Sumali Sa Talakayan

Monday, October 26, 2009

Pagsisimula sa Buhay Deboto: Introduction to Devout life ni San Francisco de Sales

Nawa'y ang tala at pagsalin ng kaunting bahagi ng libro ay makatulong sa inyo upang maintindihan at maibahagi ang sulat ni San Francisco de Sales. Ang tala ay kumukuha sa maliit na bahagi ng librong "Introduction to Devout Life"

-------------------
Makinig ng "Union with God" 13-Part EWTN mp3 Series ni Fr. Miller tungkol sa libro na ito

Ang totoong debosyon ay hindi pumipigil sa paglago ninuman ngunit kumukumpleto ng paglagong ito. Ang tunay na debosyon ay naaangkop sa lahat ng bokasyon at propesyon. Ito ay tumutulong upang sagutin ang ating mga bokasyon. Sa pamamagitan nito, nililinaw nito at pinagtitibay ang bokasyon. Sa buhay ng mga deboto, kailangan sa pag-usad ang espiritwal na gabay o Spiritual Director.


Unang hakbang

Ang unang hakbang sa debotong buhay ay ang paglilinis ng kaluluwa, kailangan na iwan ang lumang sarili, iwan ang kasalanan at magbihis ng bagong katauhan. Ang ordinaryong paglilinis ng sarili at paggaling, kaluluwa man o katawan ay kailangang maisagawa nang paunti-unti. Ang mga anghel na nagpanik panaog sa hagdan ni Jacob ay mayroong nga pakpak ngunit 'di lumipad, bagkus ay tumapak sa sunud-sunod na tapakan sa hagdanan. Maari nating maihambing sa madaling-araw na kapag tumataas ay 'di kaagarang nagwawakas ng kadiliman. Ito ay unti-unting nangyayari. Ang disiplina ng paglilinis ay humihinto lamang kasabay ng ating buhay kaya 'wag tayong mawalan ng lakas ng loob sa ating mga kahinaan.

Ang unang paglilinis ay ang paglilinis ng ating mga kasalanan at ito ay sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal. Matapos na ma-eksamen at matandaan ang mga sugat ng kasalanan sa ating konsiyensya , kamuhian ang mga ito nang buong puso, itakwil ang mga ito sa pamamagitan ng pagsisisi. Tatandaan natin ang 4 na mga bagay na ito sa ating pagkakasala 1) napapatay ang grasya sa atin 2) tinatanggihan ang langit 3) nakukuha ang impyerno 4) at tumatanggi sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Madalas, ang mga tao ay wala o may kaunting paghahanda at nagkukumpisal ng wala ang kinakailangang pagsisisi. Ni 'di nila iniiwasa ang kasalanan o nag-aayos ng kanilang buhay. Kailangan tayong maglinis sa ating masamang pagnanasa na magkasala. Kaya nga ang karamihan ay panlabas na nag-iiwan ng kanyang kasalanan ngunit 'di umiiwan sa kanilang kagustuhan na magkasala. Dapat nating iwan ang kasalanan at ang mga kagustuhan na gawin ito.

Pangalawang Hakbang

Ang pangalawang hakbang ay ang pagkilala sa lubos na kasamaan ng kasalanan. Tulad ng mahinang pagsisisi. kapag ito ay nakakapag-isa sa mga Sakramento at naglilinis sa atin sa mga nagawang kasalanan, ang lubos at totoong pagsisisi ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng epekto ng kasalanan.

May mga pagninilay na ibinigay si San Franscisco de Sales. Ang mga pagninilay na ito ay maaring gawin ng isa bawat araw sa umaga hanggang maari at pagnilayan ito ng buong araw.

Unang Pagninilay:Paglilikha

Paghahanda: Ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Hingin na kumilos Siya sa inyo. Isipin ang mga taon na wala tayo sa mundong ito na tayo ay 'di pa tao. Tayo ay nilalang mula sa wala. Pagnilayan ang pagkakalikha ng Diyos sa atin, may kakayahan na magkaroong ng walang hanggang buhay at sa ganap na pagkakaisa sa Diyos

Mga damdamin: magpakumbaba sa harap ng Panginoon. Magpasalamat sa Kanya.
Sa pagtatapos, magpasalamat sa Diyos dahil tayo ay nilikha mula sa wala nang dahil sa Kanyang kabaitan. Ialay ang inyong mga puso sa Kanya. Ipagdasal natin ang na tayo ay pagtibayin sa ating mga gagawin at sa ating nararamdaman.

Pangalawang Pagninilay

Ang dahilan ng ating pagkakalikha: ang dahilan ng ating pagkakalikha ay upang makagawa siya ng kabutihan sa pagbibigay sa iyo ng Kanyang grasya at luwalhati. Pinagkalooban tayo ng pagkakaintindi upang makilala Siya. Memorya para maalala Siya. Imahinasyon para maalala ang Kanyang Awa. Mata upang makita ang kanyang mga gawa at dila upang siya ay papurihan.
Iwasan natin ang mga bagay na laban dito. Mga damdamin at mga gagawin: magpakumbaba at pagsabihan ang sariling kaluluwa sa paglimot sa katotohanan na ito. Kamuhian ang nakaraang buhay. Magbalik loob sa Diyos. Sa pagtatapos, magpasalamat sa Diyos sa pagkakalikha sa atin para sa mga dahilan na ito. Ialay sa panginoon ang ating mga nararamdaman at mga gagawin nang buong puso at kaluluwa. Magdasal na tanggapin ng Panginoon ang ating mga kagustuhan at mga pangako.

Ika-3 na Pagninilay: awa ng Diyos

Paghahandaagay natin ang ating sarili sa piling ng Diyos. Hilingin na kumilos Siya sa atin.
Pagninilay:
Tandaan ang mga kaloob o mga regalo ng Diyos na bigay Niya sa atin at pagkatapos ay ihambing ang ating sarili sa ibang tao na mas nararapat sa mga kaloob na ito. Tandaan ang mga mental na kaloob. Magpasalamat na ikaw ay may masigla at maayos na pag-iisip. Tandaan ang ating mga esperitwal na kaloob. Ikaw ay anak ng Simbahan at naturuan sa mga doktrina mula pagkabata. Ga'no kadalas na niloob ng Diyos na matanggap Sya sa Sakramento. Gaano kadalas niya tayo pinapatawad?
Damdamin at gagawin: hangaan ang kabutihan ng Panginoo. Isipin ang kawalan natin ng pagtanaw ng utang na loob. Pag-ibayuhin ang damdamin ng Pagpapasalamat. Iwan natin ang ating mga kasalanan at ipailalim natin ang ating mga katawan sa paglilingkod sa Panginoon. Magsikap tayo na makilala ng ating kaluluwa ang Diyos.
Pagtatapos: magpasalamat sa Diyos para dito. Ialay ang puso pati ang mga gagawin tungkol dito. Hingin ang lakas para masundan ito sa pamamagitan ng gawa Niya sa krus. Hingin ang tulong ni Maria.

Ika-4 na Pagninilay

Paghahanda: ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Hilingin sa Kanya na kumilos sa atin.
Pagninilay: magnilay sa haba ng panahon na tayo ay nagkakasala at tignan kung gaano katagal na dumadami ang mga kasalanan sa ating puso. Tandaan ang mga maling pagnanasa at ang pagbibigay ng ating mga sarili sa kanila. Tandaan ang kasalanan ng kawalan ng utang na loob sa Diyos, isang kasalanan na may kaugnayan sa lahat ng iba pang mga kasalanan at nagpapabigat sa kanila. Ilang beses na ba natin natatanggap ang mga Sakramento at nasa'n ang kanilang mga bunga?
Mga damdamin at gagawin: kamuhian natin ang ating kasamaan. Manghingi ng tawag. Magbagong buhay. Gawin ang lahat para mapatay ang ugat ng kasalanan. Sundin ang mga payo na ating natatanggap.
Pagtatapos: magpasalamat sa Diyos sa pagdadala sa inyo sa oras na ito. Ialay ang inyong mga puso upang mapawi ang pagka-uhaw nito. Magdasal para ikaw ay lumakas.

Ika-5 pagninilay: kamatayan

Paghahanda: ilagay ang ating sarili sa piling ng Panginoon. Hingin ang Kanyang grasya. Isipin na tayo ay nasa kama ng ating kamatayan na walang pag-asang gumaling pa.
Pagninilay: isipin na walang may alam ng araw ng ating kamatayan. Isipin na ang mundo ay magugunaw. Isipin ang malungkot na pagpapaalam natin sa mundo na ito. Isipin ang bilis ng paglibing sa katawan na ito at ang 'di na pag-alala sa iyo. Tandaan na sa ating pagpanaw, tayo ay mapupunta sa kaliwa o sa kanan. Saan ka papatungo?

Ika-6 na pagninilay: paghuhukom

Paghahanda tulad sa nakaraan.
Pagninilay: sa katapusan ng mundo, matapos ang mga tanda at kababalaghan matutupok ang mundo ng apoy. Matapo nuon, ang mga patay, maliban sa mga bumangon na muli, ay babangon sa kanilang mga libingan. May malaking pagkakaiba sa kanila, ang iba ay may niluwalhating katawan, ang iba ay hindi. Isipin ang kaluwalhatian at gloria ng Hukom na napapaligiran ng mga Santo. Ang mga mabuti at masama ay paghihiwalayin. Matapos ang paghihiwalay, ang lahat ng konsiyensya ay makikita. Ang kasamaan ay makikita, pati na din ang mga penitensya ng mga mabubuti at ang resulta ng grasya ng Diyos na gumagawa sa kanila. Babanggitin ang huling hatol.
Damdamin at mga gagawin: matakot dapat ang kaluluwa. Kamuhian mo ang kasalanan na siyang sisira sa tao para sa araw na iyon.
Pagtatapos:pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay ng mga tulong para sa pagdating ng araw na iyon. Ialay ang ating mga puso ng may pagsisisi.

Ika-7 pagninilay: impyerno
Paghahanda:ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Magpakumbaba at hilingin ang tulong. Isipin na ikaw ay nasa madilim na siyudad na may nagbabagang at asopre na may mamayan na 'di makatakas.
Pagninilay: ang mga masasama ay nasa impyerno kung saan ang mga nanduon ay nagdurusa. Bukod pa duon, sila ay napagkaitan ng Diyos at ng Kanyang luwalhati.

Ika-8 pagninilay: paraiso

Paghahanda: ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Tawagin siya.
Pagninilay: pagnilayan ang kagandahan ng paraiso.
Damdamin at gawain: mamngha at hangaan sa ganda ng paraiso. Bakit natin pinababayaan na mawala ang ating pagkakataon na makapasok sa paraiso?

Ika-9 pagninilay: ang pagpili sa paraiso

Paghahanda tulad ng mga una.
Pagninilay: isipin na ikaw ay nasa kapatagan kasama ang iyong ang guwardiyang anghel. Na ikaw ay nailagay sa pagitan ng langit at lupa at naghihintay sila na ikaw ay pumili. Ang iyong desisyon na gagawin ngayon ay iyong dadalin hanggang sa kabilang buhay. Nakatingin sa iyo si Hesus mula sa langit, nagmamahal sa iyo. Nakatingin din si Inang Maria at ang mga Santo na nagpapangaral sa iyo.
Pagpili: kinamumuhian ko ang impyerno. Tanggapin mo ang tulong na binibigay ng Inang Maria, at ng mga Santo.


Ika-10 pagninilay: ang pagpili ng kaluluwa sa debotong buhay.

Paghahanda:paglagay sa sarili sa piling ng Diyos. Magpatirapa at hingin ang Kanyang tulong.
Pagninilay: isipin ang mga demonyo na nakaupo sa kanyang trono. Tignan ang mga nangyayari sa kanyang kinaroroonan na puno ng galit at pagkamuhi sa isa't-isa. Tignan ang kaharian ng Diyos na nagdadasal para sa mga makasalanan. Pagnilayan ang kagandahan ng kanyang kaharian ng kabanalan. Iniwan mo na si Satan sa pamamagitan ng kagustuhan na mula sa Diyos. Ang mga santo kasama si Inang Maria ay naghihikayat sa iyo. Tinawag ka sa pangalan ng Panginoon

Pagpili: o mundo 'di ako sasama sa iyong mga gawi. Akapin mo si Hesus, ating Hari at sambahin siya.

Dapat din nating iwanan ang ating kagustuhan na magkasala ng venial na kasalanan. Ang Espiritu Santo ay gumagabay sa ating mga konsiyensya mas nakikita natin ang kasalanan, kagustuhan at pagkukulang na pumipigil sa atin sa totoong debosyon. Ang maling kagustuhan na iyon ay hahadlang sa ating debosyon tulad ng kagustuhan ng mortal na kasalanan ay humahadang sa pagmamahal. Pinapahina nito ang espiritu na makaranas ng banal na kaaliwan o consolation. Ito ay nagbubukas sa atin sa mga tukso. Ito ay di pumapatay sa kaluluwa ngunit sumusugat ng malalim.binabarahan nito ang kaluluwa ng mga masasamang gawain at kagustuhan na pumapatay sa aktibong pagmamahal na buhay ng debosyon. Anong klase ng kaluluwa ang magsasaya sa pagkakasala laban sa Diyos?

Kailangang maglinis sa lasa ng mga walang halaga at peligrosong mga bagay

Kahit walang masama sa pagsasayaw, pananamit, libangin ang sarili, ang malulon sa mga bagay na iyon ay laban sa debosyon ,makakasakit at peligroso. Ang kasamaan ay hindi sa paggawa nito kung hindi sa paglagay sa puso ng mga ito.

Paglilinis ng sarili sa masamang pagnanasa

Mayroon tayong mga pagnanasa na 'di bunga ng ating sariling kasalanan ngunit mga limitasyon. Ang kanilang mga bunga ay pagkakamali at pagkukulang. Bagama't ang mga ito mga likas na kahinaan, nangangailangan pa din ito ng pag-iingat, kailangan ng pagtatama at pagwawasto, at pagpapagaling. Walang ugali ang sapat na hindi matututo ng masamang gawi at walang masamang ugali na di maaaring magapi ng grasya ng Diyos.

II

Mga payo tungkol sa paglapit sa Diyos sa pagdadasal at mga Sakramento

Ang pagdadasal ay nagdadala sa ating pag-iisip sa liwanag ng Diyos at nagbubukas sa ating kalooban sa init ng pag-ibig ng Diyos. Ito ay parang bukal na bumubuhay sa ating mga mabubuting kagustuhan, nag-aalis sa mantsa ng mga pagkukulang ng ating kaluluwa at nagpapahupa sa mga kagustuhan ng puso.

Inimumungkahi ni San Francisco Sales higit sa lahat ang pagdadasal na mental, ang pagdadasal ng puso na nakukuha sa pagninilay ng buhay at pasakit ng ating Manunubos. Kapag inuugali natin ang pagninilay na ito , pupunuin Niya ng ating kaluluwa ng Kanyang sarili, matututuhan natin ang Kanyang pagpapahayag at matututuhan nating ibase ang ating mga galaw base sa Kanyang mga ehemplo.

Laging umpisahan ang lahat ng pagdadasal sa paglalagay ng ating sarili sa Kanyang presensya.

Minumungkahi ni San Francisco de Sales ang pagdadasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Kredo ng mga Apostol sa Latin. Ang isang Ama Namin na dinasal ng may debosyon ay higit na mas mahaga kaysa sa maraming Ama Namin na nagmamadaling dinadasal.

Kung habang nagdadasal ng may salita, ang ating puso ay madala sa mental na pagdadasal, huwag mo itong pigilan, hayaan ang sarilo na gawin ito sa pag-iwan sa dasal na pasalita na una nating gustong gawin. Ang mangyayari na iyon ay mas magugustuhan ng Diyos at mas may pakinabang sa iyong kaluluwa.

Kapag ang umaga ay lumipas nang hindi nagagawa ang mental na pagdadasal, subukan na gawin ito sa loob ng araw na iyon ngunit 'di pagkatapos ng pagkain dahil baka 'di ito maging madali at makatulugan niyo ito. Kung 'di pa din ito magawa sa loob ng isang araw, kailangan makabawi sa pagsasabi ng mga simpleng dasal, pagbabasa ng mga espritwal na libro o mga gawa ng penitensya.

Maikling plano para pagninilay. Tungkol sa presensiya ng Diyos: unang punto ng pagninilay

Ang una ay ang pagkilala na ang Diyos ay nasa lahat ng lugar. 'Di natin nakikita ang Diyos, at kahit nasasabi ng ating pananampalataya na kapiling natin Siya, nalilimutan natin ito at naiisip natin na Siya ay malayo. Kaya mahalaga bago tayo magdasal, kailangang maalala natin ang presensya ng Diyos.

Ang pangalawa, dapat nating matandaan na 'di lang natin kasama ang Diyos sa lugar kung nasaan tayo, Siya din ay nasa puso natin at espiritu na Kanyang pinapagalaw nang Kanyang banal na presensya.

Ang pangatlo ay ang pagninilay sa ating Manunubos, na sa Kanyang pagkatao ay tumingin sa atin mula sa langit. Siya ay tumitingin sa lahat ng tao, lalo sa mga Kristiano na Kanyang mga Anak, at higit lalo sa mga nagdadasal sa Kanya.

Ang pang-apat ay ang imahinasyon na matignan ang Manunubos sa Kanyang Banal na Pagkatao na siya ay totoong kapiling natin, tulad ng ginagawa natin sa ating mahal na kaibigan. Ngunit kung tayo ay nasa harap ng Banal na Sakramento, ang Kanyang presensyang pangtao ay totoo at di na imahinasyon.

Ang pagtawag: ika-2 bahagi ng paghahanda..

Sa paglalagay ng sarili sa piling ng Diyos, magpakumbaba nang may buong paggalang ng may pag-amin na 'di tayo karapat-dapat na lumapit sa Makapangyarihang Hari. Maaring dasalin ang mga maiikling kahilingan tulad ng dasal ni David "huwag mo akong paalisin sa Iyong harapan at huwag Mong alisin ang Espiritu Mo sa akin" (Ps 1) "Magliwanag sana ang Iyong mukha sa iyong lingkod at ituro mo sa akin ang Iyong batas" (ps 118:135) "Ibigay mo sa amin ang pang-unawa at hahanapin ko ang Iyong batas at itatago ko ito sa aking puso." "ako ang Iyong tagapaglingkod ibigay mo sa akin ang pang-unawa"

Makakatulong din ang pagdasal sa mga santo lalo na ang mga santo na may relasyon sa pagninilayan.

Ang pagninilay sa misteryo: ika-3 punto ng paghahanda.

Ang susunod ay ang "compositio loci" o paggawa ng lugar. Ito ay ang simpleng paglikha sa ating mga sarili sa pamamagitan ng imahinasyon na ating pagninilayan na parang ito talaga ay nangyayari sa harap ng ating nga mata. Sa tulong nito, naiiwasan ang pagpunta ng isip sa ibang bagay.

Ika-2 bahagi ng pagninilay- repleksyon

Matapos ang paggamit ng imahinasyon, sumusunod naman ang pag-unawa na ating tinatawag na pagninilay. May pagkakaiba ang pagninilay at ang pag-aaral. Ang pag-aaral ay may kawalan ng pagmamahal ng pag-ibig sa Diyos bilang layunin. Ang layunin ng pag-aaral ay pansamantala lamang, tulad ng karagdadang kaalaman para sa talakayan o pagsulat atbp.

Matapos matuon ang pansin sa pinagninilayan, magnilay sa mga bagay na ito. Kung ang isip ay nakakakuha ng sapat na pagkain at ilaw sa pagninilay na iyon, mamalagi sa pagninilay na iyon. Kung hindi makakita ng sapat na bagay na pagninilayan sa unang paksa, ituloy ang pagninilay sa ibang bagay nang hindi nagmamadali.

Ika-3 bahagi ng pagninilay- ang nararamdaman at mga gagawin

Pinupuno ng pagninilay ang ating kagustuhan ng mabubuting mga pampakilos, tulad ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Kailangan nating palakahin at palakasin ang ating kaluluwa sa ganitong mga damdamin. Huwag tayong makukuntento sa mga mithiin at kagustuhan na ito, sa halip, gawin itong mga gagawin para sa sariling pagtatama at pagbabago.

Konklusyon

Tapusin ang pagninilay sa tatlong mga gawain na gagawin ng may pagkukumbaba. Una, pagpapasalamat. Ika-2 pag-aalay ng sarili kung saan iniaalay natin sa Diyos ang Kanyang sariling Awa at kabutihan, Kamatayan, Dugo, at ang mga bunga ng Kanyang Anak kasama ang ating saloobin at mga naiisip na gagawin.


itutuloy...

No comments: