Sumali Sa Talakayan

Sunday, April 4, 2010

Regina Coeli

Regina Coeli
(Dinarasal tuwing Pasko ng Pagkabuhay hanggang sa Pentekostes)
N: Reyna ng langit matuwa ka. Aleluya!
L: Sapagkat ang sanggol na ikaw ay karapat-dapat na magdala. Aleluya!
N: Ay nabuhay na mag-uli ayon sa kanyang sinabi. Aleluya!
L: Ipanalangin mo kami sa Diyos. Aleluya!
N: Magalak ka at matuwa, O Birheng Maria. Aleluya!
L: Sapagkat ang Panginoon ay tunay na nabuhay na mag-uli. Aleluya!
N: Manalangin tayo.
 
L: O Diyos, na dahil sa pagkabuhay na mag-uli ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon, ay minarapat mong bigyan ng kagalakan ang buong daigdig. Ipagkaloob mo sa amin, hinihiling namin sa iyo na alang-alang kay Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kasiyahan ng buhay na walang hanggan, sa pamamagitan na rin ni Kristong aming Panginoon.
 
N: Luwalhati...
L: Kapara noong una . . .  (3X)
-- my heart rejoices in the Lord!