Sumali Sa Talakayan

Monday, December 21, 2009

Pangangaroling ng mga Servants of The Lord , Couples for Christ


Hayaan ninyong mangaroling kaming mga  Servants of the Lord, Couples for Christ para sa inyong lahat. Nawa'y maipaalala ng aming mga awitin para sa inyo ang tunay na Diwa ng Pasko, ang Pagdiriwang ng Pagmamahal ng Panginoon na kanyang ipinamalas sa pagkakatawang tao.

Maligayang Pasko!!


O Holy Night
Silver Bells
Pasko Na Sinta Ko
O Come
Silver Bells 2

Sunday, November 29, 2009

Pag-ibig Kaiisa Ng Katotohanan: Caritas in Veritate; sulat ni Sto Papa Benito XVI



Ang Pagmamahal kaisa ng katotohanan na pinatotohanan ni Hesu-Cristo nang Siya ay mamuhay sa mundo, lalo na sa Kanyang pagkamatay at muling-pagkabuhay, ay ang pinaka-ugat ng lahat ng uri ng tunay na pag-unlad nang bawat tao at sangkatauhan. Nahahanap ng bawat tao ang makakabuti sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod niya sa plano ng Diyos: sa planong ito, makikita niya ang kanyang katotohanan, makakamit niya ang kalayaan sa pamamagitan ng kanyang pagsunod sa plano ng Diyos(cf. Jn 8:22).


Ang lahat ng tao ay nakakaramdam ng pagnanais na magmahal nang tunay: ang pagmamahal at katotohanan ay 'di tuluyang umiwan sa tao dahil ito ay ang mga bokasyon na itinanim sa atin ng Diyos sa ating mga puso at isip. Kay Kristo, ang pagmamahal na kaisa ng katotohanan ay ang naging Mukha ng Kanyang Persona, isang bokayson upang mahalin natin ang ating mga kapatid sa katotohanan ng Kanyang plano. Ang pagmamahal ay ang pinakapuso ng Doktrinang Panlipunan ng Iglesiya. Ang lahat ay mula sa Pagmamahal ng Diyos, ang lahat ay nagkakahugis dahil dito, ang lahat ay patungo dito. Ang Katotohanan ay kailangang hanapin at matagpuan sa "oikonomia" o plano ng pagmamahal, ngunit ang pagmamahal ay kailangang maunawaan, mapagtibay at maisabuhay sa ilaw ng katotohanan.

Sa malapit na kaugnayan ng katotohanan, ang pagmamahal ay makikilala bilang tunay na pagpapahayag ng pagkatao at pangunahing elemento sa pakikipag-kapwa-tao. Ang katotohanan ay ang ilaw na nagbibigay ng kahulugan at kahalagahan sa pagmamahal. Ito ang ilaw ng dahilan at ng pananampalataya na nagbibigay kakayahan sa kaisipan upang makamit ang natural at sobrenatural na katotohan ng pagmamahal. Kung wala ang katotohanan, ang pagmamahal ay bumababa lamang sa mga tanging nararamdaman. Sa ganito, ang pagmamahal ay nagiging sisidlan lamang ng kung anuman ang naisin natin.


Ang katotohanan ay nagpapalaya sa pagmamahal mula sa mga limitasyon ng mga purong nararamdaman, mga bagay na nag-aalis ng mga relasyon, mga elementong pang-sosyal at ng pananampalataya na sanhi ng pagkatanggal dito ng maka-taong aspeto. Dahil sa ang pagmamahal ay puno ng katotohanan, ang pagmamahal ay nauunawaan sa pamamagitan ng kahalagahan nito na atin namang naipapamahagi at naipapahayag. Ang Katotohanan, sa pagtulong nito sa tao upang iwan ang kanilang mga personal na opinyon at kaisipan, ay nagbibigay kakayahan upang siya ay gumalaw nang higit pa sa limitasyong pangkultura o limitasyon ng kasaysayan at humahantong sa pagpapahalaga sa totoong saysay at substansya ng mga bagay. Ang Katotohanan ay nagbubukas at napag-iisa ang ating mga isip sa lógos ng pagmamahal: ito ang pinapahayag ng Kristianismo at ang pagpapatotoo ng pagmamahal.


Ang Kristianismo na walang katotohanan ay maaring maging katumbas lamang ng grupo ng magandang damdamin, na maaaring makatulong sa pagkaka-isang panglipunan, ngunit may napakahinang kaugnayan tungkol dito. Ang pagmamahal ay naibunyag na at nagkaroon ng presensiya sa pamamagitan ni Kristo(cf. Jn 13:1) at "ibinubuhos sa ating mga puso sa pamamgitan ng Espiritu Santo” (Rom 5:5). Bilang mga minamahal ng Diyos, ang babae at lalaki ay napapailalim sa pagmamahal, sila ay tinawag upang maging instrumento ng grasya, upang ibuhos ang pag-ibig ng Diyos at upang humabi ng lipunan ng pagmamahal.


Ang kinakailangan lalo nila ay ang mahalin at ipakita ang katotohanan. Kung wala ang katotohanan, kung wala ang pagtitiwala at pagmamahal sa kung ano ang katotohanan, wala din ang konsiyensya at pagiging responsable ng lipunan. Kung ganito, ang paggalaw ng lipunan ay para lang sa personal na interes at mentalidad na nakabase sa kapangyarihang nagbubunga pagkakawatak-watak lalo na sa lipunan ng mundo sa oras ng kahirapan.Ang Pagmamahal ay higit pa sa hustisiya dahil ang magmahal ay ang mag-bigay, ang mag-alok ang kung ano ang "akin"; ngunit 'di ito nagkukulang sa katarungan na nagsasabi sa atin na ibigay ang nararapat sa iba. Ang Katarungan ay ang pangunahing paraan ng pagmamahal o, sa pananalita ni Pablo VI, “ang pinaka-kaunting hustong sukatan" nito[2], ang kinakailangan bahagi ng pagmamahal” (1 Jn 3:18), ang siyang pinapaki-usap ni San Juan. Sa kabilang banda, ang pagmamahal ay lumalagpas sa Katarungan at kumokompleto nito sa pamamgitan ng pagbibigay at pagpapatawad. [3].

Ang magmahal sa isang tao ay ang magnais ng kanyang ikabubuti at ang kumilos upang makamit ito. Ang maghangad ng ikabubuti para sa lahat at ang magpursigi para dito ay pangunahing elemento ng katarungan at ng pagmamahal.



itutuloy... para sa gustong makibahagi sa paggawa ng proyektong pagsalin at pagtalakay ng Encylical, mangyari lang na sumulat sa ericpiczon@gmail.com.

Sunday, November 1, 2009

Sulat ni San Pablo para sa mga Taga-Roma


Sulat ni San Pablo para sa mga taga-Roma(
mp3Pakinggan)

Ang proyekto ng Katoliko Yahoo Group na ito ay tumatalakay sa mga sulat ni San Pablo para sa mga Taga-Roma. Ang mga nilalaman ng sulat ay mula sa iba't ibang materyal tulad ng pag-aaral na nasa Scborromeo.org, libro na "Inside the Bible" ni Fr. Baker, SJ at mula sa mga presentasyon ni Dr. Scott Hahn. Nawa'y makahikayat ang proyekto na ito upang inyong mapagnilayan ang Bibliya at ang mga aral ng Iglesiya Katolika. Sa ibaba ay ang unang bahagi ng tala na ginamit upang mabuo ang Oral Presentation ng grupo.

------------------


Sumulat si San Pablo sa Iglesiya na iba ang nagtatag. Alam niya na natapos na ang na kanyang misyon sa Mediterrenean at papunta na siya sa Espanya. At sa daan papunta duon, ninais niyang mapuntahan ang Roma. Bago siya magpunta sa Kanluran, kinailangan muna niyang dalhin ang mga nakolektang abuloy galing sa mga simbahan ng mga Hentil na kanyang itinatag (Rom 15:19 1Cor 16:1) para maipakita ang pagkakaisa ng Inang Iglesiya sa Jerusalem at ng Hentil na iglesiya sa Galatia, Macedonia at Achaia. Nagbigay ang mga Hentil na iglesiya dahil na din sa sila ay nakabahagi sa esperitwal na pagpapala (Rom 15:27) mula sa ibang mga iglesiya. Sumulat siya sa mga taga-Roma bago magpunta mula Corinto hanggang Jerusalem.

Ang titulo ni San Pablo bilang "utusan" ay isa sa mga tatlo na ginamit niya par sa kanyang sarili. Ang paggamit ng titulo na ito ay hindi lamang nagpapakita ng isang istilo sa Lumang Tipan (na ang lingkod ay isang utusan sa mata ni Yahweh Ps 27:9;31:16; 89:50), ito din ay ginamit sa mga kilalang tao sa Lumang Tipan tulad nina Moises (2 Kings 18:12), Joshua (Judges 2:8) at Abraham (Ps 105:42) .

Ang pagtawag kay San Pablo bilang Apostol ay ang pangalawang pamagat sa kanya. Ito ay nagmula sa kanyang pagkakatawag ng Panginoon sa kanyang pagdaan patunong sa Damasco

--------------------
Ika-3 na Kabanata

Pananampalataya ang daan ng kaligtasan
Ang salita na “gawang inuutos ng Batas” o “ergo nomou” sa Griego na tinutukoy ni Pablo ay ang Batas ni Moises o ang Torah. Ito ay mga katuruan, moral o legal na sistema, kasama ang mga seremonyas. Dahil sa maling pagkaka-intindi, ang ibang Hudio ay nagtuturo na sa kanilang pag-gawa ng mga ito ay nagkakaroon ng obligasyon ang Panginoon na sila ay gantimpalaan at kilalaning matuwid. Ang tinutukoy na gawang ito ay iba sa mga gawa na bunga ng Grasya dahil sa pananamapalataya kay Hesus.

Mayroon ba tayong katibayan na ito nga ang tamang pagpapakahulugan sa mga salitang “gawang inuutos ng batas” na nasusuat sa Sulat sa mga taga-Roma? Pinagtibay ang ganitong pagkakaunawa sa salitang iyon sa pagtuklas ng "Dead Sea Scrolls" kung saan naisalin ang salita mula sa Hebreong “works fo the law” ("hrvt ysm")bilang "deeds of the law," o Mosaic law.

Ang tinututulan ni San Pablo ay hinihiling ng mga Hudio na magpailalim ang mga Hentil sa "gawa ng mga Batas". Sa sulat naman ni Santiago, pinagtibay niya ang pangangailangan ng gawa mula sa kapangyarihan ng Grasya upang tayo ay maligtas. Mapapansin na iba ang mga 'gawa' na tinutukoy ni Santiago sa 'gawa' na tinutukoy ni Pablo sa bahagi na ito, ang salita na ginamit ni Santiago ay
"ergois agathois." at hindi "ergon nomou." Ang mga ito ay nagsasabi na hindi magka-iba ang paniniwala nina San Pablo at ni Santiago. Iba ang tinutukoy ni San Pablo pag tinutukoy niya ang “gawang inuutos ng batas” sa mga gawa na tinutukoy ni Santiago
21 Ngayon naman, hiwalay sa Batas, nahayag kung paano tayong ginagawang matuwid at banal ng Diyos, at nasusulat na ito sa Batas at sa mga Propeta. 22 Sa pamamagitan ng pani­niwala kay Jesu­cristo, gina­gawang matuwid ng Diyos ang lahat ng suma­sampalataya. Wala nang pagta­tangi, 23 sa­pagkat nagkasala ang lahat at pinag­kakaitan sila ng kaluwalhatian ng Diyos. 24 At nagiging matuwid at banal naman sila sa kagandahang-loob ng Diyos sa bisa ng pagtubos na na kay Kristo Jesus. 25 Ginawa siyang hain ng Diyos para sa kasalanan sa bisa ng pag­sam­palataya sa kanyang dugo.
At ipinakikita niya kung paano niya tayo ginagawang matuwid at banal. Pinapatawad niya ang dating mga kasa­la­nan 26 na pinabayaan ng Diyos hang­gang ngayon. At ngayon ipinaki­kita niya kung paano niya tayo gina­gawang matuwid, at kung paanong siya mismo ay matuwid at banal – siya na nagpapaging matuwid sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus.
27 Ano ang ipagmamalaki mo nga­yon? May nagsara ng iyong bibig. At ano ang nagsara? Ang Batas ba tungkol sa mga gawa? Hindi, kundi ang batas ng pana­nam­palataya. 28 Sinasabi nga namin na sa pana­nampalataya nagi­­ging banal ang tao at hindi batay sa gawang hinihingi ng Batas. 29 Kung batay sa gawa, para lamang sa mga Judio ang Diyos. Di ba’t siya’y para sa mga pagano rin? Siyempre, Diyos din nila siya,

Kung ang “gawa” na tinutukoy ni Pablo ay ang lahat ng uri ng gawa, bakit niya sasabihin na ang maniwala na "ang kabanalan ay batay sa 'gawa' " ay ang paniniwala na "ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Hudio"? Gumagawa ng mabuti ang mga Hentil ngunit hindi laging nangangahulugan na sila ay nagiging Hudio. Samakatuwid, ang 'gawa' na tinutukoy ni San Pablo ay mga gawa na ginagawa ng mga Hudio. Ang pagsunod sa mga 'gawa' na ito ay pagpapailalim sa relihiyon ng Judaismo. Ano ba ang mga gawa na ginagawa lang ng mga Hudio? Ito ang mga ritwal at legal na batas ni Moises.
---------------
Ika-5 Kabanata

12th Sunday in Ordinary Time Year A
Si Adan at si Jesucristo
12 Sa pamamagitan ng iisang tao pumasok ang kasalanan sa daigdig; at sa pamamagitan ng kasalanan, ang kama­tayan. At umabot ang kamatayan sa lahat ng tao dahil nagkasala ang lahat.

Upang maunawaan ang pagbasa na ito, kailangan itong maintindihan sa konteksto ng kung ano pagkakaintindi
ng mga Hebreo sa Tipan. Hindi mauunawaan ng mabuti ang Tipan sa pagbase nito sa kung ano ang nagaganap sa Sistemang Legal ng mga Romano. Mauunawaan natin ang mga pagbasa kung itutuloy natin ang pagbasa hanggang Rom 6:1

5:12 Ang tinutukoy dito ay ang original sin o Orihinal na kasalanan kung saan tayo ay isinilang na patay sa Esperitwal na buhay.

13 Nasa daigdig na ang kasa­lanan, pero wala pang matatawag na paglabag dahil wala pang Batas. 14 Kaya mula kay Adan hanggang kay Moises, napailalim sa kamatayan ma­ging ang mga hindi nagkasala dahil sa paglabag sa utos – gaya ni Adan – na siyang anino lamang ng ibang darating na Adan.
5:14 Tinutukoy ni San pablo ang tungkol sa tatlong uri ng panahon. Mula kay 'Adan hanggang kay Moises' na 'natural na oras'. Mula kay 'Moises hanggang kay Hesus', ang legal na panahon kung saan ay mayroon silang isang bansa. At magmula kay 'Kristo hangang sa katapusan ng oras' ay pahanon ng pagpapala ng mga bansa at pagpapalaya sa batas sa pamamagitan ng Grasya ni Hesus. Makikita natin na mahalaga ang 'typology' sa panulat ni San Pablo. Si Adan ay anino o type ni Kristo. Si Kristo ang kagapan o fulfillment. Ang pagpapakita ng mga anino o types ay natalakay din sa 1Cor 15:45

15 Ganyan ang pagkadapa. Ngunit walang kaparis ang bisa ng kaloob ng Diyos. Na­matay ang lahat dahil sa kasa­lanan ng isa lamang; ngunit mas dumadami pa ang re­galo ng Diyos, ang masaganang libreng kaloob na umabot sa napaka­raming tao mula sa isang tao na si Jesucristo.

Pinakita din ni San Pablo na may mga pagkakatugma sina Adan at si Hesus, ngunit dahil sa kadakilaan ng awa ng Panginoon, nilampasan pa niya ang mga tutuparin ni Hesus na tinutukoy ng naging aninong si Adan. Nasabi na namatay ang lahat dahil sa epekto ng kasalanan ni Adan at ang estado na ito ay nakaapekto sa lahat ng tao maliban kina Hesus at Maria, ito ang katotohanan ng Original sin, o kawalan ng sanctifying grace, ang grasya na nagpapabanal sa isang tao.
16 Noo’y may isang maka­­salanan lamang. Mas malawak naman ang kaloob. Mula sa isang hina­tulan ang paghatol, ngunit ngayon, marami ang mga makasalanang naging ma­tuwid.

17 Iisa ang nagkasala noon, at mula sa iisa lamang naghari ang kamatayan, ngunit ngayon, kay sagana ng kaloob na regalo ng kaba­nalang tinatanggap ng mga maghahari sa kaha­rian ng buhay sa pamamagitan ng iisang Jesucristo!

Tayo ay nagiginng banal nang dahil sa awa ng Diyos at dahil sa gawa ni Kristo sa Krus.
18 Nauwi nga sa paghatol sa lahat ng tao ang kasalanan ng isang tao; gayon din naman mauuwi sa kabanalan at buhay para sa lahat ng tao ang banal na gawa ng isang tao. 19 Maraming naila­gay sa kasa­lanan bunga ng pagsuway ng isang tao; marami rin naman ang gina­gawang ma­tuwid dahil sa pagsunod ng isang tao.

Sa pamamagitan ni Adan, tayo ay naging makasalanan. Sa pamamagitan ni Hesus, tayo ay naging banal at di lang sa pangalan, tayo ay totoong pinapabanal. Tulad ng pagsasabi niya na magkaroon ng ilaw sa Gen 1:3 at sa puntong iyon ay nagkaroon ng ilaw, tayo ay nagiging anak mismo ng Diyos.

Makibahagi sa talakayan

Thursday, October 29, 2009

Ebanghelyo ayon kay San Juan





Unang bahagi Audio

Juan Bautista, Kasalan sa Cana, paglilinis ng Templo

Pagpapanganak mula sa itaas, Juan Bautista, Ang babaeng Samaritana

Juan 4:46-Kabanata 5 Anak ng Opisyal, at ang Paralitiko sa Paliguan

Kabanata 7-8

Kabanata 9-10
mp3 Pakinggan


Kabanata 11-18 mp3 Pakingan
Kabanata 19-21 mp3 Pakinggan

itutuloy...

Wednesday, October 28, 2009

Libro ng Gawa o Book of Acts

Makinig sa "Gospel of the Holy Spirit" ni Fr. McBride. EWTN 13-part series
Katoliko Group Presentation Part 1
Katoliko Group Presentation Part 2

Ang artikulo na ito ay tala mula sa iba't ibang materyal na isinalin ng Katoliko Yahoo Group sa Pilipino upang makahikayat sa mga tao na mahalin ang Salita ng Diyos at ang Kanyang Iglesiya Katolika
-------

Sinasabi na ang libro ng Gawa ay sinulat nang mga 65 AD. Ang simula ng libro na ito ay ang paglaganap ng simbahan mula Jerusalem, at pagkalat nito hanggang ng simbahan sa ibang mga lugar kasama na ang Roma.


Sa Lumang Tipan, ang ipinapahayag ay ang Ama. Sa Ebanghelyo, ang Anak ang naman ang pangunahing pinapahayag. Ang Libro ng mga gawa ay may layunin upang mabunyag ang Espiritu Santo.



May "Ritwal ng katamisan ng Diyos" kung saan ang bata ay binibigyan ng pahina ng Bibliya at lalagyan ng mga magulang ng pulot (honey) ang pahina, kukunin ng bata ang pulot sa pahina upang maging matamis ang karanasan ng bata sa Banal na Kasulatan.

Ang Bibliya ay ang pagbubunyag sa Santa Trinidad. Sa Gawa, makikita ang 18 na talumpati na bumubuo ng halos 25 % ng libro. Ang talumpati ni San Pedro ay mababasa sa ika-2,3,4,5,10,11 na kabanata. Sa Genesis, nang nakatingin ang Ama sa kawalang-kaayusan o 'tahu labahu', hiningahan niya ang ito ng 'ruah'o hininga at duon nagsimula ang pagligkha. Nagsalita din ang Ama at sa pamamagitan ng salita ay nangyari ang paglikha. Ang Gawa ay kuwento din ng simbahan. Ito din ay kuwento ng daawang apostoles, na sina Pedro at Pablo.

Ang Kabanata 1 hanggang 12 ay tungkol kay San Pedro. Samantal, ang kabanata 13 hanggang 28 ay tungkol kay Pablo. Ang libro ng gawa ay tungkol sa unang una sa ginawa ng Diyos para sa Iglesiya. Ano ba ang tinutukoy ng pamagat ng Libro na ito? Ang Gawa o Acts ay tumutukoy din sa pagbubuwis ng buhay ng mga martir.

Ang sumulat nito ay si San Lucas na sumulat nang tungkol sa ministro ni Jesus mula Galilee hanggang sa Jerusalem. Sa Gawa, mababasa ang pagpapakita ng paglalakbay ng Iglesiya mula Jerusalem, Samaria, Antioch, Greece at Roma.

Si Lucas ay isang doktor; Inihiwalay ang mga sinulat ni San Lucas upang mapag-sama ang apat na Ebanghelyo. Ang dalawang libro ni San Lucas ay nagsisimula sa parehong pagbati "Mahal kong Theophilus" o "Taong Nagmamaha sa Diyos". Ang sinulat ni San Lucas ay hinati sa "Lucas" at "Mga Gawa" na siya namang nagkuwento sa gawa ng Espritu Santo at sa paglaki ng Iglesiya. Mababasa din sa Gawa ang pagkakaayos ng simbahan. Ang mga apostoles aytataguyod ng mga diakono, mga pari o matatanda ng Iglesiya, at ng Episkopoi o mga obispo. Pinakita din ang sakramental na komunidad, tulad ng pagbabautismo para mapasaloob ng Iglesiya, pagkakabanggit ng kumpil o "confirmation" sa 8:15-17 at ng Eukaristiya (2:42, 46, 20:7-11)

Unang Kabanata

Sa Unang Kabanata, mababasa ang 40 days na pamamalagi ni Kristo bago ang pag-akyat sa langit, pagpili kay Matthias, Novena para sa pagdating ng Espiritu Santo, ang turo ni Hesus sa pagdating ng Espiritu Santo sa kaharian ng Diyos at ang magiging buhay ng Iglesiya

Sa 1:1-11, inuugnay ni Lucas ang kanyang naisulat sa kanyang Ebanghelyo. Sa Lucas 24:50-51, nagsabi din siya ng mga nangyari sa pag-akyat ni Hesus na naganap sa Betania sa bundok ng Olive. Sa Gawa 1:3, binigyang linaw na ang pag-akyat ni Hesus sa langit ay nangyari makalipas ang 40 mula ng Kanyang unang pagpapakita. Sa 1:3-7 nagpakita si Jesus sa loob ng 40 na araw na kahanay ng pamamalagi ni Hesus sa Disyerto ng 40 na araw bilang paghahanda sa kanyang misyon bago ang pagpunta sa Galilee. Ang 40 na araw na ito ay nagpapaalala din ng nangyari sa mga Israelita nang sila ay manatili sa ilang ng 40 na taon (mababasa sa Num 14:34 at Ezek 4:6). Makikita natin sa unang mga naiulat na ang 40 na taon ay pinakita din sa paralitiko sa tabi ng paliguan (naikuwento sa Juan na ang eksaktong taon ay 38 na taon).Mula sa araw ng pag-akyat ni Hesus sa langit sa Bundok ng Olive, naghanda ang mga apostoles.

Nagsabi si Jesus na magpakalat sila ng Mabuting balita bago ang Kanyang pag-akyat sa Langit
Sinabi ni Hesus na aalis Siya at dadating ang Espiritu Santo. Kinailangang umalis si Hesus upang dumating ang Espiritu Santo. Sa Juan, sinabi ni Jesus na ang Espiritu Santo ay magtuturo at magpapaalala ng kung ano ang sinabi ni Hesus. Sinabi din ni Hesus na ang kaharian ng Diyos ay kailangang maipaalam, at makita. Kailangan din na mapagpatotoo ang mga tao tungkol dito.

Maiintindihan natin ang kaharian ng Diyos sa dasal na "Ama Namin". Ito ay ang kalooban ng Ama: pagmamahal, hustiya , awa at pagliligtas. Kung naroroon ang pagliligtas (Hesus) naroroon din ang Tatlong Persona ng Diyos. Sa Kanyang pagpanik sa langit, may nangyari na tulad ng nangyari sa muling pagkabuhay. Kung sinabi ng mga anghel ang "wala na siya dito, siya ay muling nabuhay" nang bumangon uli si Hesus mula sa kamatayan, sa pagpanik sa kalangitan, nasabi naman ng mga anghel ang " wala na siya dito siya ay umakyat na sa langit". Ang dalawang nakakasilaw na tao ay nangyari din sa Lucas 24:4-7, sa libingan ni Hesus na kumausap sa dalawang babae.

Pagpili kay Matthias

Ang sumunod ay ang pagpili kay Matthias at 'di kay Justus. Ito ang mga nangyari

1. Kinuha nila ang 30 na pilak upang bumili ng sementeryo para sa mga mahihirap na tinawag nilang "Potter's Field"
2. Pumili sila ng hahalili sa namatay na apostol. Kinakailangan na nakita ng pipiliin ang ministro ni Hesus at makakapagpatotoo ang pipiliin ng Muling-Pagkabuhay ni Jesus.
3. Pagdadasal na ginawa nila ng 9 na araw.

makisali sa talakayan

Monday, October 26, 2009

Where wild things are (w/ spoilers)

We watched the movie last Thursday. The movie was ok, although I'm not sure if kids will enjoy it. but I'm sure they'll like the big and furry mascots. I guess, the people who will enjoy it better are those who have read the book. Unfortunately, I wasn't one of them. Nevertheless, I still was able to find ways to enjoy the movie by resorting to my 'book-standards' sense of enjoyment and by trying to relate the story to the deeper reality that it points to.

------------
Now for the insights and spoilers:

The need for child to have a company.

Max, just like all the kids, needed someone to be with him. We know common cases of kids channeling their frustration by becoming mean to other kids just to get the attention that they long for. And often, it leads them to seek it from other people, from material things or from harming themselves to force other people to notice them. By nature, we are not meant to be alone and man's natural need to have company manifested in Max's situation. Without the guidance and care of parents and good friends, not only do we deprive children of the necessary support, but we also force them to live a life contrary to the Lord's plan.

After reaching the island and living there, Max realized how hard things are going to be. He met creatures that soon became his friends. To save himself, he introduced himself as a king who has powers. Because of this, the creatures made him as their king, giving them hope. We have a direction when we have a our Lord as our king. False king, just like idolizing of other things other than God, gives us false hope. True hope strengthens and sustains us to move forward and reminds us that the suffering we go through is nothing compared to the reward we will get (Pope BXVI Spe Salvi). A good king doesn't only make us accomplish things but make us happy in doing it and makes us love what we do.

We build up things and when we eventually find out that we don't have a direction in things we do, we turn around. In reaching this point, we had realized that our actions become meaningless and we find that the only way to correct things is when we turn towards our real purpose.

We realize the value of our parents especially when we struggle. I remember when I was a kid, when I wanted my parents to buy me a toy and my parents won't buy it for me, I will do the same things as what Max did, try to irritate my parents. If it still doesn't work then I try to hurt myself to make them worry. Often, if I get their attention and make them give in to my wants, I most of the time think things over if I really like what I had been asking. I'm sure you had been into the same situation. In our salvation history, to make man learn, God had to let man experience the consequence of sin. Through the Mosaic Law, the Lord demonstrated the effects of sin. It is through this experience that man better realizes and appreciate an unruptured relation with God. And by having the Bible, every man will have the opportunity to look back at history to realize how hard it is to be a slave of sin.

In the Old Covenant, the Lord has made us realize how our world will be without His mercy and if we try to impossibly earn heaven by ourselves. We can't earn heaven. God will have to freely give it to us. That is why only in uniting ourselves to Christ, the source of Grace, can we please God.

After realizing how he loves and misses his mom, Max decided to go home. This situation captures the meaning of "metanoia", one's change of mind and a complete turning around, a surrender of oneself to God's love for only in Him can we find love, happiness and the very meaning of our life.

Happy Anniversary, Groupmates!

Your groupmate,
eric

Pagsisimula sa Buhay Deboto: Introduction to Devout life ni San Francisco de Sales

Nawa'y ang tala at pagsalin ng kaunting bahagi ng libro ay makatulong sa inyo upang maintindihan at maibahagi ang sulat ni San Francisco de Sales. Ang tala ay kumukuha sa maliit na bahagi ng librong "Introduction to Devout Life"

-------------------
Makinig ng "Union with God" 13-Part EWTN mp3 Series ni Fr. Miller tungkol sa libro na ito

Ang totoong debosyon ay hindi pumipigil sa paglago ninuman ngunit kumukumpleto ng paglagong ito. Ang tunay na debosyon ay naaangkop sa lahat ng bokasyon at propesyon. Ito ay tumutulong upang sagutin ang ating mga bokasyon. Sa pamamagitan nito, nililinaw nito at pinagtitibay ang bokasyon. Sa buhay ng mga deboto, kailangan sa pag-usad ang espiritwal na gabay o Spiritual Director.


Unang hakbang

Ang unang hakbang sa debotong buhay ay ang paglilinis ng kaluluwa, kailangan na iwan ang lumang sarili, iwan ang kasalanan at magbihis ng bagong katauhan. Ang ordinaryong paglilinis ng sarili at paggaling, kaluluwa man o katawan ay kailangang maisagawa nang paunti-unti. Ang mga anghel na nagpanik panaog sa hagdan ni Jacob ay mayroong nga pakpak ngunit 'di lumipad, bagkus ay tumapak sa sunud-sunod na tapakan sa hagdanan. Maari nating maihambing sa madaling-araw na kapag tumataas ay 'di kaagarang nagwawakas ng kadiliman. Ito ay unti-unting nangyayari. Ang disiplina ng paglilinis ay humihinto lamang kasabay ng ating buhay kaya 'wag tayong mawalan ng lakas ng loob sa ating mga kahinaan.

Ang unang paglilinis ay ang paglilinis ng ating mga kasalanan at ito ay sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal. Matapos na ma-eksamen at matandaan ang mga sugat ng kasalanan sa ating konsiyensya , kamuhian ang mga ito nang buong puso, itakwil ang mga ito sa pamamagitan ng pagsisisi. Tatandaan natin ang 4 na mga bagay na ito sa ating pagkakasala 1) napapatay ang grasya sa atin 2) tinatanggihan ang langit 3) nakukuha ang impyerno 4) at tumatanggi sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Madalas, ang mga tao ay wala o may kaunting paghahanda at nagkukumpisal ng wala ang kinakailangang pagsisisi. Ni 'di nila iniiwasa ang kasalanan o nag-aayos ng kanilang buhay. Kailangan tayong maglinis sa ating masamang pagnanasa na magkasala. Kaya nga ang karamihan ay panlabas na nag-iiwan ng kanyang kasalanan ngunit 'di umiiwan sa kanilang kagustuhan na magkasala. Dapat nating iwan ang kasalanan at ang mga kagustuhan na gawin ito.

Pangalawang Hakbang

Ang pangalawang hakbang ay ang pagkilala sa lubos na kasamaan ng kasalanan. Tulad ng mahinang pagsisisi. kapag ito ay nakakapag-isa sa mga Sakramento at naglilinis sa atin sa mga nagawang kasalanan, ang lubos at totoong pagsisisi ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng epekto ng kasalanan.

May mga pagninilay na ibinigay si San Franscisco de Sales. Ang mga pagninilay na ito ay maaring gawin ng isa bawat araw sa umaga hanggang maari at pagnilayan ito ng buong araw.

Unang Pagninilay:Paglilikha

Paghahanda: Ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Hingin na kumilos Siya sa inyo. Isipin ang mga taon na wala tayo sa mundong ito na tayo ay 'di pa tao. Tayo ay nilalang mula sa wala. Pagnilayan ang pagkakalikha ng Diyos sa atin, may kakayahan na magkaroong ng walang hanggang buhay at sa ganap na pagkakaisa sa Diyos

Mga damdamin: magpakumbaba sa harap ng Panginoon. Magpasalamat sa Kanya.
Sa pagtatapos, magpasalamat sa Diyos dahil tayo ay nilikha mula sa wala nang dahil sa Kanyang kabaitan. Ialay ang inyong mga puso sa Kanya. Ipagdasal natin ang na tayo ay pagtibayin sa ating mga gagawin at sa ating nararamdaman.

Pangalawang Pagninilay

Ang dahilan ng ating pagkakalikha: ang dahilan ng ating pagkakalikha ay upang makagawa siya ng kabutihan sa pagbibigay sa iyo ng Kanyang grasya at luwalhati. Pinagkalooban tayo ng pagkakaintindi upang makilala Siya. Memorya para maalala Siya. Imahinasyon para maalala ang Kanyang Awa. Mata upang makita ang kanyang mga gawa at dila upang siya ay papurihan.
Iwasan natin ang mga bagay na laban dito. Mga damdamin at mga gagawin: magpakumbaba at pagsabihan ang sariling kaluluwa sa paglimot sa katotohanan na ito. Kamuhian ang nakaraang buhay. Magbalik loob sa Diyos. Sa pagtatapos, magpasalamat sa Diyos sa pagkakalikha sa atin para sa mga dahilan na ito. Ialay sa panginoon ang ating mga nararamdaman at mga gagawin nang buong puso at kaluluwa. Magdasal na tanggapin ng Panginoon ang ating mga kagustuhan at mga pangako.

Ika-3 na Pagninilay: awa ng Diyos

Paghahandaagay natin ang ating sarili sa piling ng Diyos. Hilingin na kumilos Siya sa atin.
Pagninilay:
Tandaan ang mga kaloob o mga regalo ng Diyos na bigay Niya sa atin at pagkatapos ay ihambing ang ating sarili sa ibang tao na mas nararapat sa mga kaloob na ito. Tandaan ang mga mental na kaloob. Magpasalamat na ikaw ay may masigla at maayos na pag-iisip. Tandaan ang ating mga esperitwal na kaloob. Ikaw ay anak ng Simbahan at naturuan sa mga doktrina mula pagkabata. Ga'no kadalas na niloob ng Diyos na matanggap Sya sa Sakramento. Gaano kadalas niya tayo pinapatawad?
Damdamin at gagawin: hangaan ang kabutihan ng Panginoo. Isipin ang kawalan natin ng pagtanaw ng utang na loob. Pag-ibayuhin ang damdamin ng Pagpapasalamat. Iwan natin ang ating mga kasalanan at ipailalim natin ang ating mga katawan sa paglilingkod sa Panginoon. Magsikap tayo na makilala ng ating kaluluwa ang Diyos.
Pagtatapos: magpasalamat sa Diyos para dito. Ialay ang puso pati ang mga gagawin tungkol dito. Hingin ang lakas para masundan ito sa pamamagitan ng gawa Niya sa krus. Hingin ang tulong ni Maria.

Ika-4 na Pagninilay

Paghahanda: ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Hilingin sa Kanya na kumilos sa atin.
Pagninilay: magnilay sa haba ng panahon na tayo ay nagkakasala at tignan kung gaano katagal na dumadami ang mga kasalanan sa ating puso. Tandaan ang mga maling pagnanasa at ang pagbibigay ng ating mga sarili sa kanila. Tandaan ang kasalanan ng kawalan ng utang na loob sa Diyos, isang kasalanan na may kaugnayan sa lahat ng iba pang mga kasalanan at nagpapabigat sa kanila. Ilang beses na ba natin natatanggap ang mga Sakramento at nasa'n ang kanilang mga bunga?
Mga damdamin at gagawin: kamuhian natin ang ating kasamaan. Manghingi ng tawag. Magbagong buhay. Gawin ang lahat para mapatay ang ugat ng kasalanan. Sundin ang mga payo na ating natatanggap.
Pagtatapos: magpasalamat sa Diyos sa pagdadala sa inyo sa oras na ito. Ialay ang inyong mga puso upang mapawi ang pagka-uhaw nito. Magdasal para ikaw ay lumakas.

Ika-5 pagninilay: kamatayan

Paghahanda: ilagay ang ating sarili sa piling ng Panginoon. Hingin ang Kanyang grasya. Isipin na tayo ay nasa kama ng ating kamatayan na walang pag-asang gumaling pa.
Pagninilay: isipin na walang may alam ng araw ng ating kamatayan. Isipin na ang mundo ay magugunaw. Isipin ang malungkot na pagpapaalam natin sa mundo na ito. Isipin ang bilis ng paglibing sa katawan na ito at ang 'di na pag-alala sa iyo. Tandaan na sa ating pagpanaw, tayo ay mapupunta sa kaliwa o sa kanan. Saan ka papatungo?

Ika-6 na pagninilay: paghuhukom

Paghahanda tulad sa nakaraan.
Pagninilay: sa katapusan ng mundo, matapos ang mga tanda at kababalaghan matutupok ang mundo ng apoy. Matapo nuon, ang mga patay, maliban sa mga bumangon na muli, ay babangon sa kanilang mga libingan. May malaking pagkakaiba sa kanila, ang iba ay may niluwalhating katawan, ang iba ay hindi. Isipin ang kaluwalhatian at gloria ng Hukom na napapaligiran ng mga Santo. Ang mga mabuti at masama ay paghihiwalayin. Matapos ang paghihiwalay, ang lahat ng konsiyensya ay makikita. Ang kasamaan ay makikita, pati na din ang mga penitensya ng mga mabubuti at ang resulta ng grasya ng Diyos na gumagawa sa kanila. Babanggitin ang huling hatol.
Damdamin at mga gagawin: matakot dapat ang kaluluwa. Kamuhian mo ang kasalanan na siyang sisira sa tao para sa araw na iyon.
Pagtatapos:pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay ng mga tulong para sa pagdating ng araw na iyon. Ialay ang ating mga puso ng may pagsisisi.

Ika-7 pagninilay: impyerno
Paghahanda:ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Magpakumbaba at hilingin ang tulong. Isipin na ikaw ay nasa madilim na siyudad na may nagbabagang at asopre na may mamayan na 'di makatakas.
Pagninilay: ang mga masasama ay nasa impyerno kung saan ang mga nanduon ay nagdurusa. Bukod pa duon, sila ay napagkaitan ng Diyos at ng Kanyang luwalhati.

Ika-8 pagninilay: paraiso

Paghahanda: ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Tawagin siya.
Pagninilay: pagnilayan ang kagandahan ng paraiso.
Damdamin at gawain: mamngha at hangaan sa ganda ng paraiso. Bakit natin pinababayaan na mawala ang ating pagkakataon na makapasok sa paraiso?

Ika-9 pagninilay: ang pagpili sa paraiso

Paghahanda tulad ng mga una.
Pagninilay: isipin na ikaw ay nasa kapatagan kasama ang iyong ang guwardiyang anghel. Na ikaw ay nailagay sa pagitan ng langit at lupa at naghihintay sila na ikaw ay pumili. Ang iyong desisyon na gagawin ngayon ay iyong dadalin hanggang sa kabilang buhay. Nakatingin sa iyo si Hesus mula sa langit, nagmamahal sa iyo. Nakatingin din si Inang Maria at ang mga Santo na nagpapangaral sa iyo.
Pagpili: kinamumuhian ko ang impyerno. Tanggapin mo ang tulong na binibigay ng Inang Maria, at ng mga Santo.


Ika-10 pagninilay: ang pagpili ng kaluluwa sa debotong buhay.

Paghahanda:paglagay sa sarili sa piling ng Diyos. Magpatirapa at hingin ang Kanyang tulong.
Pagninilay: isipin ang mga demonyo na nakaupo sa kanyang trono. Tignan ang mga nangyayari sa kanyang kinaroroonan na puno ng galit at pagkamuhi sa isa't-isa. Tignan ang kaharian ng Diyos na nagdadasal para sa mga makasalanan. Pagnilayan ang kagandahan ng kanyang kaharian ng kabanalan. Iniwan mo na si Satan sa pamamagitan ng kagustuhan na mula sa Diyos. Ang mga santo kasama si Inang Maria ay naghihikayat sa iyo. Tinawag ka sa pangalan ng Panginoon

Pagpili: o mundo 'di ako sasama sa iyong mga gawi. Akapin mo si Hesus, ating Hari at sambahin siya.

Dapat din nating iwanan ang ating kagustuhan na magkasala ng venial na kasalanan. Ang Espiritu Santo ay gumagabay sa ating mga konsiyensya mas nakikita natin ang kasalanan, kagustuhan at pagkukulang na pumipigil sa atin sa totoong debosyon. Ang maling kagustuhan na iyon ay hahadlang sa ating debosyon tulad ng kagustuhan ng mortal na kasalanan ay humahadang sa pagmamahal. Pinapahina nito ang espiritu na makaranas ng banal na kaaliwan o consolation. Ito ay nagbubukas sa atin sa mga tukso. Ito ay di pumapatay sa kaluluwa ngunit sumusugat ng malalim.binabarahan nito ang kaluluwa ng mga masasamang gawain at kagustuhan na pumapatay sa aktibong pagmamahal na buhay ng debosyon. Anong klase ng kaluluwa ang magsasaya sa pagkakasala laban sa Diyos?

Kailangang maglinis sa lasa ng mga walang halaga at peligrosong mga bagay

Kahit walang masama sa pagsasayaw, pananamit, libangin ang sarili, ang malulon sa mga bagay na iyon ay laban sa debosyon ,makakasakit at peligroso. Ang kasamaan ay hindi sa paggawa nito kung hindi sa paglagay sa puso ng mga ito.

Paglilinis ng sarili sa masamang pagnanasa

Mayroon tayong mga pagnanasa na 'di bunga ng ating sariling kasalanan ngunit mga limitasyon. Ang kanilang mga bunga ay pagkakamali at pagkukulang. Bagama't ang mga ito mga likas na kahinaan, nangangailangan pa din ito ng pag-iingat, kailangan ng pagtatama at pagwawasto, at pagpapagaling. Walang ugali ang sapat na hindi matututo ng masamang gawi at walang masamang ugali na di maaaring magapi ng grasya ng Diyos.

II

Mga payo tungkol sa paglapit sa Diyos sa pagdadasal at mga Sakramento

Ang pagdadasal ay nagdadala sa ating pag-iisip sa liwanag ng Diyos at nagbubukas sa ating kalooban sa init ng pag-ibig ng Diyos. Ito ay parang bukal na bumubuhay sa ating mga mabubuting kagustuhan, nag-aalis sa mantsa ng mga pagkukulang ng ating kaluluwa at nagpapahupa sa mga kagustuhan ng puso.

Inimumungkahi ni San Francisco Sales higit sa lahat ang pagdadasal na mental, ang pagdadasal ng puso na nakukuha sa pagninilay ng buhay at pasakit ng ating Manunubos. Kapag inuugali natin ang pagninilay na ito , pupunuin Niya ng ating kaluluwa ng Kanyang sarili, matututuhan natin ang Kanyang pagpapahayag at matututuhan nating ibase ang ating mga galaw base sa Kanyang mga ehemplo.

Laging umpisahan ang lahat ng pagdadasal sa paglalagay ng ating sarili sa Kanyang presensya.

Minumungkahi ni San Francisco de Sales ang pagdadasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Kredo ng mga Apostol sa Latin. Ang isang Ama Namin na dinasal ng may debosyon ay higit na mas mahaga kaysa sa maraming Ama Namin na nagmamadaling dinadasal.

Kung habang nagdadasal ng may salita, ang ating puso ay madala sa mental na pagdadasal, huwag mo itong pigilan, hayaan ang sarilo na gawin ito sa pag-iwan sa dasal na pasalita na una nating gustong gawin. Ang mangyayari na iyon ay mas magugustuhan ng Diyos at mas may pakinabang sa iyong kaluluwa.

Kapag ang umaga ay lumipas nang hindi nagagawa ang mental na pagdadasal, subukan na gawin ito sa loob ng araw na iyon ngunit 'di pagkatapos ng pagkain dahil baka 'di ito maging madali at makatulugan niyo ito. Kung 'di pa din ito magawa sa loob ng isang araw, kailangan makabawi sa pagsasabi ng mga simpleng dasal, pagbabasa ng mga espritwal na libro o mga gawa ng penitensya.

Maikling plano para pagninilay. Tungkol sa presensiya ng Diyos: unang punto ng pagninilay

Ang una ay ang pagkilala na ang Diyos ay nasa lahat ng lugar. 'Di natin nakikita ang Diyos, at kahit nasasabi ng ating pananampalataya na kapiling natin Siya, nalilimutan natin ito at naiisip natin na Siya ay malayo. Kaya mahalaga bago tayo magdasal, kailangang maalala natin ang presensya ng Diyos.

Ang pangalawa, dapat nating matandaan na 'di lang natin kasama ang Diyos sa lugar kung nasaan tayo, Siya din ay nasa puso natin at espiritu na Kanyang pinapagalaw nang Kanyang banal na presensya.

Ang pangatlo ay ang pagninilay sa ating Manunubos, na sa Kanyang pagkatao ay tumingin sa atin mula sa langit. Siya ay tumitingin sa lahat ng tao, lalo sa mga Kristiano na Kanyang mga Anak, at higit lalo sa mga nagdadasal sa Kanya.

Ang pang-apat ay ang imahinasyon na matignan ang Manunubos sa Kanyang Banal na Pagkatao na siya ay totoong kapiling natin, tulad ng ginagawa natin sa ating mahal na kaibigan. Ngunit kung tayo ay nasa harap ng Banal na Sakramento, ang Kanyang presensyang pangtao ay totoo at di na imahinasyon.

Ang pagtawag: ika-2 bahagi ng paghahanda..

Sa paglalagay ng sarili sa piling ng Diyos, magpakumbaba nang may buong paggalang ng may pag-amin na 'di tayo karapat-dapat na lumapit sa Makapangyarihang Hari. Maaring dasalin ang mga maiikling kahilingan tulad ng dasal ni David "huwag mo akong paalisin sa Iyong harapan at huwag Mong alisin ang Espiritu Mo sa akin" (Ps 1) "Magliwanag sana ang Iyong mukha sa iyong lingkod at ituro mo sa akin ang Iyong batas" (ps 118:135) "Ibigay mo sa amin ang pang-unawa at hahanapin ko ang Iyong batas at itatago ko ito sa aking puso." "ako ang Iyong tagapaglingkod ibigay mo sa akin ang pang-unawa"

Makakatulong din ang pagdasal sa mga santo lalo na ang mga santo na may relasyon sa pagninilayan.

Ang pagninilay sa misteryo: ika-3 punto ng paghahanda.

Ang susunod ay ang "compositio loci" o paggawa ng lugar. Ito ay ang simpleng paglikha sa ating mga sarili sa pamamagitan ng imahinasyon na ating pagninilayan na parang ito talaga ay nangyayari sa harap ng ating nga mata. Sa tulong nito, naiiwasan ang pagpunta ng isip sa ibang bagay.

Ika-2 bahagi ng pagninilay- repleksyon

Matapos ang paggamit ng imahinasyon, sumusunod naman ang pag-unawa na ating tinatawag na pagninilay. May pagkakaiba ang pagninilay at ang pag-aaral. Ang pag-aaral ay may kawalan ng pagmamahal ng pag-ibig sa Diyos bilang layunin. Ang layunin ng pag-aaral ay pansamantala lamang, tulad ng karagdadang kaalaman para sa talakayan o pagsulat atbp.

Matapos matuon ang pansin sa pinagninilayan, magnilay sa mga bagay na ito. Kung ang isip ay nakakakuha ng sapat na pagkain at ilaw sa pagninilay na iyon, mamalagi sa pagninilay na iyon. Kung hindi makakita ng sapat na bagay na pagninilayan sa unang paksa, ituloy ang pagninilay sa ibang bagay nang hindi nagmamadali.

Ika-3 bahagi ng pagninilay- ang nararamdaman at mga gagawin

Pinupuno ng pagninilay ang ating kagustuhan ng mabubuting mga pampakilos, tulad ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Kailangan nating palakahin at palakasin ang ating kaluluwa sa ganitong mga damdamin. Huwag tayong makukuntento sa mga mithiin at kagustuhan na ito, sa halip, gawin itong mga gagawin para sa sariling pagtatama at pagbabago.

Konklusyon

Tapusin ang pagninilay sa tatlong mga gawain na gagawin ng may pagkukumbaba. Una, pagpapasalamat. Ika-2 pag-aalay ng sarili kung saan iniaalay natin sa Diyos ang Kanyang sariling Awa at kabutihan, Kamatayan, Dugo, at ang mga bunga ng Kanyang Anak kasama ang ating saloobin at mga naiisip na gagawin.


itutuloy...