9 na siglo, sa mahigit na isang libong taon, binabati ng simbahan , ang Ina ng Diyos, bilang “Bituin ng Karagatan”: Ave maris stella.Ang ating buhay ay paglalayag sa dagat ng kasaysayan, kadalasan ay sa madilim, paglalakbay na umaasa sa mga bituin na nagtuturo ng daan. Ang mga tunay na bituin ay ang mga tao na nabuhay ng banal. They are lights of hope. Si Hesus ang tunay na ilaw, ang araw na sumikat sa kadiliman ng kasaysayan. Ngunit para maabot natin Siya kailangan natin ang mga ilaw na malapit sa atin — mga tao na nagliliwanag para gabayan tayo sa ating dadaanan. Sino pa ang bituin sa atong buhay? Sa kanyang “oo” binuksan niya ang pintuan ng mundo sa Diyos; siya ay naging Kapan ng Tipan, kung saan nagkatawang tao ang Diyos, at naging kaiisa natin, at nainirahan kasama natin(cf. Jn 1:14).


50. Kaya tumatawag tayo sa kanya : Santa Maria , ikaw ay kabilang sa mga mapagkumbaba at dakilang mga kaluluwa ng Israel na , katulad ni Simeon , ay “naghihintay ng pagpapaginhawa ng Panginoon para sa Israel” (Lk 2:25) at umaasa, tulad ni Anna, “para matubos ang Jerusalem” (Lk 2:38). Sa ganitong pangyayari, pinapasalamatan namin ang banal na pagkatakot na nangibabaw sa iyo nang magpakita sa iyo ang anghel at nagsabi na ipapanganak mo ang Pag-asa ng Israel, Siya na hininya ng mundo. Sa pamamagitan mo, sa iyong “oo”, natupad ang pag-asa , pumasok sa mundong ito at sa kasaysayan.

Sumang-ayon ka sa kadakilaan ng tungkulin na ito at nagbigay ng iyonh pagpayag: “ako ang alipin ng Panginoon, maganap sa akin ayon sa wika mo” (Lk 1:38). Nang ikaw ay magmadali sa Judea taglay ang iyong banal na kaligayahan papunta sa iyong pinsan na si Elizabeth, ikaw ang naging imahen ng Iglesiya, na nagdadala ng pag-asa ng mundo sa kanyang sinapupunan patawid da mga bundok ng kasaysayan. Kasama ng kaligayahan nito, at ng iyong Magnificat, ipinahayag mo sa salita at kanta para madinig sa lahat ng siglo, alam mo din ang madalim na kasabihan ng mga propeta tungkol sa magdurusang tagapaglingkod ng Diyos sa mundo. Nasabi ng matandang Simeon ang tungkol sa punyal na tutusok sa iyong kaluluwa (cf. Lk 2:35), ang simbolo ng kabalintunaan na ang iyong Anak ay mapupunta sa mundo. Nang si Hesus ay nagsimula ng Kanyang pampublikong paglilingkod, kinailangan mong magbigay daan upang lumago ang bagong pamilya na may misyon na maitaguyod na bubuuin ng mga sumusunod sa iyong salita (cf. Lk 11:27f). Kasama ng pagdanas mo ng malaking kaligayahan sa umpisa ng paglilingkod ni Hesus, sa sinagoga ng Nazareth naranasan mo na ang katotohanan ng kontradikyson (cf. Lk4:28ff). Sa ganitong paraan lumalakas na kapangyarihan ng pagtatakwil kay Hesus hanggang sa oras ng Krus, nang tinignan mo ang Tagapagligtas ng mundo, ang hahalili kay David, ang Anak ng Diyos na namatay na parang sa kabiguan , kinukutya ng mga tao sa pagitan ng 2 kriminal. Pagkatapos natanggap mo ang salita ni Hesus: “Babae , iyan ang iyong anak!” (Jn 19:26). Sa krus natanggap mo ang iyong bagong misyon. Sa Krus ikaw ay naging ina sa bagong paraan: ang ina ng lahat ng naniniwala sa iyong Anak na si Hesus at may kagustuhan na sumunod sa Kanya. Ang punyal ng pighati ay tumagos sa iyong puso. Namatay ba ang pag-asa? Nawalan ba ang mundo ng liwanag, at buhay na walang katuturan? Sa oras na iyon sa iyong puso, nakinig ka muli sa salita na binigay sa iyo ng anghel sa pagsagot sa iyo ng anghel dahil sa iyong takot sa oras na iyon : “huwag kang matakot Maria!” (Lk 1:30). Ilang beses na ba nasabi ng Panginoon, ang iyong Anak, ay nagsabi din ng kaparehong bagay: huwag kayong matakot! Sa iyong puso nadinig mo ang salita na iyon noong gabi sa Golgotha. Bago ang gabi ng pagtataksil sinabi Niya sa Kanyang mga alagad : “lakasan ninyo ang loob, napagtagumpayan ko ang mundo.” (Jn 16:33). “Huwag mabagabag ang inyong mga puso” (Jn 14:27). “huwag kang matakot Maria!” Sa oras na iyon sa Nazareth sinabi din sa iyo ng anghel: “wlang katapusan ang Kanyang paghahari” (Lk 1:33). Natapos na nga ba bago pa ang simula? Hindi , sa paanan ng krus, sa lakas ng salita ni Hesus, ikaw ang naging ina ng mga mananampalataya. Ang pananampalatayang ito, kahit sa kadiliman ng sabado de gloria dala ang kasiguraduhan ng pag-asa, ikaw ay dumaan hanggang sa umaga ng Pasko ng pagkabuhay. Santa Maria, Ina ng Diyos, turuan mo kaming maniwala, umasa at mahalin ka. Ipakita mo ang daan sa Kaharian! Bituin sa karagatan, magbigay liwanag ka sa amin at gabayan mo kami sa aming daan.

Given in Rome, at Saint Peter's, on 30 November, the Feast of Saint Andrew the Apostle, in the year 2007, the third of my Pontificate.

Friday, August 14, 2009

Maria, Ina ng Diyos: Feast of the Assumption



Bakit nga ba natin pinapahalagahan si Maria sa Iglesiya Katolika? Siguro ay napapansin lang ng marami sa atin na tila kakaunti lang nasusulat kay Maria sa mga Ebanghelyo. Tila din na higit na mahirap na makabasa na patungkol kay Maria sa Lumang Tipan ayon sa mga ibang mga tao. Magandang mabuksan natin ang mga isip ng ating mga kapatid na ang mga tao, imahen, bagay at pangyayari sa Lumang Tipan ay mga anino ng mga realidad sa Bagong Tipan. At dahil dito, marapat lamang na maisulat natin ang artikulo na ito tungkol sa pagiging katuparan ni Maria bilang Kaban ng Tipan o sa Ingles, "Ark of the Covenant."

Maria sa Bagong Tipan: "Hail, Full of Grace!"

Gaano nga ba kahalaga sa atin si Inang Maria? Saan makikita sa Banal na Kasulatan ang kanyang kahalagahan? Sa Lucas 1:28, mababasa ang ganito, "Pumasok ang angehel at sinabi sa kanya: matuwa ka , O puspos ng grasya. sumasaiyo ang Panginoon". Bakit tinawag ng anghel si Maria bilang "Puspos ng Grasya " o "Full of Grace"? Malalaman natin ang plano ng Diyos para sa kanya sa pagninilay natin sa pagbati sa kanya ng anghel.

Ang salitang "puspos ng grasya "ay salin mula sa salitang Griego na "kecharitomene". na nagsasabi ng katangian ni Maria. Ayon sa Catholic.com, "The grace given to Mary is at once permanent and of a unique kind. Kecharitomene is a perfect passive participle of charitoo, meaning "to fill or endow with grace." Since this term is in the perfect tense, it indicates that Mary was graced in the past but with continuing effects in the present....In fact, Catholics hold, it extended over the whole of her life, from conception onward. She was in a state of sanctifying grace from the first moment of her existence."

Ang mga kataga na nabanggit ay nagsasabi na siya ay matagal nang puno ng grasya at nananatiling puno ng grasya. Higit pa dito, siya ay puno na ng grasya at walang kasalanan mula pa nang siya ay ipaglihi,

Sa Lumang Tipan, Maria ang Kaban ng Pakikipagtipan

May makikita ba tayo sa Lumang Tipan tungkol sa gagampanang tungkulin ni Inang Maria bilang Ina ng Diyos? Marahil ay inyo nang napakinggan ang isa sa mga titulo ni Maria bilang "Ark of the Covenant" o Kaban ng Tipan. Makakatulong na maunawaan natin ang kahulugan ng dasal na ito sa pagliliwanag ng mga nasusulat kay Maria sa Lumang Tipan. Ano nga ba ang Kaban ng Tipan? Bakit natin isinasama ang Kabang ng Tipan sa ating dasal? Ano ang kaugnayan ng Kaban ng Tipan kay Inang Maria?

Ang Kaban ng Tipan ay naglalaman ng utos ng Panginoon, ng tinapay na nagmula sa langit o mana at ng tungkod ni Aaron bilang punong saserdote. Napakahalaga ng Kaban na ito para sa mga Israelita. Sa katunayan, ibinigay pa nga ng Panginoon ang mga utos kung papaano gagawin ang Kaban na ito (Exodo 25:10-21). Makikita natin, tangan-tangan nila ito nang paikot sa Lungsod ng Jericho hanggang gumuho ang muog ng lunsod matapos na gawin nila ang iniutos ng Diyos

Sa paglalakbay ng mga Israelita sa disyerto, kasama nila ang Kaban ng Tipan. Tuwing bubuhatin nila ang kaban, magsasabi sila nang "Tumindig ka, Yawe, at pangalatin ang iyong mga kaaway; magsitakas nawa sa harap mo ang mga namumuhi sa iyo" at sa pagbababa nito, "Bumalik ka, Yawe, sa di mabilang na libu-libo ng Israel" (Bilang 10:33-36). Makikita din natin na ang Kaban ay pinanggagalingan ng pagpapala tulad ng mababasa sa 2 Sam 6:11. Kasama nila ito sa kanilang pakikidigma.

Ano ang nangyari sa kaban? Mababasa natin ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa 2 Mac 2:5-8. Itinago ni Jeremiah ang Kaban sa isang kuweba . May mga sumunod sa kanya ngunit hindi pa din nila nakita kung saan niya ito itinago. Nakasaad sa Banal na Kasulatan ang ganito: "Nagbalik ang ibang sumama sa kan­ya para lagyan ng tanda ang daan, ngu­nit di na nila natagpuan iyon. Nabalitaan ito ni Jeremias at sinumbatan sila nito at sinabi: 'Mananatiling sikreto ang pook na ito hangga’t di na­aawa ang Diyos sa watak-watak niyang bayan at tipunin sila. At muling ibubun­yag ng Panginoon ang mga bagay na ito at makikita kasama ng ulap ang kanyang Luwalhati, kung paano ito na­kita sa kapa­nahunan ni Moises at nang hilingin ni Solomon sa Diyos na punta­han at paka­banalin ang kanyang Bahay.'” Sinasabi na ang pangyayari na ito ay naganap noong 587 B.C.

"Ang Luma ay naibunyag sa Bago. Ang Bago ay nakatago sa Luma"-San Agustin

Pinaalala natin kanina na ang mga tao, bagay at pangyayari na nakasulat sa Lumang Tipan ay mga anino ng mga magaganap sa Bagong Tipan. Lalo nating mauunawaan ang Bagong Tipan sa pag-aaral ng mga pagkakahanay ng mga nilalaman nito sa Lumang Tipan. Sa ating mga pagbasa tuwing Linggo, at madalas sa mga Kapistahan ng Simbahan, kapansin-pansin ang kaugnayan ng Unang Pagbasa sa Lumang Tipan at sa babasahing Ebanghelyo. Gayundin naman, masasaksihan natin ang kahalagahan ni Inang Maria para sa atin at kung ano ang plano ng Diyos para sa kanya sa ating pag-aaral ng kabuang mensahe ng Salita ng Diyos.

Sa libro ng Pahayag o Revelation, makikita natin na may sinasabi tungkol sa Kaban ng Tipan. Mababasa sa Rev 11:19 ang "Nabuksan ang templo ng Diyos sa kalangitan at nakita ang Kaban ng kanyang Tipan sa loob ng kanyang templo. At saka may kidlat, ugong at kulog may lindol din at umuulan ng mga batong yelo." Ang talatang ito ang huling bahagi ng ika-11 na kabanata. Kung itutuloy natin ang pagbasa, ang talata ay sinundan sa Rev 12:1 "May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin." Kung titignan natin ang kaugnayan ng mga magkadugtong na mga talata, maliliwanagan na ang mensahe nila ay iisa. Samakatuwid, ang pagbasa ng iisang mensahe ng Rev11:19-12:2, ay nagsasaad ng kung nasaan ang Kaban ng Tipan.

Matapos ng mga 6 na siglo mula ng maitago ni Jeremias ang Kaban, sinabi ni Juan na nakita muli ito. Ang Kaban ay ang Babaeng nadaramtan ng araw, ang ating Ina na si Maria! Nang isulat ni Juan ang Libro ng Pagbubunyag, hindi ito nahahati sa mga Kabanata at sa ganitong paraan ng pagbasa, madali nating makikita ang kaugnayan ng nasusulat sa Rev 11:19 sa sumusunod na verses sa 12:1: "Nabuksan ang templo ng Diyos sa kalangitan at nakita ang Kaban ng kanyang Tipan sa loob ng kanyang templo. At saka may kidlat, ugong at kulog may lindol din at umuulan ng mga batong yelo... May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin"

Inang Maria , ang Bagong Kaban ng Tipan!

Masasaksihan natin ang kaugnayan ni Maria sa Kaban ng Tipan sa pagbasa ng Ebanghelyo ni San Lucas. Mayroong mga salita na ginamit ang Ebanghelista na tunay na makakatawag pansin sa bawat Israelita na makakabasa ng sinulat niya. Ang mga ito ay magpapaalala ng tungkol sa Kaban. Halimbawa, isinulat ni San Lucas ang ganito: "Nang mga araw na iyo'y nagmamadaling naglakbay [arose and went] si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda" (Lucas 1:39). Sa Lumang Tipan, mababasa sa 2 Sam 6:2 ang: "Siya[David] at lahat ng kasama niya pa-Baala ng Juda ay lumakad [arose and went] para dalhin mula roon ang Kaban ng Diyos...". Mababasa din ang sinulat ni San Lucas sa Lucas 1:43: "Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon?". Magkatulad ding mga salita ang nabanggit ni David nang makita niya ang Kaban:"Natakot si David kay Yawe nang araw na iyon at sinabi: 'Paano makararating sa aking ang Kaban niYawe?'" (David feared the LORD that day and said, "How can the ark of the LORD come to me?") (2 sam 6:9). Kung mababasa na sumayaw (leapt for joy) si David sa harap ng kaban(2 Sam 6:14.16), sumikad naman sa tuwa (leapt for joy) sa sinapupunan ni Elizabeth si San Juan Bautista(Lucas 1:44). Kung nanatili sa bahay ni Obed-Edom ang Kaban at pinanggalingan ito ng pagpapala(2 sam 6:11), gayon din naman na si Inang Maria ay nanatili nang kasama ni Elizabeth ng Tatlong buwan(Lucas 1:56).

Sa mga talatang nabanggit, 'di maitatanggi na nais iparating ni San Lucas na si Maria ang Bagong Kaban ng Bagong Tipan. Kapansin-pansin na sa unang kabanata ng Lucas, nagbigay na ng maraming palatandaan si San Lucas upang matiyak na maging malinaw ang gagampanan ni Maria sa Bagong Tipan ng Diyos.

Naglaman ang Kaban ng tatlong bagay: ang Sampung utos, tinapay na manna, at ang tungkod ni Aaron na simbolo ng kaparian. Sa Bagong Tipan, na ating panahon ngayon, may pagkakahanay din na nangyari. Sa kanyang sinapupunanan, nanduon ang pinagagalingan ng Batas ng Grasya at Katotohanan, ang mismong Tinapay ng buhay , at tanging Punong-pari ng Bagong Tipan.



mga pinagkuhanan:
catholic.com
scripturecatholic.com
Hail Holy Queen by Scott Hahn

Saturday, August 8, 2009

Importance of the Church's Social Doctrines

It is necessary to remind ourselves that we are in a war. Perhaps, the Old Testament has told lot of stories about battles to engrave in our mind of what has been happening from the beginning of man's struggle with sin.

Also, it is greatly beneficial for us to read what the saints and the Magisterium have written for they have mapped out for us tested spiritual battle plans that we can gradually incorporate in our daily lives.

To have the mind of Christ in dealing with social matters straightens our ways and strips us of unchristian social ways regardless of its cultural origin. At the same time, it also reinforces us in using systems that we Filipinos have been using and what can also be learned from other countries. Acknowledgement of every man's equal dignity, as always emphasized by our Catholic social doctrines, is a crucial factor that prevents us from believing of one race's superiority over the others, and it promotes the treasuring of what our identity is as Filipinos.

Man's need for Christ's message should always stir us to communicate to others what we have learned. I consider myself blessed to be able to find groups who have dedicated themselves in sharing and learning God's Word. First, it makes spreading the message and learning easier knowing that we participate to hear from each other. Secondly, it gives us hope knowing that we are not alone in pursuing our goals. It is because of these reasons that we should encourage ourselves, to participate in bible study groups and to join Catholic Internet eGroups. For the learnings we have acquired and our active sharing will inspire each other to delve deeper in social consciousness.

May the Lord bless you for sharing the Gospel to others!

Your brother in Christ,
eric

Monday, August 3, 2009

Farewell Cory Aquino

Hello groupmates!

Salamat brod Prinz sa sharing mo!

Let us pray for Mrs. Corazon Aquino's soul. She had sacrificed much for our country. She was a leader who constantly sought to help Filipinos even after her term as a president. May our current and future leaders look up to her Christian example.

When I was a kid, I already had a great admiration for her and Ninoy's contributions to our country What made them very special was her humble way of doing it. It has been told that she never dreamt of becoming a president. Surely, she had recognized that her humble 'yes' to run for presidency meant her submission to God's plan for the sake of our nation's liberation from dictatorship. As Mary's own Fiat iniatiated her participation in the Suffering Servant's role, so also did Mrs. Aquino's acceptance of her role, to challenge Marcos' dictatorial regime and to lead a newly re-democratized country, laid on her shoulder the responsibility that her husband had earlier assumed. It was the responsibility of being in the forefront of the Filipino's battle for freedom from tyrants and corrupt leaders. Probably she had asked herself if she could be as effective as her Ninoy. But things continued to unfold. Her simple 'yes' had paved the way for our Lady's action that culminated in the Edsa People Power, thus restoring the Philippines' democratic government.

What had been the driving force for our President to accomplish such amazing feat was not difficult to find out. In years, Cory had frequently been seen in prayer rallies. In these activities we have witnessed how deep her prayer life was and where she was able to draw her strength from.

Even after her presidency, she still involved herself in national matters by being a model for the ordinary citizens. She was active as a member of non-government organizations. She had lived a normal life and had never aspired to regain political powers again, yet it was deeply integrated with her Catholic Faith. She is known as a Marian, someone who has a great devotion to our Mother Mary. And, as I have heard from Radio Veritas, even in sickness, she continually asked people to pray for the Filipinos. When she died, it was said that it was on the Hour of Great Mercy at 3 o'clock.

May her memories continue to live on in our hearts. May she continue to inspire us to do the same for others and to live a life rooted in our Catholic Faith.

I pray to the Lord that the Eternal Light will shine upon you Mrs. Corazon Aquino!

Eric

Friday, July 31, 2009

San Ignacio at ang Spiritual Exercise

http://is.gd/1UZGs

Hello groupmates!

Maligayang kapistahan ni San Ignacio de Loyola, ang isa sa pinaka paborito kong santo simula nang matapos kong ma-experience  ang kanyang Spiritual Exercise.

Malaking tulong ang mga naikuwento ng pari na mga karanasan sa Ignatian Spiritual Exercise, lalo na at sinasabing nalalaman ng karamihan ng mga tao na sumasailalim ng Spiritual Exericise ang kalooban at tawag ng Diyos sa kanila. Pati sina Sr. Myrna at Sr. Gemma ay gumagawa nito, bilang bahagi ng kanilang RMI Spirituality. Salamat din kay Sr Myrna sa pagrerekomenda niya na sumali ako sa ganito.

Tamang tama ito para sa tulad ko na nanghihingi ng tulong para alamin kung saan tayo nais manilbihan ng Panginoon para sa Kanyang lalong ikaluluwalhati: "For the Greater Glory of God!".

At kayo din ay iniimbitahan ko na gumagawa ng ganitong hakbang para malaman ang kaloooban ng Panginoon at lagi itong masunod!

Ang Espiritual Exercise ay may pagkakatulad sa Pag-rorosario kung saan ginagamit din ang ating kalooban at imahinasyon upang makapagnilay. Magninilay ang  lahat sa bawat hakbang habang lalong lumalalim ang retreat. Sa mga pagninilay na ito, manunumbalik sa atin ang tunay na kahulugan ng buhay, ang mga bagay na tunay nating dapat bigyan ng pansin, ang tunay na epekto ng kasalanan , ang pagmamahal ng Diyos,  at para matulungan tayo na gumawa ng nararapat na desisyon.

Ang napuntahan kong Ignatian Retreat ay isang Silent Retreat, kaya hanggang maari ay walang nakapagsasalita. Dito sa amin, kasama na sa programa ang pagkain at ang sariling kuwarto para mabawasan ang mga intindihin at para makapagsarili. May katabing kapilya din kami kung saan ay araw-araw kaming nagsisimba. Malaking tulong para sa amin ito at nagbigyan kami ng pagkakataon na magnilay sa  harap ng Exposed Blessed Sacrament. Dagdag pa sa biyayang ito ay ang pagdadasal para sa amin ng mga mongha ng Santa Clara.

Ang mga paksa sa Ignatian Exercise ay hinahati sa mga puntos para magawa ang pagninilay.  Bago simulan ang bawat pagninilay, magsasalita ang pari. Ang Retreat ay karaniwang ginagawa sa loob ng 30 na araw,  ngunit madalas din itong gawin nang 4 na araw.

Alam ko na medyo mahal ang ganitong Retreat sa Pilpinas, (mga $295 dito, at sabi ni Ate Dwen ay mga P6000 sa Maynila.). May mga libro naman din para sa mga di makakayanang makapunta o makabayad sa retreat at may mga website din (http://ivespiritualexercises.org) at ang bigay ni sr. Karen na http://jesuits.ph/retreat.htm ). Sa EWTN Audio Archive, mayroong serye na binubuo ng 13 tig-30 mins na programa na tutulong sa gustong sumailalim sa pagninilay. Kailangan lang ay ang gabay ng  Spiritual Director para sa pagbibigay ng mga linaw sa mga puntos.

 Sa kaso  ko, may nakatawag pansin sa akin sa nabasa ko na pamphlet na nagsasabi ng kahalagahan nito. Sinabi dito na mahalagang gumawa ng hakbang upang malaman ang kalooban  ng Panginoon. Posible kasi na 'di malaman ang kalooban ng Poon kahit palagi tayong nagsisimba o nagdadasal. Kinakailangan ang makapanghingi ng tulong sa simbahan upang malaman kung saan tayo lalong makakapag bigay ng luwalhati kay Hesus. Kailangan ang grasya ng Iglesiya sa paraan na ito. Isa na itong Spiritual Exericise na talagang inirerekomenda bilang hakbang na makakatulong upang malaman ang kalooban ng Diyos para sa atin.

 Ang retreat na ito ay isang proseso ng 'discernment' para sa mga bagay-bagay sa buhay na dapat pagdesisyunan at para manghingi ng kalinawan sa maraming bagay. Sa karanasan na ito, para sa akin, nabibigyan ng diin ang mga dapat masagot at seryosohin sa buhay. Totoong nakapagbibigay liwanag ang mga mensahe na nakapaloob dito sa paghanap sa ating bokasyon.

Marami ang mga paraan upang tayo ay makapagbibigay ng luwalhati sa Diyos, ngunit higit natin Siyang mabibigyan ng luwalhati sa paraan na inihanda Niya, ito nga mismo ang ating bokasyon. Alamin natin ang kalooban Niya! Hindi kasalanan ang hindi natin pagpili sa ating bokasyon ngunit tandaan natin na lalo natin Siyang maluwalahati sa pagtugon dito!

http://is.gd/1V0as
Nakapaloob sa Retreat ang mga puntos na tumatak sa akin. Mula sa kanyang karanasan bilang sundalo, nakilala ni San Ignacio de Loyola na ang mundo ay nasa mas malaking digmaan: ang pagtutuos sa panig ni Kristo at ng panig ng demonyo. Nasabi din ni San Ignacio de Loyola ang tungkol sa pagiging mapagkumbaba. Ang pinakamataas na uri nito ay ang paglalaman ng 1)pagkasuklam kahit anong kasalanan 2) kagustuhan na maging mas katulad ni Kristo sa pamamagitan ng pagpili sa kahirapan kasama ni Kristo kaysa sa kayamanan 3) mas pagpili na ma-insulto kasama ni Kristo kaysa magtamasa ng karangalan 4) mas pagpili na maituring na walang kuwenta at hibang para kay Kristo sa halip na maituring na mautak o matalino sa makamundong batayan ng maraming tao.

Mabuhay sana si Kristo sa atin! San Ignacio de Loyola, ipanalangin mo kami

your groupmate,
eric

Monday, July 27, 2009

Harry Potter, Dan Brown and Forrest Gump

"You will be as gods knowing good and evil"- serpent, Gen 3:5

There are no movie spoilers here, just cautioning those who are thinking of watching the movie.

What was the serpent referring to? Our first parents, Adam and Eve, were already able to know the difference between good and evil as it
had been exemplified by fact that they knew that eating the forbidden fruit will violate God's will. Did the tempter deceivingly offer something that is more attractive than their natural abilities? Or was the tempter deceiving them into obtaining something that is not really obtainable?

Imagination is one of the primary tools for us to see what can possibly happen based on the circumstances that we are in and with the introduction of some more imaginary elements. They can also be tools to create something that can fascinate and entertain us as what literary writers do when they write fictional stories. Imagination can also create illusions that may, in different degree, detach many people from facts and reality. A good fiction seeks to entertain people and cause them to temporarily detach himself from reality just for them to appreciate and have a deeper understanding of the story. Don't we get carried away when Santino talks to 'Bro' about his problems in the soap "May Bukas Pa"? Or do we feel grabbing Agot's by the hair everytime she succeeds in her evil plan in "Tayong Dalawa"? On the other hand, a fictional story can bring danger if it is able to detach a person from reality to the extent of making him reject facts in exchange for the imaginary things that the story has told. A lot of contemporary movies have done this. These types of movies contain illusions that we can create our own world wherein we can separate actions or objects from what they are related to in the real world.

Dan Brown has been successful in using fiction in this wrong way. Sadly, many people who have watched and will be watching the movies "Da Vinci Code" and "Angels and Demons" will have the inclination of believing the lies in it, or let themselves be led in creating questions and doubts of similar bogus nature.

Dan Brown' story incorporates historical facts but intentionally twists them leaving people to question if his claims really happened. There is an intentional twisting of reality by distorting other people's reputation and relations just to make his story interesting. What makes matter worse was Dan's own confirmation of his message when asked whether things implied by his book really happened even if he had ealier said that they were only fiction.

Why shouldn't we have the same contempt for "Forrest Gump" which also uses and modifies bits of history ? "Da Vinci Code" implies that the fabricated story has always been covered by the realilty that we know. The movie's suggestions are backed up by using other unrelated historical facts which confirms that the author's intention is to make people believe the movies fallacious claims. To clarify the point that Dan Brown's style of fiction should be categorized differently from the others, we will compare Forrest Gump and "Da Vinci Code". In Forrest Gump, the movie had made it obvious that the movie just playfully weaved historical events to tell a fictional story. Forrest Gump's comedic genre is also a big hint for the movie watchers. If the movie ever portrayed something different from what had historically happened, there'll be enough hints to remind people not to question facts. If there are caricature changes made, it was careful enough to preserve the image and reputation of the people involved and not to overly portray something different to the point of imposing itself as the truth. "Da Vinci Code" had used real people's and organizations' names and had given them characterization that is unrelated, and worse, opposite to the real identity of those people who are commonly associated with names used.

If Dan Brown sprinkles bits of history connected by greatly untruthful storylines, Harry creates a dangerous illusion in a different way.

In a world of imagination, Harry involves magic, spells, and witchcraft and unconnects them from its source and its ends in our real world. We can read more of this in (http://www.ewtn.com/expert/answers/harry_potter.htm) . In the movie, it uses a craft that truly exist in reality, but separates it from the strong relations it has with evil powers.

In his book "An exorcist tells his story", Fr Amorth, Chief Exorcist of Rome, testifies that these crafts have diabolocal influence and source that has led to multiple cases of evil effects for those have practiced it. The strongest confirmation that we have about the dangers of witchcraft can be read in the bible wherein the Lord has forbidden such ways to be used. "Let no one be found among you who sacrifices his son or daughter in the fire, who practices divination or sorcery, interprets omens, engages in witchcraft, or casts spells, or who is a medium or spiritist or who consults the dead" Lev 18:10. These warnings are repeated in different parts of the Bible, Old Testament and New Testament, to protect us from saying that this can no longer be true for our times.

With Harry Potter's box office success, it has created a danger of attracting people into the craft that can hardly be, if not impossible, isolated from evil consequences and sources. This has manifested with the proliferation of books related to Witchcrafts.

This makes clear why Christian groups are against games like Magic card game and Dungeons and Dragon where people can playfully involve themselves in this dark art. And these influences can be confirmed by news saying that there are people who have played this game who experienced demonic possesions. People have believed that these games are harmless for there is an unseen connection to evil. What it really does is it has desensitized us to accept the craft without fear. By forgetting what the witchcrafts really entail, we are easy lured to it by the supernatural ability that a practioner can muster, like a mouse fixing its eyes on a cheese set in a trap. In this case, we are seduced into the ultimate enemies trap.

In our everyday life, people also try to create their own reality by choosing sinful acts and at the same time rejecting and ignoring the effects of their acts.

There is a rejection of reality and the of the Lord who made our reality. Can we live independent of God and his laws? We have our natural ways of foreseeing the long ranging consequences of our actions and with the help of Christian revelation, we are made aware of the immediate spiritual effects of our actions. To attempt to force ourselves in believing that we can create our own laws is to reject the reality that it is in God that we find the purpose and meaning of our life. All goodness, including our existence, come from Him. To imagine that we can come up with a better world that is not subject to God's law and will is to deceive oneself to believe that, as the serpent's temptation was, we can redefine what is good and what is evil.

May we always remind ourselves that everything that is good must have the Lord as its source.

Your groupmate,
Eric

Thursday, July 23, 2009

Ice Age 3 and the Christian Family. Take 2

To those who haven't seen the Ice Age 3 movie yet, I'm letting you know that this post contains spoilers

Hello groupmates! Sorry, something went wrong when I sent my post. Just sharing my reflection on the movie Ice Age 3.

The Mammoth couple, Manny and Ellie, are going to have a baby. Manny couldn't wait for the baby to be born that he was constantly doing his preparation for its coming.

Later on, a number of issues were presented in the story. Diego, the sabretooth decided that he had to go because, apparently, living a family life diminished his natural skills as a predator. Manny got disappointed at Diego because of this belief. Sid, feeling that he was being left out, decided to find a family for himself.

On Sid's quest for a new family, Sid found dinosaur eggs which he took and treated as his own babies. When Manny found out about the eggs, he told Sid it will not be good to keep them and asked him to take them back. The story went on until they later realized that it was already too late for the eggs to be taken back. The mother of the eggs already arrived and was furiously searching for her lost eggs.

In her search for the lost eggs, she destroyed everything that got on her way including what Manny had prepared for his soon-to-be-born baby. When she saw three baby dinosaurs who were with Sid, she recognized that they were her own babies. She took the babies and unknowingly also took Sid together with them.

Early at this point of the movie, it showed that the emphasis of the movie is about the value of family. Even when eggs weren't hatched yet and even when the baby mammoth wasn't born yet, the parents were already protecting them. There is a joyous anticipation of their unborn's birth and of the hatching of the unhatched egg embryos. It also gave different perspective about having their own family.

Ice Age 3 taught how to value friendship. When Sid got taken, Manny, Ellie and the rest of the herd tried to save Sid. They were willing to go through all the dangers even when Ellie, the lady mammoth, is about to give birth anytime soon.

It also demonstrated what it means to be a part of a family. Nowadays, some people think that family life slows them down, as Diego the Sabretoth thought. People sometimes avoid this life because of their desire to easily prosper in their respective careers without loosing focus caused by concern for other people. Yes, self-sacrifice is an integral part of family life, but furthermore, it is in it that we also find the purpose of our existence.

Our gifts and talents are meant for helping other people. Our purpose in this planet is not just to live for ourselves, but to glorify the Lord by serving Him and our neighbors.

In Pope Benedict XVI's Encyclical "Spe Salvi", it is highlighted that every Christian's role is to save oneself and to save others. One's process of salvation cannot be separated from the necessity to contribute in other people's salvation. That is why, when referring to Jesus' commandment, it is written that the 'one' commandment that overarches every thing is the love of God and the love of neighbors. We strive to achieve true happiness which is not limited for ourselves alone. It is the happiness that is in Christ which unites us to the whole Church.

When we have our own family, one of the parent's responsibity is the family's protection and support . And as what the herd has shown, they as a family were united to help rescue their friend Sid. Our unity moves us to help to our brothers and sisters who are materially and spiritually in need. Even those members of the Church family who have died, who have gone to heaven or purgatory, are very much part of that Church's unity, constantly praying for our truimph in this earthly journey.

In the middle of the story, while searching for Sid, the herd stumbled upon Buck who had developed great survival skills against a creature that many have dreaded. It was a great blessing when Buck offered the herd his much needed help. Buck's purpose is to protect other animals from Rudy. He was so sure he wanted to stay and keep fighting Rudy to the point that he destroyed the bridge to the outside world that is free from Rudy's terror. He finds meaning in fighting and controlling Rudy. For us, we also try to discern God's call for us which leads us also to find our own happiness. As Bo Sanchez have said, God calls us to a role where we have our happiness, talent and passion. The presence of these elements are the indicators where we'll find our vocation in life, where God's plan for us is.

Buck displayed a selfless act helping Manny and friends look for Sid. He knows that the search and rescue operation is dangerous, but he still helped them. He doesn't have in mind anything in exchange for it. He just wanted to help them avoid the dangers that he had been before. For Christians, we are called to help other people. We are called to have compassion for our neighbors who are in need. We should be sensitive to the situation of the needy in order for us to respond with charity. In consoling others, we make our presence felt and let the needy know that we haven't forgotten them. Buck is also a symbol of Christ. As Buck has encountered the danger of facing Rudy, even to the point of being almost eaten by him, Christ has experienced human suffering and death. Just as Rudy truimphed over Rudy, so also Christ also truimph over suffering and death, moreover destroying the slavery of sin. He is able to console us on all stages of our life when he has lived a human lif. In His sanctifying of human life and human works, Jesus makes it possible for God to dwell in us and to wak with us.

While Manny and friends struggle in a rescue mission, things begin to look brighter between Sid and the dinosaurs. The relation of the newly hatched baby dinosaurs with Sid had developed and the mother dinosaur realized that her babies had grown to recognize Sid as their parent. Sid tried to raise the babies up to eat different food but their natural food preference still became dominant . Naturally, the mother dinosaur was able to determine what the babies wanted. It just goes to show that mommies know best. As the natural desires of the baby dinosaurs manifest who they really are, our thirst for God reveals what the meaning of our life is:"our souls are restless until they rest in you".

In the end, everyone was so happy to welcome the newest member of the family, Manny's new baby. It is every marriage's goal to be open to life by participating in procreation. In fact, for true marriage to happen, the couple must have the intention of having their own kids. The Church's openess to life and family goes hand in hand with her recognition of man's invaluable dignity created in God's image. Scott Hahn's citation of one of JPII's reflection gives light on why we value family this much. JPII acknowledges that God in his essence is not in solitude, His very essence is being a family which we humans reflect. Manny's actions brings to our attention the many issues that involves the unborn. The baby elephant and the eggs, although yet unborn or hatched are treated by Manny and Sid as how born children are treated. Far much more respect is called for an unborn human being whose dignity is innate from the moment of conception. The respect for thus human dignity moves the Church to go against actions such as abortion (man's dignity is inherent from conception), and in vitro fertilization (process to artificially fertilize egg then many 'fertilized eggs'/babies are discarded after choosing one from them)


St. Joseph, please protect the family of Christ, the Church.

Your groupmate,
Eric