Sumali Sa Talakayan

Friday, July 31, 2009

San Ignacio at ang Spiritual Exercise

http://is.gd/1UZGs

Hello groupmates!

Maligayang kapistahan ni San Ignacio de Loyola, ang isa sa pinaka paborito kong santo simula nang matapos kong ma-experience  ang kanyang Spiritual Exercise.

Malaking tulong ang mga naikuwento ng pari na mga karanasan sa Ignatian Spiritual Exercise, lalo na at sinasabing nalalaman ng karamihan ng mga tao na sumasailalim ng Spiritual Exericise ang kalooban at tawag ng Diyos sa kanila. Pati sina Sr. Myrna at Sr. Gemma ay gumagawa nito, bilang bahagi ng kanilang RMI Spirituality. Salamat din kay Sr Myrna sa pagrerekomenda niya na sumali ako sa ganito.

Tamang tama ito para sa tulad ko na nanghihingi ng tulong para alamin kung saan tayo nais manilbihan ng Panginoon para sa Kanyang lalong ikaluluwalhati: "For the Greater Glory of God!".

At kayo din ay iniimbitahan ko na gumagawa ng ganitong hakbang para malaman ang kaloooban ng Panginoon at lagi itong masunod!

Ang Espiritual Exercise ay may pagkakatulad sa Pag-rorosario kung saan ginagamit din ang ating kalooban at imahinasyon upang makapagnilay. Magninilay ang  lahat sa bawat hakbang habang lalong lumalalim ang retreat. Sa mga pagninilay na ito, manunumbalik sa atin ang tunay na kahulugan ng buhay, ang mga bagay na tunay nating dapat bigyan ng pansin, ang tunay na epekto ng kasalanan , ang pagmamahal ng Diyos,  at para matulungan tayo na gumawa ng nararapat na desisyon.

Ang napuntahan kong Ignatian Retreat ay isang Silent Retreat, kaya hanggang maari ay walang nakapagsasalita. Dito sa amin, kasama na sa programa ang pagkain at ang sariling kuwarto para mabawasan ang mga intindihin at para makapagsarili. May katabing kapilya din kami kung saan ay araw-araw kaming nagsisimba. Malaking tulong para sa amin ito at nagbigyan kami ng pagkakataon na magnilay sa  harap ng Exposed Blessed Sacrament. Dagdag pa sa biyayang ito ay ang pagdadasal para sa amin ng mga mongha ng Santa Clara.

Ang mga paksa sa Ignatian Exercise ay hinahati sa mga puntos para magawa ang pagninilay.  Bago simulan ang bawat pagninilay, magsasalita ang pari. Ang Retreat ay karaniwang ginagawa sa loob ng 30 na araw,  ngunit madalas din itong gawin nang 4 na araw.

Alam ko na medyo mahal ang ganitong Retreat sa Pilpinas, (mga $295 dito, at sabi ni Ate Dwen ay mga P6000 sa Maynila.). May mga libro naman din para sa mga di makakayanang makapunta o makabayad sa retreat at may mga website din (http://ivespiritualexercises.org) at ang bigay ni sr. Karen na http://jesuits.ph/retreat.htm ). Sa EWTN Audio Archive, mayroong serye na binubuo ng 13 tig-30 mins na programa na tutulong sa gustong sumailalim sa pagninilay. Kailangan lang ay ang gabay ng  Spiritual Director para sa pagbibigay ng mga linaw sa mga puntos.

 Sa kaso  ko, may nakatawag pansin sa akin sa nabasa ko na pamphlet na nagsasabi ng kahalagahan nito. Sinabi dito na mahalagang gumawa ng hakbang upang malaman ang kalooban  ng Panginoon. Posible kasi na 'di malaman ang kalooban ng Poon kahit palagi tayong nagsisimba o nagdadasal. Kinakailangan ang makapanghingi ng tulong sa simbahan upang malaman kung saan tayo lalong makakapag bigay ng luwalhati kay Hesus. Kailangan ang grasya ng Iglesiya sa paraan na ito. Isa na itong Spiritual Exericise na talagang inirerekomenda bilang hakbang na makakatulong upang malaman ang kalooban ng Diyos para sa atin.

 Ang retreat na ito ay isang proseso ng 'discernment' para sa mga bagay-bagay sa buhay na dapat pagdesisyunan at para manghingi ng kalinawan sa maraming bagay. Sa karanasan na ito, para sa akin, nabibigyan ng diin ang mga dapat masagot at seryosohin sa buhay. Totoong nakapagbibigay liwanag ang mga mensahe na nakapaloob dito sa paghanap sa ating bokasyon.

Marami ang mga paraan upang tayo ay makapagbibigay ng luwalhati sa Diyos, ngunit higit natin Siyang mabibigyan ng luwalhati sa paraan na inihanda Niya, ito nga mismo ang ating bokasyon. Alamin natin ang kalooban Niya! Hindi kasalanan ang hindi natin pagpili sa ating bokasyon ngunit tandaan natin na lalo natin Siyang maluwalahati sa pagtugon dito!

http://is.gd/1V0as
Nakapaloob sa Retreat ang mga puntos na tumatak sa akin. Mula sa kanyang karanasan bilang sundalo, nakilala ni San Ignacio de Loyola na ang mundo ay nasa mas malaking digmaan: ang pagtutuos sa panig ni Kristo at ng panig ng demonyo. Nasabi din ni San Ignacio de Loyola ang tungkol sa pagiging mapagkumbaba. Ang pinakamataas na uri nito ay ang paglalaman ng 1)pagkasuklam kahit anong kasalanan 2) kagustuhan na maging mas katulad ni Kristo sa pamamagitan ng pagpili sa kahirapan kasama ni Kristo kaysa sa kayamanan 3) mas pagpili na ma-insulto kasama ni Kristo kaysa magtamasa ng karangalan 4) mas pagpili na maituring na walang kuwenta at hibang para kay Kristo sa halip na maituring na mautak o matalino sa makamundong batayan ng maraming tao.

Mabuhay sana si Kristo sa atin! San Ignacio de Loyola, ipanalangin mo kami

your groupmate,
eric

No comments: