Sumali Sa Talakayan
Wednesday, October 14, 2009
Ebanghelyo ayon kay San Marcos
Ebanghelyo ayon kay San Marcos (mp3 Pakinggan)
Makinig sa EWTN Series na The Way to Follow Jesus: The Gospel of Mark with Dr. Tim Gray
Episode 1
Ayon sa tradisyon ng simbahan, ang sumulat ng Marcos ay si San Marcos na katulong ni Pedro. Matapos ang pagpapapatay ni Nero kay Pedro, sinulat ni Marcos ang mga itinuro ni Pedro. Mababasa natin na ipinakita sa Ebanghelyo na ito pati ang mga kamalian ng mga apostoles, kasama na ang kay Pedro. Ipinapatay si Pedro matapos ang pag uusig sa mga Kristiano dahil sa pagsunog sa Roma nang 64 AD. Malaki ang bahagi na nasunog na tumagal ng 6 na araw. Sa sunog na iyon, may mga taong nakakita na may mga lalaki na nagkalat ng apoy at nagsasabi na sila ay napag-utusan. May nagsabi din na bago maganap ang pagsunog ay inisip ni Nero na ang Roma ay isang lugar na madumi at walang dignidad. Isa pa sa mga nangyari bago maganap ang pagsunog, magsulat siya tungkol sa pagsusunog ng Troy. Ang sinulat niya na iyon ay kanyang binasa habang nasusunog ang roma.
Ibinintang ni Nero ang panununog sa mga Kristiano. Mula duon ay inusig ang mga Kristiano tulad ng pagtatapon sa mga hayop. Ang isa pa sa mga ginagawa ay ang paglulublob ng mga damit sa langis at pagsisindi ng mga taong ipinapasuot ang mga damit na ito. Ang mensahe ng Marcos ay ang pagiging tapat sa Diyos kahit sa oras ng kagipitan. Sinulat ni Marcos ito di para magturo, inaasahan niya na naturuan na ang mga magbabasa, at ang ituturo niya ay ang pagpapalalim ng buhay kristiano.
1:1 Kaugnay ng talata na ito ay ang mababasa sa Isa 40. Ang nasusulat sa Isa 1-39 ay ang masamang balita na nagpapahayag na ang Israel ay nagkasala at dahil dito, sila ay papaalisin sa kanilang lupain. Mababasa naman sa Isa 40 ang mabuting balita na nagsasabi ng kapatawaran ng kasalanan. Pagkatapos nito ay ang pagsasab ng paghahanda ng daanan ng Panginoon. Sa Isa 40:6 nagpapatuloy ito ng pagsasabi ng tungkol sa boses. Kailangan masabi ng boses na paparating na ang kanilang Diyos na makakapiling na nila. Ang pag-uugnay ng Marcos 1 at Isa 40 ay pagsasabi na si Hesus ay Diyos. Sa pagbabasa ng Isa 40 at pag-unawa ng mensahe na ito na kaugnay ng Marcos 1, maiintindihan natin na ang umpisa ng ebanghelyo ay ang pagtawag sa pagbabalik loob na ganon ding pinahayag ni Juan Bautista
1:6 Mababasang nakasuot ng buhok ng kamelyo si Juan. Duon siya nakilala. Pinapaalala ng suot na ito ang tungkol kay Elijah na nakilala din sa ganoong kasuotan (2 Kings 1). Mababasa sa 2 Kings 1, nakipaglaban siya kay Haring Ocozias at nagalit ang hari sa kanya dahil nagpasabi siya sa mga pinadala ng hari. Hindi raw maaring gumaling ang hari dahil may mga pinadala siyang mga tao na pinagtanong niya kay Beelabul, isang kilos na pagbabale-wala sa Diyos. Dahil duon sa nagawang iyon, 'di na siya gagaling. Nang magtanong ang hari kung sino ang nagsabi sa kanila ng mga ito, inilarawan ng mga pinadala ng hari ang suot ni Elijah. Sa paglalarawan ng kasuotan nakilala si Elijah
Anu-ano ang mga pagkakatulad nina Juan at Elijah? 1)pagkakapareho sa kasuotan 2)may hari na humabol sa kanila. (Hinahabol ni Herod si Juan.) 3) ang sumunod kay Elijah ay si Elisha na mas makapangyarihan sa kanya. Ang pagpasa ng katungkulan mula kay Elijah papunta kay Elisha ay naganap sa Ilog Jordan. Hiniling ni Elisha ang dobleng espiritu ni Elijah. Sinabi ni Elijah na ito ay matutupad kapag nakita niya na umakyat siya. Ganon din ang nangyari kina Juan at Jesus. Inihanda ni Juan ang dadaanan ni Hesus at si Juan ang unang nagsalita. Matapos mabinyagan ni Juan si Jesus, nagsimula na ang kanyang ministro. Si Jesus ang kaganapan ni Elisha.
1:9 Nang mabautismuhan ni Juan si Hesus, sinabi na nagbukas ang langit. Para mailarawan iyon, ginamit ang salitang schize (salitang 2 beses lang gagamitin sa Ebanghelyong ito) na talagang nangangahulungan ng pagpunit. Ang pinapahiwatig na ito ay pagpapahiwatig ng malaking pagbabago na nagaganap sa mga nilikha. Ikinuwento ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos. Ito ay nagpapaalala ng kahilingan sa Diyos sa Isa 64:1 na nagsasabi na "Ah, punitin mo nawa ang kalangitan at manaog ka!". Sa Libro ng Isaias, magmula sa Isa 40, mababasa sa bahagi ng libro na ito ang pagsasabi ng magandang mga pangyayari na magaganap. Dito, sa Isa 64, pinahiwatig ang panaghoy at pagkainip sa pag hihintay ng mga tao. Mababasa ang pinakasentro ng panaghoy na humihiling na punitin ng Diyos ang langit at Siya ay bumaba. Sa Septuagint, ang ginamit na salita na nasusulat sa Isaias para mailarawan ang pagbukas ng langit ay ang pagpunit. Sa Marcos, pinapakita na ang kalapati na bumaba ay ang Diyos na tutupad sa naipangakong pagbabago sa Isa 40. Nadinig ang panaghoy sa pagpunit ng langit at pagbaba ng Diyos na sinisimbulo ng kalapati, na ang Diyos Espiritu Santo.
1:11 "Ito ang anak na aking kinalulugdan" Ito ang sinabi ng Diyos matapos na mabinyagan si Hesus. Mababasa sa Isa 42:1 ang mga salita na ginamit tungkol din sa tagapaglingkod at makikita natin ang mga nasabi ay katulad ng pinahayag ni Marcos. Si Jesus ang tagapaglingkod ng Diyos at mananahan ang Espiritu sa Kanya. Sa pamamagitan ni Hesus, magaganap ang katuparan ng bagong Exodo
1:12 Sinabi na pagkatapos nito o sa English nasabi ang "Immediately", dinala siya sa disyerto at tinukso siya ng demonyo. May mga mababangis na hayop duon pero may tagapaglingkod na mga anghel siyang nakasama . Kung tumagal ng 40 na araw sa disyerto ni Jesus, 40 na taon sa ilang naman namalagi ang Israel sa ilang o sa wilderness. Nasabi ni Marco na may nakasama ni Hesus na mga Wild beast o Mababangis na hayop. Ang imahen na ito ay makikita din sa Daniel 7 kung saan ay mababasa natin ang tungkol sa panaginip ni Daniel at duon ay may 4 na nilalang na kumakatawan sa mga kaharian ng mga Hentil na lumabas sa tubig at wumasak sa lupa (Israel) at magpapatuloy ang kuwento hanggang sa pagsasabi sa Anak ng Tao na humarap sa trono at nabigyan ng luwalhati, kapangyarihan, paghahari at dangal. Nagsasabi ito na sumailalim ang Israel sa mga kaharian ng mga dayuhan. Si Jesus ay ang sumisimbulo sa Bagong Israel. Dito sa talata na ito, nakita na nakasama niya ang mga hayop. Ngunit dapat na makita na pinadala din ng Diyos ang mga anghel sa mga panahon na iyon para magsilbi kay Jesus, at ganoon din ang mangyayari sa Israel.
No comments:
Post a Comment