Sumali Sa Talakayan

Showing posts with label Apologetics. Show all posts
Showing posts with label Apologetics. Show all posts

Tuesday, October 20, 2009

Sola Scriptura at ang Tradisyong 'Di Nakasulat



Pakinggan si Bro Carlos Palad sa kanyang pagtalakay ng Sola Scriptura


Paano napapanatili ang Sagradong Oral na Tradisyon? Feb 7, 2004


Ang Oral na Tradition ay mapapanatili ng buo-buo dahil sa pangako ni Hesus sa kanyang simbahan na

"At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya." [Mateo 16 : 18]

Hindi mananaig ang pagkasira ng katotohanan kung magiging tapat sa buong doktrina ni Hesus. Ito lamang ay matutupad sa pagsunod sa Bibliya, Tradisyon, at sa Magisterium (awtoridad magturo ng Simbahang Katoliko)

Bibliya ang pinaniniwalaan lahat ng Kristiyano ngunit ang naiiba sa Katoliko at sa Orthodox Church (na magkaparehong magkapareho ang doktrina maliban sa mga iilang punto tulad ng Santo Papa) ay ang paniniwala din nila sa mga Obispo na humalili sa mga apostol at sa kabuuan ng Tradisyon.

Sa Orthodox Church pa lang, malalaman na mapapanatili ang halos lahat ng tradisyon kung magiging tapat sa mga bagay na natanggap mula pa sa mga apostol. Ngunit hanggang hindi sila nakiisa sa Simbahang Katoliko, hindi magiging lubos ang katotohanan na matatanggap nila. Ang kabuuan ng katotohan ay nasa Iglesiya Katolika, dahil ang katuparan ng pangako ni Kristo ay nagaganap sa Pananampalataya ng Santo Papa. Ito ay mapapanatili sa pagiging tapat sa mga obispo at sa Santo papa na nagmana ng kanilang mga posisyon sa pangangaral at pangagalaga ng Simbahan. Kailangan maging tapat ang lahat sa Santo Papa dahil makikita ito sa Tradisyon ng mga Kristiano at sa Biblia. Ang mga halimbawa ng mga sitas ay:

1)"Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talina sa lupa at tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit." [Mateo 16 : 19]

Ang sitas na ito ay nagpapaala sa "Ang katungkulan sa sambahayan ni David ay iaatang ko sa kanyang balikat; at siya’y magbubukas, at walang makapagsasara; at siya’y magsasara, at walang makapagbubukas."Isaias 22 : 22 "I will place the key of the House of David on his shoulder; when he opens, no one shall shut, when heshuts, no one shall open." na nagsisimbolo ng katungkulan ng punong ministro. Ang susi na ito ay naipapasa dahil hindi namamatay ang posisyon kasama ng tao. At tulad ng nangyari sa posisyon ni Hudas, "Sapagat nasusulat sa aklat ng Mga Awit, 'Hayaan mawalan ng tao ang kanyang tahanan, at huwag bayaang tumira doon ang sinuman;' at, 'Hayaang kunin ng iba ang kanyang katungkulan,' " [Mga Gawa 1 : 20]

Ang pagiging tapat sa mga apostoles at mga obispo ay may basehan din sa Kristianong Tradisyon at sa Bibliya tulad ng mga sumusunod sa sitas. "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay yaong tatalian sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay yaong kakalagan sa langit." [Mateo 18 : 18] "na itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok. " [Efeso 2 : 20]

Ngunit dapat di naman mapanatili ang kondisyon na ang lahat ng obispo ay maging tapat sa Santo Papa dahil ang kapangyarihan magtali at magkalag ay maaring gawin ni Pedro mag-isa ngunit hindi ito magagawa ng apostol kung hindi sila makikipag-isa kay Pedro. Kaya naman sa pag bibigay ng kahulugan sa mga nasusulat sa Bibliya, at pagtukoy ng mga Tradisyon ngKristiyano, ang lahat ay obligadong makinig sa Simbahan tulad ng mga nasusulat sa mga sumusunod na sitas:

1)"Kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesya; at kung ayaw niyang pakinggan maging ang iglesya , ay ituring mo siya bilang isang Hentil at maniningil ng buwis." [Mateo 18 : 17]

2)"At ang pader ng lunsod ay may labindalawang saligan, at sa mga ito'y ang labindalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero."[Apocalipsis 21 : 14]

3)"ngunit kung ako'y maantala, ay maaari mong malaman kung ano ang dapat ugaliin ng bawat tao sa bahay ngDiyos, na siyang iglesya ng Diyos na buhay, ang haligi at saligan ng katotohanan." [I Timoteo 3 : 15]

4)"Una sa lahat, dapat ninyong malaman ito, na walang propesiya ng kasulatan na nagmula sa pansariling pagpapakahulugan,sapagkat walang propesiya na dumating kailanman sa pamamagitan ng kalooban ng tao kundi ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos. " II Pedro 1 :20-21

Kaya naman walang tao o grupo ng tao na makakapagsabi na mas tama ang doktrina nila kaysa sa doktrina ng simbahan dahil ang pangako ng kasiguraduhan ng katotohan sa pagtuturo ay naibigay sa Magisterium ng Simbahang Katoliko na binubuo ng mga Obispo kaisa sa Santo Papa ng Roma na nagmana ng susi ni Pedro.

Ang tradisyon na sinasabi ng simbahan ay tradisyon sa kabuuan na makikita din sa paniniwala ng mga unang Kristiyano. Ito ay ang buhay ng Espiritu Santo sa loob ng Simbahan dahil ito ay lalong lumalim sa ating pagkakaintindi ng mga realidad sa ating pananampalataya. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi maubos ubos ang pagninilay ng mga pari, obispo at Santo Papa sa mga katotohanan na ito nanagreresulta ng pagbahagi nila sa kanilang mga turo at dokumento. Ang tradisyon na ito, bukod sa Bibliya, ay makikita din sa mga testimonya ng mga unang Kristiano.

Kaya naman laging ginagamit ng Simbahang katoliko ang patotoo ng mga Early Church FAthers para ipakita sa mga ibang kristiyano na kahit noon pa man, kahit sa panahon na pinakamalapit sa panahon ng apostol, ito na ang talagang pananampalataya na naibigay ng apostoles.Makikita natin na ang ilan sa kanila ay nakapakinig mismo sa mga apostol tulad ni San Juan Ebanghelista.

Ang kasiguraduhan ng mga tradisyon na ito ang siyang nagamit ng simbahan upang matukoy kung anu-anong mga libro ang makakasama sa Bibliya. Kaya naman lagi nating nakikita na madalas ito itanong ng katoliko sa mga hindi katoliko dahil kung itatanggi nila ang pananampalataya ng mga unang Kristiyano, ano ang magiging basehan nila sa pagtanggap ng mga libro na ito. Tulad na lamang ng mga libro nina San Lucas at nina sa Marco na hindi naman mga apostoles. Ano ang basehan nila na hindi nga sila nagkamali. At magpasahanggang ngayon, hindi pa tiyak ang mga sinasabing sumulat ng mga libro na ito. Hindi ito ginagamit para hindi maniwala ang ibang mga Kristiyano sa Bibliya ngunit ipinapakita lamang na isang kontradiksyon na itakwil ang tradisyon ng Katoliko at tanggapin ang librong katoliko ng Bibliya.

Tinanggap ito ng Simbahan Katoliko 'di lamang sa mga Testimonya ng mga unang Kristiyano, ito rin ay dahil sa pagsangayon nito sa Tradisyon at pagbigay ng opisyal na pagtanggap ng Simbahan kasama nito ang mga libro na di tinanggal ng mga Protestante.

Linawin na pagsinabi Oral na Tradisyon, hindi ipinangangahulugan na kailangan may ibang pagkukunan ng materyal bukod sa mga nasusulat. Ang punto ay ang mga tradisyon ng mga apostol. Ang saling-dila na pamamaraan ng mga apostol ay malalaman sa mga natanggap ng mga tao noon. Kaya taayo makapagbibigay sa inyo ng tape o CD ng mga nasabi nila. At kung titignan natin ang mga tao na nabuhay sa pinakamalapit sa panahon ng apostol magpasahanggang ngayon, ang paniniwala nila ay hindi maitatanggi na Pananampalatayang Katoliko. Tulad na lang ng "atom" sa "science" na hindi nakikita. Alam natin na may "atom" dahil sa mga katangian nito na ating napapatunayan. Gayundin naman, malalaman natin ang mga naipasa ng mga apostol, ng hindi nangangailangan ng "tape" base sa mga natanggap ng mga lider ng simbahan noong mga unang panahon. Ito ay nagpapakita sa kanilang mga gawain at pananampalataya sa gabay ng Magisterium.

Kaya para malaman ng isang Kristiyano ang importansya ng kabuuan ng Tradisyon, importanteng katanungan ang "Paano nalaman na ito ang mga libro na mapapasama sa Bibliya"?

Friday, August 14, 2009

Maria, Ina ng Diyos: Feast of the Assumption



Bakit nga ba natin pinapahalagahan si Maria sa Iglesiya Katolika? Siguro ay napapansin lang ng marami sa atin na tila kakaunti lang nasusulat kay Maria sa mga Ebanghelyo. Tila din na higit na mahirap na makabasa na patungkol kay Maria sa Lumang Tipan ayon sa mga ibang mga tao. Magandang mabuksan natin ang mga isip ng ating mga kapatid na ang mga tao, imahen, bagay at pangyayari sa Lumang Tipan ay mga anino ng mga realidad sa Bagong Tipan. At dahil dito, marapat lamang na maisulat natin ang artikulo na ito tungkol sa pagiging katuparan ni Maria bilang Kaban ng Tipan o sa Ingles, "Ark of the Covenant."

Maria sa Bagong Tipan: "Hail, Full of Grace!"

Gaano nga ba kahalaga sa atin si Inang Maria? Saan makikita sa Banal na Kasulatan ang kanyang kahalagahan? Sa Lucas 1:28, mababasa ang ganito, "Pumasok ang angehel at sinabi sa kanya: matuwa ka , O puspos ng grasya. sumasaiyo ang Panginoon". Bakit tinawag ng anghel si Maria bilang "Puspos ng Grasya " o "Full of Grace"? Malalaman natin ang plano ng Diyos para sa kanya sa pagninilay natin sa pagbati sa kanya ng anghel.

Ang salitang "puspos ng grasya "ay salin mula sa salitang Griego na "kecharitomene". na nagsasabi ng katangian ni Maria. Ayon sa Catholic.com, "The grace given to Mary is at once permanent and of a unique kind. Kecharitomene is a perfect passive participle of charitoo, meaning "to fill or endow with grace." Since this term is in the perfect tense, it indicates that Mary was graced in the past but with continuing effects in the present....In fact, Catholics hold, it extended over the whole of her life, from conception onward. She was in a state of sanctifying grace from the first moment of her existence."

Ang mga kataga na nabanggit ay nagsasabi na siya ay matagal nang puno ng grasya at nananatiling puno ng grasya. Higit pa dito, siya ay puno na ng grasya at walang kasalanan mula pa nang siya ay ipaglihi,

Sa Lumang Tipan, Maria ang Kaban ng Pakikipagtipan

May makikita ba tayo sa Lumang Tipan tungkol sa gagampanang tungkulin ni Inang Maria bilang Ina ng Diyos? Marahil ay inyo nang napakinggan ang isa sa mga titulo ni Maria bilang "Ark of the Covenant" o Kaban ng Tipan. Makakatulong na maunawaan natin ang kahulugan ng dasal na ito sa pagliliwanag ng mga nasusulat kay Maria sa Lumang Tipan. Ano nga ba ang Kaban ng Tipan? Bakit natin isinasama ang Kabang ng Tipan sa ating dasal? Ano ang kaugnayan ng Kaban ng Tipan kay Inang Maria?

Ang Kaban ng Tipan ay naglalaman ng utos ng Panginoon, ng tinapay na nagmula sa langit o mana at ng tungkod ni Aaron bilang punong saserdote. Napakahalaga ng Kaban na ito para sa mga Israelita. Sa katunayan, ibinigay pa nga ng Panginoon ang mga utos kung papaano gagawin ang Kaban na ito (Exodo 25:10-21). Makikita natin, tangan-tangan nila ito nang paikot sa Lungsod ng Jericho hanggang gumuho ang muog ng lunsod matapos na gawin nila ang iniutos ng Diyos

Sa paglalakbay ng mga Israelita sa disyerto, kasama nila ang Kaban ng Tipan. Tuwing bubuhatin nila ang kaban, magsasabi sila nang "Tumindig ka, Yawe, at pangalatin ang iyong mga kaaway; magsitakas nawa sa harap mo ang mga namumuhi sa iyo" at sa pagbababa nito, "Bumalik ka, Yawe, sa di mabilang na libu-libo ng Israel" (Bilang 10:33-36). Makikita din natin na ang Kaban ay pinanggagalingan ng pagpapala tulad ng mababasa sa 2 Sam 6:11. Kasama nila ito sa kanilang pakikidigma.

Ano ang nangyari sa kaban? Mababasa natin ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa 2 Mac 2:5-8. Itinago ni Jeremiah ang Kaban sa isang kuweba . May mga sumunod sa kanya ngunit hindi pa din nila nakita kung saan niya ito itinago. Nakasaad sa Banal na Kasulatan ang ganito: "Nagbalik ang ibang sumama sa kan­ya para lagyan ng tanda ang daan, ngu­nit di na nila natagpuan iyon. Nabalitaan ito ni Jeremias at sinumbatan sila nito at sinabi: 'Mananatiling sikreto ang pook na ito hangga’t di na­aawa ang Diyos sa watak-watak niyang bayan at tipunin sila. At muling ibubun­yag ng Panginoon ang mga bagay na ito at makikita kasama ng ulap ang kanyang Luwalhati, kung paano ito na­kita sa kapa­nahunan ni Moises at nang hilingin ni Solomon sa Diyos na punta­han at paka­banalin ang kanyang Bahay.'” Sinasabi na ang pangyayari na ito ay naganap noong 587 B.C.

"Ang Luma ay naibunyag sa Bago. Ang Bago ay nakatago sa Luma"-San Agustin

Pinaalala natin kanina na ang mga tao, bagay at pangyayari na nakasulat sa Lumang Tipan ay mga anino ng mga magaganap sa Bagong Tipan. Lalo nating mauunawaan ang Bagong Tipan sa pag-aaral ng mga pagkakahanay ng mga nilalaman nito sa Lumang Tipan. Sa ating mga pagbasa tuwing Linggo, at madalas sa mga Kapistahan ng Simbahan, kapansin-pansin ang kaugnayan ng Unang Pagbasa sa Lumang Tipan at sa babasahing Ebanghelyo. Gayundin naman, masasaksihan natin ang kahalagahan ni Inang Maria para sa atin at kung ano ang plano ng Diyos para sa kanya sa ating pag-aaral ng kabuang mensahe ng Salita ng Diyos.

Sa libro ng Pahayag o Revelation, makikita natin na may sinasabi tungkol sa Kaban ng Tipan. Mababasa sa Rev 11:19 ang "Nabuksan ang templo ng Diyos sa kalangitan at nakita ang Kaban ng kanyang Tipan sa loob ng kanyang templo. At saka may kidlat, ugong at kulog may lindol din at umuulan ng mga batong yelo." Ang talatang ito ang huling bahagi ng ika-11 na kabanata. Kung itutuloy natin ang pagbasa, ang talata ay sinundan sa Rev 12:1 "May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin." Kung titignan natin ang kaugnayan ng mga magkadugtong na mga talata, maliliwanagan na ang mensahe nila ay iisa. Samakatuwid, ang pagbasa ng iisang mensahe ng Rev11:19-12:2, ay nagsasaad ng kung nasaan ang Kaban ng Tipan.

Matapos ng mga 6 na siglo mula ng maitago ni Jeremias ang Kaban, sinabi ni Juan na nakita muli ito. Ang Kaban ay ang Babaeng nadaramtan ng araw, ang ating Ina na si Maria! Nang isulat ni Juan ang Libro ng Pagbubunyag, hindi ito nahahati sa mga Kabanata at sa ganitong paraan ng pagbasa, madali nating makikita ang kaugnayan ng nasusulat sa Rev 11:19 sa sumusunod na verses sa 12:1: "Nabuksan ang templo ng Diyos sa kalangitan at nakita ang Kaban ng kanyang Tipan sa loob ng kanyang templo. At saka may kidlat, ugong at kulog may lindol din at umuulan ng mga batong yelo... May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin"

Inang Maria , ang Bagong Kaban ng Tipan!

Masasaksihan natin ang kaugnayan ni Maria sa Kaban ng Tipan sa pagbasa ng Ebanghelyo ni San Lucas. Mayroong mga salita na ginamit ang Ebanghelista na tunay na makakatawag pansin sa bawat Israelita na makakabasa ng sinulat niya. Ang mga ito ay magpapaalala ng tungkol sa Kaban. Halimbawa, isinulat ni San Lucas ang ganito: "Nang mga araw na iyo'y nagmamadaling naglakbay [arose and went] si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda" (Lucas 1:39). Sa Lumang Tipan, mababasa sa 2 Sam 6:2 ang: "Siya[David] at lahat ng kasama niya pa-Baala ng Juda ay lumakad [arose and went] para dalhin mula roon ang Kaban ng Diyos...". Mababasa din ang sinulat ni San Lucas sa Lucas 1:43: "Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon?". Magkatulad ding mga salita ang nabanggit ni David nang makita niya ang Kaban:"Natakot si David kay Yawe nang araw na iyon at sinabi: 'Paano makararating sa aking ang Kaban niYawe?'" (David feared the LORD that day and said, "How can the ark of the LORD come to me?") (2 sam 6:9). Kung mababasa na sumayaw (leapt for joy) si David sa harap ng kaban(2 Sam 6:14.16), sumikad naman sa tuwa (leapt for joy) sa sinapupunan ni Elizabeth si San Juan Bautista(Lucas 1:44). Kung nanatili sa bahay ni Obed-Edom ang Kaban at pinanggalingan ito ng pagpapala(2 sam 6:11), gayon din naman na si Inang Maria ay nanatili nang kasama ni Elizabeth ng Tatlong buwan(Lucas 1:56).

Sa mga talatang nabanggit, 'di maitatanggi na nais iparating ni San Lucas na si Maria ang Bagong Kaban ng Bagong Tipan. Kapansin-pansin na sa unang kabanata ng Lucas, nagbigay na ng maraming palatandaan si San Lucas upang matiyak na maging malinaw ang gagampanan ni Maria sa Bagong Tipan ng Diyos.

Naglaman ang Kaban ng tatlong bagay: ang Sampung utos, tinapay na manna, at ang tungkod ni Aaron na simbolo ng kaparian. Sa Bagong Tipan, na ating panahon ngayon, may pagkakahanay din na nangyari. Sa kanyang sinapupunanan, nanduon ang pinagagalingan ng Batas ng Grasya at Katotohanan, ang mismong Tinapay ng buhay , at tanging Punong-pari ng Bagong Tipan.



mga pinagkuhanan:
catholic.com
scripturecatholic.com
Hail Holy Queen by Scott Hahn