Contemplation is a deep prayer with God. Ang contemplation ay ang malalim na pagdadasal sa Diyos.
Ano ang contemplation?
Tayo ay naghahanap ng isang bagay. Tayo ay pagkauhaw na nagkatawang tao. Naghahanap ng kaligayahan, pagmamahal at katotohanan.
Sa Bibliya, tinatawag ang contemplation bilang nag-iisang bagay na mahalaga sa buhay o prioridad. Tulad ng mababasa sa Ps 27:4 ang pagtuon ng atensyon sa kagandahan ng Panginoon. Pinili ni Maria, kapatid ni Martha, ang nag-iisang bagay na mahalaga. Ang bagay na ito ang pinakamahalagang gawain natin dito sa lupa. Sabi sa Vatican II dapat tayong mag dasal ng walang pigil. Sabi sa Psalmo na "ang aking mata ay laging nasa Panginoon". Ayon sa canon 663, ang pagninilay sa mga banal na bagay at ang patuloy na pagpapalalim ng relasyon natin sa Diyos ang una at ang pangunahing tungkulin ng mga relihiyoso. Nasabi ni San Juan de la Cruz sa kanyang sinulat na "Pag-akyat sa bundok ng Carmel",inaakala ng marami na di sila nagdadasal, pero di nila napapansin na sila ay nasa malalim na pagdadasal, ang iba naman ay nag-aakala na sila ay nasa matinding pagdadasal na sa totoo naman ay nasa kawalan ng pagdadasal. Ang pagdadasal ay di lang para sa buhay relihiyoso. Hindi din ito isang purong intelekwal na gawain na parang pilosopikal na pag-iisip. Ang contemplation ay di ang proseso ng pagtingin lamang sa sarili at paglimot sa mga bagay na nasa labas ng ating sarili. Hindi ang impersonal pagkilala ng realidad tulad ng sa budismo. Hindi ito ang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa natural na kalikasan. Di rin ito ang mga pangitain at mga rebelasyon, ang mga ito ay mga ekstra ordinaryong pangyayari at hindi masasabi na ordinaryong paglago sa grasya sa pamamagitan ng malalim na pakikiisa sa Panginoon. Hindi ito ang matinding nararamdaman tungkol sa Diyos o relihiyon. Ang pakiramdam ay minsang mabuting maisama sa pagdadasal pero di iyon ang contemplation. Ito ay hindi discursive meditation tulad ng pagbasa ng libro, pag-iisip tungkol dito, at mga gagawin ayon sa mga napagnilayan: ang tawag sa mga ganoon ay meditation.
Ano ba ang contemplation? Matututo tayo kay Hesus na talagang may malalim na contemplative na buhay. Siya ay palaging umaalis upang mapakapag-isa kasama ng Kanyang Ama upang makipag-isa sa Ama. Mk 1:35 sa umaga, bago sumikat ang araw, Siya ay bumangon at lumabas ng bahay, nagpunta sa malungkot na lugar at nagdasal duon (o taimtim na nagdasal). Malamang ay 3,4, o 5 am.
Mga Halimbawa sa Bibliya ng Pagpapahalaga sa Contemplative Prayer
Mk 5:16? "siya ay palaging(habitually) nagpupunta sa lugar para Siya ay makapag-isa at nagdadasal".
Ang contemplation ay ang ginagawa ng Panginoon, ang matinding pakikipag-isa sa Ama.
Luke 2:19 "itinago ito ni Maria sa kanyang puso."
Gawa 1 Sa mga panahon na naghihintay ang mga disipulo ni Kristo sa pagdating ng Espiritu Santo, si Maria ay nasa piling ng mga apostoles. Madalas na pinakikita ni Lukas na si Maria ay palagi at tuluy-tuloy na nagdadasal.
Luke 10:39 Ang kuwento tungkol kina Marta at Maria. Nauupo si Maria, iniiwan ang lahat at nagtutuon ng pansin sa Panginoon.
Para sa atin, ang contemplation ay mababasa sa Mt 6:6, na kapag tayo ay nagdadasal, tayo ay dapat na magpunta sa ating sariling kuwarto, at kapag nakasara na ang pinto, magdasal kayo sa Ama sa sikretong lugar na iyon. Sinasabi ng Bibliya na ang pakikipag-isa na ito ay ang pagpapalalim ng relasyon natin sa Diyos.
Nasabi sa Ps 46:10 "Maging tahimik ka, at kilalanin na Ako ang Diyos."
Ps 27:4 "Ang tangi kong hiling sa Panginoon, ang tangi kong hinahanap ay ang tumitig sa kagandahan ng Panginoon".
Ps 62:2 "tanging sa Panginoon ko makukuha ang aking pahinga ng kaluluwa"
Ps 34:6 "tingnan mo ang Panginoon at ikaw ay magouumapaw sa kaligyahan." tikman at uminom, dahil mabuti ang Diyos.
Ps 25:15 "Ang mga mata ko ay palaging nasa Panginoon..."
Sinasabi sa bibliya na ang contemplation ay nagsisimula sa madilim na pananampalataya at nagtatapos sa matinding kaligayahan o ecstasy.
1 Jn 3:2 di natin lubusang nakikilala ang Panginoon ngunit pag nakita natin Siya, tayo ay makikibahagi sa kanyang pagka-Diyos at magiging kawangis Nya tayo sa pamamagitan ng pagtingin natin sa kung Sino talaga Siya.
Nasabi ni San Pablo na di pa nakikita ng mga mata o nadidinig ng mga tenga ang mga bagay na inihanda ng Panginoon para sa mga nagmamahal sa Kanya.
Ang lahat ng tao ay may pagkauhaw sa Diyos.
No comments:
Post a Comment